Ako at ang Kadramahan

77 4 3
                                    

Im Eyrlinda De Guzman, a.k.a Eyan Dee. But I prefer Ey'ey.

Ang kwento ko ay napaka ordinaryo, heartaches at kasawian sa pag ibig. Pero malamang sa malamang, marami ang makakarelate dito. Eto kaya ang pinaka trending sa mundo at sa larangan ng Pag ibig. At kung magkakahash tag nga e trending topic siguro ang #BrokenNanaman at #WalangForever. Ganyan ako kabitter. Sa dami ba naman ng pinagdaanan kong sakit e parang kotang kota na ako. Pero sabi nga ni Marcelo Santos, "Marami ka ng naging problema at pinagdaanan. Hindi na bago sayo ito. Kung kinaya mo noon, makakaya mo rin ngayon."

Pero Marcelo, hindi e! Hindi ganun kadali. Oo, ilang beses ng nangyari toh at akala ko nga kabisado ko na ang lahat, kabisado ko na ang masaktan pero iba pa rin. Para bang it feels like it is always the first time. Akala ko alam ko na ang lahat, alam ko na ang pag move on, pero mali ako. Iba kasi toh hindi to yung tulad ng una kong boyfriend na nasaktan ako kasi we both know na kelangan namin itigil dahil mas maramimg dapat unahin. Hindi ito yung tulad ng second boyfriend ko na legal sa pamilya ko pero LDR kami at loss of communication ang dahilan ng pag hiwalay namin. Iba kasi toh. Hindi toh natural. Hindi natural yung ako lang ang nag mahal. Hindi natural ang One Sided para sa akin. Pero pinatos ko pa rin!

"One-Sided"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon