Ang Barangay Kalinisan

8.9K 7 1
                                    

Isa lamang ang barangay kalinisan sa Maynila na nagpapatupad ng kaayusan at kalinisan sa kanilang barangay. Ang pamilyang Dela Cruz ay isa lamang sa residente ng Barangay Kalinisan. Si Ashli ay ang nag-iisang anak nina ginoong Renato Dela Cruz at ni ginang Shalimar Dela Cruz. Ang trabaho ng kanyang ina ay guro sa mababang paaralan ng barangay kalinisan at ang trabaho ng kanyang ama ay kapitan ng barangay kalinisan. Pinalaking magalang at masunurin si Ashli ng kanyang mga magulang. Ang bilin lagi sa kanya ng mga magulang niya na laging maging mapangalaga sa kanyang paligid. Paggising ni Ashli sa umaga siya’y nag-aayos ng kanyang pinaghigaan, naghihilamos, tumutulong sa paglilinis ng kanilang bakuran kasama ang kanyang mga magulang, sama-samang kumakain ng almusal at maghahanda sa sarili sa pagpasok niya sa eskwelahan.

Maging kanyang eskwelahan sinisiguro niya na wala siyang anumang kalat na itatapon sa kung saan man. Lagi siyang tumutulong sa paglilinis ng kanilang classroom kahit na hindi siya cleaners sa araw na iyon. Pag-uwi niya sa kanilang bahay, makikita niya ang mga batang naglalaro sa labas gaya ng tumbang preso, piko, patintero, luksong baka at iba pa. Nakikita niya rin ang mga nagdamihang tindahan sa kanilang barangay na gumagamit na lamang ng ecobag imbis na plastic bag. Ang plastic kasi ay nagdudulot ng pagbara sa mga kanal sa mga panahon ng tag-ulan na nagiging isa sa dahilan ng pagbaha sapagkat hindi ito nabubulok. Ang bawat bahay sa kanilang barangay ay may dalawang hiwalay na basurahan. Ang basurahan para sa Nabubulok at Di-nabubulok. Ang mga mamayan din ng kanilang barangay ay nangungolekta ng mga bote, dyaryo, karton at iba pang maari nilang ibenta sa mga junk shop.

Pagsapit ng gabi ang mga tanod sa kanilang barangay ay umiikot upang siguruhing wala ng mga batang pakalatkalat sa labas pagsapit ng 10 pm ng gabi. Hindi rin pinahihintulutan ang mga menor de edad na bumili ng alak at sigarilyo sa anumang tindahan ng kanilang barangay. Ang sinumang lumabag ay may karapatang parusa. Ang pag-iingay sa pagsapit ng gabi ay pinagbabawal din dahil na din sa marami ng natutulog. May mga salu-salo at inuman ng mga matatanda kapag may piyesta at okasyon sa kanilang barangay.  Sa panahon din ng kalamidad ang mga mamayan ng barangay kalinisan na malapit sa mga ilog ay pinalilikas agad  sa mga evacuation center upang maging ligtas. Ang mamayan din ay nagtutulungan sa paglilinis ng mga dahon, sanga, at iba pang kalat na nasa paligid ng kani-kaniyang mga bakuran na dulot ng malakas na bagyo. Ang kapitan ng kanilang barangay ay nagpapasagawa din ng tree planting sa kanilang barangay upang mapalitan ang mga punong nasisira ng mga nagdaan na bagyo. Ang Mayor ng Maynila ay pinangaralan ang Barangay Kalinisan at ang kanilang Kapitan na si Renato Dela Cruz na ang barangay kalinisan ay isa sa mga barangay sa Maynila na laging napapanatiling maayos at malinis ang kanilang pamayanan.

🎉 Tapos mo nang basahin ang Ang Kaayusan at Kalinisan ng Brgy Kalinisan 🎉
Ang Kaayusan at Kalinisan ng Brgy KalinisanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon