17: Hug
Maaga kaming ginising nila ang berting. at tinanong pa kami ni Edge kung bakir dito kami sa sala natulog dalawa tapos kung magjowa ba daw kami, dapat daw hindi kami nagtatabi palagi kasibaka ma...buntis ako
"Naku iha! hindi basta basta ang pagbubuntis! 16 palang ako noon nong binuntis ako nitong si Berting!" habang inaayos namin yung mga gawa naming sampaguita, pinagsasabihan naman ako ni Aling nena. Nagulat rin kami nila Nikkie na 16 palang siya ay nabuntis na.
"Ako ayos lang sakin mabuntis kung si Edge ba naman magiging ama," sabi bigla ni Nikkie kaya binatukan siya ni Aline nena,papatulan na sana niya mabuti nalang pinigilan siya ni Rose.
"Akala niyo ba na madali langmagbuntis? Naku lalo na pag kabuwanan mo na sobrang sakit ang mararamdaman niyo. Ito namang si berting akala ko isa lang magiging anak namin. Hindi makapag pigil hanggang sa naging anim. Yong panganay kailangang huminto sa pagaaral para makatulong samin." Napatahimik lang ako sa sinabi ni aling nena.
"Kung binigyan kayo ng chance na makapagaral. Mag-aral kayo ng mabuti ihuli niyo na ang paglalandi." Nagtitigan naman kaming tatlo nila Nikkie
"Kawawa kayong mga babae sa lalaki kasi walang mawawala at hindi sila ang magdadala ng sanggol. Hindi sila ang maghihirap." Napalunok naman ako, ano ba kasi itong topic namin. Hindi naman ako magpapabuntis. Napahawak ako sa noo ko, ilang beses na rin kasi kami nagtabi ni Edge. Malandi na ba ako?
"Kaya iha wag lalandi landi ha." bigla akong tinitigan ni aling nena at tumango naman ako agad.
"Dapat dalagang pilipina pa rin!" sigaw niya at napapangiwi nalang ako naiilang kasi ako sa topic namin ngayon.
"Tayo naman kasing mga babae sobrang rupok natin!"
Pagkatapos naming magayos ng mga sampaguitang dadalhin namin ay agad na kaming lumakad, sabi ni Aling nena maligo na daw kami pagkatapos naming magbenta. Sila Edge naman mangangalakal daw ulit yun ngayon.
"Sampung pesos po isa." sabi ni aling nena ako naman nagsulat lang ako sa white board ko na
ISA = SAMPU.
Nandito kami sa labas ng simbahan, pero bago kami magbenta ay pumasok muna kami ng simbahan at nagtirik kami ng kandila.
Nakakabenta naman sila Nikkie at Rose dahil sa kakalandi nila, pag nakikita sila ni Alinv nena agad naman silang sinasaway at baka daw mabastos sila. Nakakabenta din naman ako kahit papaano pero konti lang talaga ang bumibili ng sampaguita. Tapos marami pa kaming nagtitinda dito.
"Asawa ko!" Napatingin kami kay aling nena na biglang sumigaw, nandito na sila Egde. Magaalasais na pala, wala pa kaming kain. Grabe, pagkagising sa umaga kayod agad. Hindi ko nakitang naging masipag mga magulang ko dati palagi lang naman silang galit at sumisigaw. Lalapitan ko na sana si Edge, nong nilapitan siya ni Nikkie pero gaya ng dati itinulak lang siya ni Edge ulit.
"Halina kayo at bumalik na tayo sa bahay. Naku maraming salamat sainyo marami rami rin akong nabentang sampaguita ngayon." Sumunod naman kami kayna Aling nena, Gutom na ako eh. Tumabi naman sakin agad si Edge. Hindi niya natapos yung kwentong cinderella kagabi. Napanguso ako. Ewan ba nabibitin ako.
Nong nakauwi na kami kumain muna kami, sardinas naman inulam namin.Tapos pinaglinis kami nila Mang berting sa labas, pinagwalis. Kaming tatlong babae lang sina Edge naman nagi-gib ng tubig.
"Ayoko na talaga! pag matapos lang ito lilipat na ako ng University." Maarteng sabi ni Rose.
"Hmmp ako ayos na ako kasi nandito naman si Edge." Nakangiting sabi ni Nikkie pero maarte pa rin, hanggang dito pa naman Edge pa din.
BINABASA MO ANG
Angel's Voice
Romance"Be nice to her she...cant speak...Well.." Angel series I photos used are not mine (from Canva) . credits to it's rightful owner