-Chapter 27-
[BEA'S POV]
Nagyaya na akong umuwi. Hindi ko na kasi kaya pang humarap sa pamilya ni Gino. Lalong lalo na sa kuya Enrico niya.
"Bea, ano ba, mag-usap naman tayo. Please?" Yan ang paulit-ulit na pakiusap ni Gino sa akin. Nakababa na ako ng kotse at nakapasok sa loob ng bahay pero ganyan pa rin ang sinasabi niya.
"Pagod ka na, Gino. Bukas na lang. Umuwi ka na muna, please."
"Bea, wag mo naman akong ipagtabuyan! Bea..."
Umakyat na ako sa kwarto ko pero sumunod pa rin siya. Nakita ko naman na susunod dapat si ate Bettina sa amin pero pinigilan siya ni tita Virgie.
"Bea, wag namang ganito, please." Namumula siya at lumuhod na sa harap ko. Nakita ko rin ang mga luhang pumapatak sa mga mata niya.
"Gino... Magpahinga ka na. Don't stress yourself too much. Mag-uusap naman tayo bukas. I just want to... To have time to think..."
"Wala ka namang dapat pag-isipan di'ba? Okay naman tayo. Wag mo ng pansinin si kuya. Ganun talaga yun!"
Out of nowhere ay biglang pumasok si ate sa kwarto.
"Bakit, Gino?! Anong ginawa ni Enrico sa kapatid ko?!" Tanong nito.
"W-wala, ate. N-nagkita lang kami ni Enrico sa party-" lumapit sa akin si ate at nasampal ako! And that's for the first time!
"All this time nandito ka na sa Pilipinas, tapos hindi ka man lang umuwi dito?! Anong kalandian yan, Beatrize?!" Galit na galit siya sa akin.
"A-ate... S-sorry!" Naiyak ako. Hindi pa kami nag-away ni ate ng ganito kalala. Ngayon lang.
"Itigil mo na yan, Bea! Itigil nyo na yan! Kung ano mang kontrata ang meron ka, ihinto mo na yan! At kung kailangan kong mag-puta para matustusan ang masterals mo, gagawin ko! Just stay out of this and Gino's family."
Umiiling na lang ako. Nasisira na ba ang lahat? Nakita kong gulat at lutang si Gino. Ano naman kaya ang iniisip niya?
"Pwede ka ng umalis, Mr. Garcia. At siguro naman, wala na kayong dapat pag-usapan pa ng kapatid ko dahil alam mo na ang lahat. And consider this a two week notice. Matalino at madiskarte ang kapatid ko. For sure hindi na niya kailangang hintayin pang paliparin ulit siya papuntang London para makapag-masterals."
Nakita ko namang napaupo sa kama si Gino at umiiyak. Napasabunot pa nga ito sa buhok niya. Ang gulu-gulo na nga talaga ng mga pangyayari. Paano na? Paano na ngayong hindi ko kayang mawala sa akin si Gino. Ngayon pa bang mahal na mahal ko na siya with or without the contract.
Nagfile naman ako ng five-day vacation leave. I need a break. Gusto kong mag-enjoy mag-isa. Gusto kong magreflect at makapagdesisyon ng maayos. Pero bago ako umalis ay ginawa ko munang dalawin si Mam Fely sa ospital. Makapag-pasalamat man lang sa lahat ng naibigay niya para sa akin. Para sa amin.
Pagdating ko naman sa private room nito ay si Gino at Helga lang ang bantay.
"I'm going, Helga. Ikaw na muna ang bahala kay lola, give me a call if magkaroon problema." Tumayo si Gino matapos magpaalam sa hipag. Ni hindi man lang ba siya mangungulit? Kung kailan handa na akong kausapin siya. Ni hindi man lang siya makatingin sa akin. Ni hindi niya man lang ako niyakap, o ni ngumiti man lang?
Naupo ako sa tabi ni Helga.
"How is she doing? Okay na daw ba?" Tanong ko sa kanya.
"She's doing fine. Nagiging better ang mga lab results niya. Matagal ka na niyang hinahanap. Everytime na pupunta si Gino dito, ikaw ang kaagad na hinahanap niya." Magaang kausap si Helga. Hindi ko ito makikitaan ng kaplastikan or whatever.