Chapter 10: Arrow

77 11 5
                                    

Honey's POV

"Nasaan na naman tayo?" tanong ni Ally nang mabuksan na ng tuluyan ni Marsha ang pinto.

I thought pintuan palabas ng lugar na ito ang pinasukan namin pero I was wrong. Nasa parang isang basketball court ulit kami. Napabuga na lang ako ng hangin. Wala na talaga kaming kawala rito.

"So another setting again," malungkot na sabi ni Ally.

"Ano pa bang i-expect natin sa lugar na ito?" dagdag ni Reixel.

"Teka lang guys si Celestria ba 'yon?" tanong ni French sa amin sabay turo sa harapan. Thank God buhay siya.

"Oo siya nga," masayang wika ni Reixel.

"Celestria!" tawag ni French dito.

Napalingon siya sa amin tsaka ngumiti. Iniwan niya ang dalawang babae na kaharap niya.

"Akala namin ay pinatay ka na ng Master na 'yon," naramdaman ko ang pag-init ng aking mata.

Pilit kong pinipigilan ang pagpatak ng aking mga luha dahil sa labis na saya. Nginitian niya lang ako. Mukhang may mali kay Celestria ngayon. I don't know kung ano 'yon.

"Anong ginawa nila sa'yo?" tanong ni Reixel. Ñ

Napansin ko ang paglungkot ng mukha ni Celestria sa naging tanong ni Reixel. Tama nga ako. May mali nga sa kanya ngayon. Nagkatinginan kami ni Reixel. Napahawak si Celestria sa kanyang labi.  Ipinakita niya sa amin ang nakatahing bibig niya. Napatakip ng kanyang bibig si Ally. Maging ako ay nagulat din sa ipinakita niya.

"B-bakit niya ginawa 'to sayo?" naaawang tanong ni Reixel.

"Mas mabuti ng ganyan Reix kaysa patayin siya ng Master na 'yan," pagpapakalma ko sa kanya. Napatango-tango naman si Celestria pagkuway itinuro niya sa amin ang dalawang babae sa hindi kalayuan.

So, as expected may bago na naman. Si Sapphire, kaklase ni Ally at si Zaunna, kaklase nina French. Napaharap kaming lahat sa stage ng biglang tumunog ang walkie talkie. Sa harap nito ay may isang lalakeng statue na may hawak na pana at palaso. Yung set up ngayon ay pareho rin no'ng kanina but ang pinagkaiba niya lang is 'yong sahig ngayon. Hindi na siya grassy type. May orasan tsaka timer pa rin na nakakabit sa may kisame.

Nahalata kong natatakot ang bago naming kasama nang magsalita na ang Master. Mukhang wala 'ata silang kaalam-alam sa sasapitin namin dito. As what the Master explained, the next game is "Statue". Parang stop and go lang ang peg. In order for us to win this game is to press the blue botton at the back of that statue.

Click!
Tumunog na ang timer. 20:00. Mabuti na lang at medyo matagal ang ibinigay sa amin na oras.

"Pumwesto na tayo," sabi ko sa kanila. Naglakad na kami papalapit sa statue ng biglang umilaw ang kulay pulang ilaw.

"Stop!" matigas na sabi ni Reixel.

Natigilan kaming lahat sa paglalakad. Napalingon ang statue sa amin. Nakakatakot ang nanlilisik na mata nito. Isang maling galaw lang namin ay natitiyak kong patay kami nito. Napahinga ako nang malalim ng muling tumalikod ang statue sa amin.

"Oh my ghad muntikan na tayo 'don ah," sabi ni Marsha.

"We need to becareful," sabi naman ni Ally.

"One wrong move natitiyak kong mamamatay tayo," dagdag ko.

Biglang umilaw ang kulay berde sa statue. Muli kaming naglakad palapit dito.

"Teka sinong pipindot ng button?" tanong ni French. Itinuro ni Celestria ang kanyang sarili.

"No. Dito ka lang Celes," pagpigil ko sa kanya. Napacross arms na lamang siya saka napailing.

Animus: Escaping DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon