"I am finding out that maybe I was wrong...
That I fallen down and I cant do this alone...
Stay with me, this is what I need Please..."
Nakatodo yung volume ng phone ko na nakasabit sa may sampayan ng towel.
Mga sampung minuto na siguro akong nakaupo sa banyo, kanina ko pa pinapakinggang ang best soundtrack ng buhay ko na naging theme song at heartbreak song ko na din. Ang "My Heart" ng Paramore. Naging theme song namin sya ng una kong boyfriend way back 2005 I guess? Naging fave song din sya ng second boyfriend ko, na dahil daw fave song ko kaya fave na din nya. At ang chorus nitong, "This heart it beats, beats for only you. My heart is yours", ang nag pakilig at nag painlove sa akin ng todo sa recent ex boyfriend ko ng kinanta nya eto sakin, sya rin ang dahilan ng kadramahan ko ngayon. At this very moment dito sa banyo.
Nakatingin lang ako sa isang sulok habang dinadamdam ko ang bawat lyrics, na kasabay nito'y pagagos ng maiinit na luha sa aking pisngi. Hindi ko marinig ang agos ng yubig mula sa gripo na kanina pa nakabukas na kung iipunin e ikakatuwa na ng mga bahay na walang tubig ngayon.
Habang pinapakinggang ko ang kanta e sinasabayan ko din eto sa pamamagitan ng lipsing. Yung feeling ko gumagawa ako ng music video with matching hikbi at hagulgol. Hindi ko na rin marinig yung ingay sa bahay, yung tanging naririnig ko lang e ang bawat beat ng kanta. Hindi ko rin narinig ang kanina pang katok ng katok at sigaw ng sigaw na si Tita Lyn. Sakanya ako nakatira ngayon, sya din ang nag pasok sa akin sa Private School kung saan ako magtuturo.
Namalayan ko lang siya ng bigla nyang tinadyakan (ata) yung pinto, na naging dahilang upang dumagundong ito. Hininaan ko yung volume para marining sya.
"Ey! Anu jan ka na lang? Unang pasok mo ngayon. Magpapalate ka? Bilisan mo at maliligo din ako."
Oo nga pala first day of school ngayon. Huminga ako ng malalim, pinigil ang emosyon.
"Ah Tita nag LBM po kasi ako, pwede po bang sa baba na lang kayo maligo baka matagalan pa ako dito."
"Kadiri ka Ey! O sige tatry ko maligo dun sa baba. Ayw ko sana dun e."
"Sorry Tita hihi :)"
(Im wearing a sarcastic smile kung makikita nya lang)
Nakangiti ako ng pilit habang inaantay kung may sasabihin pa sya. Ng narinig kong pababa na sya, yumuko ulit ako at huminga ng malalim.
Bakit nga ba karamihan sa amin sa bahay e ayaw maligo sa CR sa baba? Dahil ba sa kahit may ilaw e madilim? Dahil ba sa kahit may heater e ramdam mo yung lamig? Halata ang lungkot ng atmosphere ng CR na yun. Ang lungkot sa apat na sulok. Siguro kung ako yung nag CR dun e baka di na ako lumabas, parang "Emo Zone" yun e. Di naman nakakatakot, kundi nakakalungkot. Kaya mas ok na si Tita ang maligo dun, wala naman syang pinagdadaanan.
Kinuha ko ang cp ko at naisipang iplay ulit ang music player pero ninext ko yung kanta. Ayos! Sakto ang kanta. Pampabuhay. Scream and Shout ni Will.I.Am ft. Britney Spears. Nadagdagan pa yung buhay ng dugo ko dahil sa text ng Bestfriend kong si Ian.
Ian
Naligo ka na ba? O nagmumokmok pa din? Kilos na. Malapit na ako.
Alam na alam nya talaga ang mga nangyayari sa akin. Kabisado nya na kasi ako. Sinamahan nya ako na lumipat ng school, co-teacher ko din sya sa dating school sa probinsya at never niya talaga akong iniwan, as in. Madalas nga kaming mapagkamalang mag jowa e. At dahil co-teacher namin sya ni Tita at isang kanto lang ang pagitan ng bahay namin sa apartment niya, e obligado syang sunduin kami. At dahil sabi nyang malapit na sya, eto ako ligo pato :))) Move Ey!!!
BINABASA MO ANG
"One-Sided"
Teen Fiction"Naransan mo na ba ang relasyong ikaw na lang ang umaasa??? Yung ikaw na lang ang nag eefort mag text... Yung ikaw na lang yung concern at ikaw na lang ang affected.. Yung relasyong ikaw na lang yung lumalaban... Yung ikaw na lang yung may alam na k...