When we headed back to the Zambales umuwi agad ako sa bahay, and took a shower tinext ko din sila mommy since they've been asking a lot of questions about the meeting, but I just told them that i'm really busy.Luciana didn't stay here in Zambales hinatid lang nya ko at bigla na din syang umalis dahil baka daw makahalata sila na sabay kaming bumalik dito.
I just decided na wag nalang munang lumabas ngayon dahil ayoko munang makaharap sila Timothee, masyado pa din fresh ang nangyare sa meeting kahapon kaya mas mabuting ipahinga ko muna yung ulo ko.
I prepared some adobo fried rice, ginamit ko lang din yung adobong baboy na natitira sa refrigerator dahil tinatamad akong mag luto ng bongga. Then I walked to my room inayos ko lahat ng gamit ko sa kama nilagay ko din yung pagkain ko dun while getting my laptop out of its bag.
I tried to research everything about Dominguez Company while eating my food, until now iniisip ko pa din kung paano haharapin si Red knowing na alam na nya kung sino ako.
I was busy doing a research when somebody knocked on my door, bigla naman agad akong kinabahan balisa ko din dinelete lahat I even turned off my laptop. I slowly walked to the door halos hindi pa din tumitigil yung pag katok. When I opened it nagulat ako kung sino ang nasa labas.
"Hey isla! or should I call you hmm Isabela Laeticia Ferragamo." Red said while smiling widely at me, halos nanginginig buong katawan ko sa kaba, but I tried to relax myself. "What are you doing here?" I asked him buti nalang din hindi ako nag kanda utal utal.
"Just checking on you, may I come in?" He asked, I opened my door widely para makapasok sya, inayos ko naman yung couch para makaupo sya ng maayos. "So based on your reaction siguro nga may alam ka na." He said while intently looking at me, I gazed at him while raising my brow. "Eh ano naman sayo?" I tried to act strong in front of him dahil wala akong kasama ngayon.
"Isabela, hindi ako kalaban dito." He calmly said, pinatong din nya yung paa nya sa lamesa, Feel at home hindi naman kami close. "Ano ba talagang kailangan mo?" I annoyingly asked him halos hindi na din mapinta yung mukha ko sa sobrang inis, iniiwasan ko na nga sila, sya pa 'tong lumalapit.
"It seems that pinapalayo ka ng kapatid mo sa mga Vanderbilt, in that case ngayon pa lang wag kang gagawa na alam mong ikakahalata nila." He said while blankly looking at me. "At bakit naman ako maniniwala sa mga utos mo? at teka pano mo nakilala si kuya Jaime?" I asked then he just shrugged his shoulders. "Basta, wag kang umiwas sakanila. Sabi nga ng iba keep your friends close and your enemies closer." He said while smirking at me.
"In that case I want you to continue what you and Timothee doing hayaan mo sya ang mahulog sa patibong mo, hindi ikaw." Dagdag pa nya while i'm just staring at him, bigla naman syang tumayo. "I gotta go, ingatan mo sarili mo Isabela." He said then immediately leave the house ni hindi nya muna ako inantay na mag salita. Sumobrang gulo yung isip ko. There's a lot of questions like who the fuck is Red, why the fuck is he even helping me, Damn!
I run back to my room, hinanap ko bigla yung phone ko then I tried calling my brother halos hindi na ko mapakali pabalik balik din yung lakad ko. "Putangina! kahit kailan talaga wrong timing kang tumawag." He said as he answer the call. "Kuya, Red just fucking came to my house!" I said muntikan na din akong mautal. "Oh anong sabi?" He simply said halos hindi man lang nagulat sa sinabi ko.
"Kuya naririnig mo ba ko? si Rafael Esteban Dominguez pumunta sa bahay ko. Bakit hindi ka man lang nagulat?" I asked him. "Sige try ko magulat, take two tawag ka ulit." He said, hindi ko alam kung maiinis ako o matatawa sa sinasabi nya eh. "Kuya naman eh hindi 'to joke time, serious time 'to." I said then sighed.
"Ano ngang sabi? kung ano man sinabi nya sundin mo nalang, sige na may ginagawa ako." He irritatedly said then ended the call, putangina hindi man lang ako pinatapos. What the fuck? ni hindi nga nya alam kung ano sinabi ni Red, susundin ko ba talaga? pakshet naman bahala na nga.
It was six o'clock nung napag desisyonan ko na pumunta kela aling Belen since wala na kong magawa sa bahay. I knocked twice on their door biglang si kuya Isko naman yung bumukas neto.
"Oh, Isla napadalaw ka?" He asked then we both walked inside their house. "Wala ho kasi akong magawa." I said then slightly smiled at him. "Oh saktong sakto kakain pa lamang kami, sumabay ka na samin." He said tumango din naman ako sakanya kahit busog pa ko.
Pag dating namin sa kusina, aling Belen already saw me. "Isla jusko kang bata ka! saan ka ba nanggaling? hinanap ka namin sa bahay mo walang katao tao." She said while wiping my face with her towel kahit wala namang pawis, natawa naman agad ako sakanya. "Aling Belen naman, umuwi po ako kay mommy dahil may nangyari lang po." I said then looked at Becca and Tophe na kanina pa nakangiti habang nakatingin sakin.
"Ikaw talagang bata ka, maupo ka. Si Tim nga halos kakauwi lang din kahapon ni hindi ko makausap ng maayos ang lungkot lungkot ng mukha panigurado may problema nanaman yun." Bigla naman akong napatigil sa pag kuha ng pagkain, bumaling din agad yung mukha ko sakanya.
"Saan daw po sya nanggaling?" I asked while my eyes were still on her. "Sa baguio daw, hindi ko nga alam kung ano ginagawa nun sa baguio malamang nag papalamig ng ulo yun dahil may problema." She said habang sinusubuan si Becca, nanahimik nalang din ako bigla.
Bigla naman kaming napatingin sa pumasok sa kusina, it was Timothee nagulat naman sya nung nakita ako pero andun pa din yung lungkot. "Laeticia."