Question: Bakit sa tingin niyo may Daffodils sa title ng story, hmm?
--
“Tititig na lang, ‘di pa nilubos-lubos..”
Mason teased silently. I can also feel his smirk by the way he speak.
‘Di makapaniwalang tumingin ako sa lalaking katabi ko.
A-ang kapal..
“Y-you--!” Napataas ang boses ko habang nakaturo ang isang daliri sakanya.
Tumingin siya sa’kin at tipid na inismiran ako bago sumandal sa upuan.
Kinakalma ko ang sarili ko nang maramdaman ang ilang pares ng mga mata ang nakatingin sa akin. I saw my classmates and also, my teacher looking at me.
Embarrased, I stood silently, “S-sorry po..” pag-hingi ko ng paumanhin. ‘Di ko gustong maunahan pa akong pagalitan ni Ma’am bago ako makapag-sorry, ‘no!
I looked at some of my classmates reactions and saw that they are all holding their laugh.
“Just don’t shout in my class again, Ms. Herrera,” masungit na sabi ni Ms. Filiano.
Tumango ako at madaling umupo, ‘di na nakayanan ang hiya.
Nang makaupo, nilingon ko ang katabi kong tila walang pakealam. Nakatingin lang siya sa harapan.
‘This is all your fault, stupid..’
Sinamaan ko ng tingin si Mason na walang pakealam. I thought about ways of torturing this guy in my head. He’s really pissing me..
“Uy girl, where are you going?”
Shaine asked when she saw me stood fast after Ms. Filiano dismissed us.Sa mga nalalabing oras, binigay lang niya sa amin ang schedule namin for the whole school year. Ipinakilala din niya sa amin ang aming mga subject teachers through her phone.
Winarningan din niya kami sa mga terror teachers sa aming grade level.
At sa mga oras na ‘yon, wala akong ginawa kundi ang bumulong sa sarili ko.
‘Bwisit, bwisit!’
I picked up my bag, “Home..” I answered her.
“Huh? Ay oo nga, uwian na pala,” she said, looking lost. “Sige, ingat ka!”
Tipid akong ngumiti sakanya at nagmamadaling umalis ng room.
Dire-diretso lang ako palabas hanggang sa nakarating ako ng tapat ng aming building.
I sighed.
Inayos ko ang strap ng aking backpack at nagsimula nang maglakad papuntang parking area kung saan naghihintay sa akin ang sundo ko.
I looked at my watch, it says minutes to two. Paniguradong kanina pa naroon si kuya. Nabanggit niya kanina na dahil second day, maaga ang uwi nila katulad ng kahapon.
Dahil seniors, mas mahaba ang oras nila sa paaralan kumpara sa aming mga juniors. Ang pasok ni kuya Finn ay mula alas-syete y’ media ng umaga hanggang alas-kuwatro ng hapon. May iilang subject na idinagdag sa mga piling araw kaya minsan, alas-singko hanggang alas-sais ang uwi nila.
Hindi gaya namin, kung magiging regular na ang klase, ang pasok ay magsisimula nang alas-syete ng umaga hanggang alas dos ng hapon. Walang pinagbago, katulad lang din ng kung hindi regular ang klase.
Si Sean naman, alas-siyete ang pasok hanggang alas-dos y’media ng hapon.
Nang dumaan ako sa guard house, nagpasalamat muna ako sa guard.
BINABASA MO ANG
The Pain Of Daffodils
Teen Fiction[On Going] Serenity Jasmine is a simple Manileña girl, who happened to move in Rizal with her family. With a happy and complete family, she has nothing else to ask for. Slowly adjusting to the provincial vibes that is way, way far from her life in M...