PROLOGUE

305 6 5
                                    

                 PROLOGUE


                  NARANASAN NIYO NA bang magkaroon ng isang bagong gamit at sa isang iglap nag-bago ang buhay mo? Gaya na lamang ng isang bagong bag na binili sa'yo ng lola mo noong nakaraang taon. At noong dinala mo ito sa eskwelahan niyo'y halos dumugin ka na ng lahat ng mga babae upang tanungin lamang kung sa'n mo iyon nabili. O kaya naman isang taong nakapagbago ng buhay mo. Tatlong babae mula sa Davory Pines, isang maliit na bayan sa Pilipinas ang mag-babago ang mga buhay dahil sa taong kanilang makikila. At sa isang iglap, ang simpleng buhay nila ay magiging komplikado.

                MALAKAS ANG TUGTOG na nag-mumula sa kotse ni Maricar Reyes habang hinihintay niya ang pag-tunog ng bell. Malakas niyang naririnig ang tinig ni Katy Perry sa kanyang sasakyan. Tiningnan niya ang sarili. Pakshet! Sana pinili niyang mag-suot ng sweatshirt kesa sa suot niyang plain white shirt. Nag-mumukha siyang losyang ngayon. Napabuntong hininga siya. Unang araw ng pasukan at magkaiba sila ng section ng mga kaibigan niya. Nag-papasalamat na lamang siya't--

                "Maricar!" Napatingin siya sa lalaking pumasok at napangiti siya. Si Gio Briones. Mas lalo itong gumagwapo sa suot nitong simpleng tshirt at pantalon.

                Mapusok siya nitong hinalikan. Dahan-dahan niyang naramdaman ang pag-lakbay ng kamay ni Gio sa likod niya at unti-unti nitong itinataas ang damit niya.

                "Wait," Pag-pipigil niya dito. Marahan niya itong itinulak upang bumitaw sila sa isa't-isa. "Nasa campus tayo Gio." Kinuha niya ang bag niya at isinara ang pinto.

                Nagulat na lamang siya nang hatakin siya ni Gio sa braso na tila pinipiga ang buto't laman niya.

                "May iba ka ba, Maricar!"

                "What are you talking about?!"

                "Ba't di mo'ko magawang halikan?!"

                At nabigla siya nang sugurin siya ng mapupusok na halik ni Gio na halos madurog ang kanyang mga labi.

                "Gio ano ba?! Andaming tao!"

                "Manloloko kang babae ka! Binigay ko sa'yo lahat! Eto ang isusukli mo!"

                Ramdam ni Maricar ang pag-pula ng mga pisngi niya. Napapahiya na siya sa dami ng mga matang nakatingin sa kanilang dalawa.

                "We're over!" At nakita niya ang padabog na si Gio habang malakas nitong sinuntok ang kotse niya.

                ILANG ORAS MATAPOS ang insidenteng iyon sa campus ay nag-lalakad siya basang damuhan ng campus nang makita sina Samara Torres, Esther Atalo, Candy Duran na masayang nag-uusap tungkol sa mga ginawa nila noong bakasyon.

                "Hey Maricar!" Tawag ni Samara sa kanya. Kung anong kinis at puti ng balat ni Samara, siya namang itim ng budhi nito. "Anong section ka?" Napabuntong-hininga siya. Hindi niya alam kung anong isasagot. Kung didiretso ba siya o sasagutin ang tanong niya.

                "2-B." Simpleng sagot niya at narinig na lamang niya ang nakakabinging tawanan at sigawan nina Samara. Malamang ay nakita nila ang eksena kanina.

                Pumunta nalang siya sa locker niya at inilagay ang lahat ng librong kanyang binili. Andami niyang kukuning klase ngayon. Gusto niyang maging honor student at gagawin niya ang lahat para lang makamit iyon.

BeautiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon