Chapter 7

1 1 0
                                    

HARRIE'S POV

My name is Harrie Zein Singh 19 years of age at isa ko sa member ng mga nag prapractice para sa laban ng soccer, Kaibigan ko rin si Aeiou simula bata pa kami actually 6 kaming magkakaibigan noon 2 babae at 4 na lalaki pero sa hindi inaasahang aksidente na nangyare 3 years ago di ko alam kung mabubuo pa kami.

Magkakasama kami nila Zion at Shiloah dahil may practice kami ngayon pero ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit wala si Ae dahil imposibleng mawala sya sa practice kaya naisipan kong tanungin yung dalawang ulupong.

"Zion, Shiloah alam nyo ba kung asan si Ae?" tanong ko pero umiling lang yung dalawa sabagay wala naman akong aasahan sa dalawang to, si Shiloah na isip bata at si zion na pacool.

May mga codename kami noon na tanging kami lang ang nakakaalam magkakaibigan.

Aeiou - Xy (Say)

Harrie - Rie (Ray) ayan ang tawag nila sakin ang panget daw kasi pag RI ang basa

Shiloah - Ky (kay)

Zion - Zayn

Yrah - Max

and last her code name is Faith

Ayan yung mga code name na hindi namin ginagamit ngayon dahil isa sa rule naming magkakaibigan noon na wag babanggitin ang mga yan pag hindi kami kumpleto at tanging myembro lang namin ang mamaring tumawag samin ng ganyan kaya naman everytime na magpapakilala kami hindi namin kinukumpleto ang pangalan namin tulad ng kay Aeiou hindi nya ginagamit ang Xyne kapag sa ibang tao lalo na ngayon na malaking kakulangan samin ang pagkawala ni Faith.

After ko mag muni-muni at isipin ang mga code name namin noon ay iniwan ko muna yung dalawa na mukang nakatulog na ata dito, meron kasi kaming pwesto dito isa itong Tree House na sinadya namin ipatayo kung tutuusin ay wala ng bago don dahil ang mga magulang naming magkakaibigan ang may ari ng school nato pero mahigpit na ipinagbabawal na kami ang anak nila dahil gusto rin naman namin mamuhay bilang normal na estudyante na pantay din ang tingin sa lahat walang mababa walang mataas.

Sa sobrang pag-iisip ko at hindi ko namalayan na nandito na pala ko field kaya hinanap ko agad si Coach at nung matanaw ko na ay agad ko syang nilapitan.

"Coach alam nyo ba kung nasan si Ae?" i ask

"ayyy nako ayong batang yun nagpaalam kahapon na mawawala daw sya ng mga ilang araw at may kelangan daw sya puntahan" sabi naman ni coach

Tatanungin ko pa sana si Coach pero biglang sumulpot si Qeylei.

"Uyy Qey bakit?" tanong ko sa kanya

"Alam mo ba kung saan pumunta si Yrah? ang paalam nya kasi ay emergency tutal magkababata naman kayo may alam ka ba na pwede nyang puntahan? hindi pa kasi sya tumatawag sakin pero sabi nya ngayon ang flight nya so na inform ka ba nya?" tanong sakin ni qeylei na ikinabigla ko

"Qey wala syang sinasabi samin actually si Ae din hinahanap ko e, nag paalam ba sya sayo" tanong ko at kumamot pa sa ulo dahil naguguluhan ko at sabay pa silang nawala

"Ayyy si boo may emergency daw hehehe di ko din alam kung nasan baka daw wala sya ng ilang araw tinanong ko naman kung bakit pero sabi nya masyadong confidential kaya di nako nagtanong at si Yrah mawawala daw sya ng mga a week or two, nakakapagtaka kase di naman sya nawawala ng ganon katagal" paliwanag nya na talagang nakapag pagulo sakin ano yung confidential at wala kaming kaala alam nila Zion anong meron

"Qey wala eh sorry" ayan nalang nasabi ko sa sobrang pagtataka ko

"hehehe okay lang bye na may class pako" paalam nya

Hayst ang bait talaga ni Qey at sana wag syang magalit samin pagnalaman nyang sa dare lang nagsimula ang lahat tsk kasalanan to ni Shiloah e, pero alam ko din na mahal na sya ni Ae kase nagtagal din sila ng dalawang taon.

Naglakad nako pabalik sa Tree House sa bandang likod ng school, kami lang nakakapasok dito dahil inirequest namin na maging pribado ang lugar na to para samin. Habang naglalakad ako ay iniisip ko pa rin kung bat nawala yung dalawa posible kayang mag kasama sila? Pero pwede ring hindi dahil tulad ng sabi ni Qey weeks mamawala si Yrah at days naman tong si Aeiou.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 05, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

STILL INTO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon