ERICA'S POINT OF VIEW
"Good Morning ma'am. Here's your medicine"
Wala akong gana pero pilit parin akong ngumiti kay Nurse Anj. Short for Anjolina
"Kailan po ako makakalabas?"-Ako
"Si Doctor Marquez lang po ang makakapag sabi niyan miss Erica"
Inalalayan niya ako para makaupo at maka inom ng gamot
"Eh nasaan po si Doc Ash? Siya na po ba yung head dito?"-ako
"Yes po. Sila po ang mayari ng ospital na ito. At busy po kase si Doc Ash eh. Madami pong patient"-Nurse Anj
"Gaano po kadami?"-Ako
Huminga siya ng malalim. Marahil ay nakukulitan na siya sa akin.
"Ngayong araw po ay higit kumulang 200. Uso po kase amg dengue ngayon"
Tumango ako bago siya nagpaalam na umalis.
Ngayong araw pakiramdam ko may ayos na ang lagay ko kaysa noong nakaraan.
Sinubukan kong tumayo at kuhain yung wheel chair samay gilid.
Wala naman kase akong ginagawa kaya mag iikot nalang ako dito.
Hindi pa ako nakakalabas mula magising ako kaya ayos lang naman siguro.
Maayos akong naka upo sa wheel chair at nasabit ng maayos ang dextrose.
Excited akong lumabas. Weird diba?
Sinara ko ang pinto bago pinaandar ang wheel chair kahit saan.
Napunta ako sa ward na puno ng bata.Childrens ward siguro?
Ngumingiti ako sa bawat batang tumitingin sa akin.
Buti nalang at walang nurse dahil siguradong pagagalitan ako non!
May nakita akong bata na naiyak pero walang nagbabantay. Siguro 3-4 years old na siya.
Nilapitan ko ang bata at hinawakan.
"Kamusta? Bakit ka naman naiyak baby?"
Pinaka sweet na boses na ang gimamit ko pero hindi parin siya natigil.
Hindi ko alam kung paano patahanin ang bata dahil mas lalo pa siyang umiyak. Akala siguro ng iba ay pinaiyak ko pa.
Nakatingin tuloy samin yung nasa katabing bed.
Bigla kong naalala na may nilagay pala akong biscuit sa bulsa ng wheelchair ko
"Gusto mo ba ng pagkain?"
Inilahad ko sa kanya ang biscuit.
Unti unti siyang tumigil sa pagiyak at tumingin sa akin pati sa biscuit.
Marahan siyang tumango kahit puno ng luha ang kanyang mga mata.
Binuksan ko ang biscuit at iniabot ito sa kanya.
Mapula ang kanyang mata dahil sa pagiyak pero nakikita kong masaya siya sa pagkain.
Nasaan ang bantay niya kung ganon?
"Anong pangalan mo?"
Sana naman ay nakakaintindi na siya.
"P-primrosh"
Damn!
Kids can break my heart. Ang cute ng pagkakasabi niya na akala mo ay hindi siya umiyak kanina.
"How old are you?"
Tanong ko ulit habang siya ay kumakain.
"three po"
Bulol ang pagkakasabi niya pero natuwa parin ako.
Nasaan na ang bantay niya? Medyo kanina pa siya wala ah?
"Sino nagbabantay sayo baby? Bakit wala pa?"
"Mama po"-Primrosh
"Nako madalas yan iwan ng nanay niya dito. Nakakabingi nga ang pagiyak nyan eh"
Sabat ng tao sa katabing bed.
Noong bata pa ako umiiyak din ako kapag pag gising ko ay wala akong katabi.
Umiiyak ako hanggang masanay na akong walang kasama.
"Bakit naman po? Bata pa po ito baka kung anong mangyari"-Ako
"Ay hindi ko alam eh. Iniiwan yan kapag tulog siya. Tapos dadating yung nanay tyaka lang titigil sa pagiyak"
Sabi noong babae.
Mabuti ka pa,umuuwi ang nanay mo.
"Gutom pa po ako ate"
Napalingon ako sa bata ng magsalita ito
Wala na akong dalang pagkain kaya tinignan ko nalang yung gamit nila.
Puro damit lang ang nandito pati tubig.
"Ate pwede bang bilhin ko nalang yang biscuit niyo? Papalitan ko nalang mamaya"
Sabi ko doon sa katabing bed namin na madaming pagkain.
"Nako stock namin yan eh. Hingi ka nalang sa iba"
Isa lang naman at papalitan ko naman eh?
Gusto ko sanang sabihin yan kaso wag nalang dahil ako naman ang humihingi ng pabor
"Ay ganon po ba? Sige po"
Nginitian ko nalang ng peke yung babae bago humarap sa bata
"Wala na kase baby eh. Bibilhan kita wait moko dito ah?"
Good thing na dala ko yung wallet ko at binigyan ako ni Cyper ng pera dahil hindi naman ako makapag withdraw
Umalis ako at hinanap yung bilihan.
Sosyal ng ospital ni Ashton may nagiikot ng tinda sa cart.
Bumili ako ng madami para madaming pagpipilian yung bata.
Pabalik na ako ng may mapansin babae na naiyak sa gilid.
Medyo madilim kaya natatakot pa ako pero halatang pinipigil ng babae ang iyak.
Nagulat siya ng makita ako. Naka upo pala siya samay hagdan.
"Nako ma'am aakyat po ba kayo? Tulungan ko na po kayo sa elevator wag po kayo dito sa hagdan"
Sabi niya sa akin.
"Ay hindi po. Bakit po kayo umiiyak?" Diretsong tanong ko
"Nako wala po ito ma'am."
Normal na tao lang din naman ako pero bakit niya ako tinatawag na ma'am?
"Ah sige po. Una na po ako"
Nagmamadali kase akong balikan yung bata kaya nauna na ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
REMEMBERING ASHTON XILL MARQUEZ
RomanceErica Freathe Mendez had been comatose for three years and she woke up with a fragile body. Ashton is a doctor,who is also part of her past will try to remind her of everything. Will he be able to bring back Erica's memories? Erica X Ashton