Ang Simula

3 1 1
                                    

"Ate Jhen, tingin mo bagay ba ito sakin?" ani ni Jhan sa kakambal nitong si Jhen habang nagsusukat ng mga pinamili nilang damit.

"Hmmp.. Maganda ang damit, ang kulay pati na rin ang design nito, actually gusto ko yan kaya lang parang may mali" nakataas ang kilay ni Jhen habang pinagmamasdan itong suot ni Jhan.

"Huh? Anong mali? Sakto naman sakin, sinukat ko nga kanina bago ko kinuha" pagtatakang tanong ni Jhan.

"Ang perfect ng design so...ikaw ang may problema, hindi 'yung damit ang di bagay sayo, ikaw ang hindi bagay sa damit" seryoso itong in-explain sakanya ni Jhen.

Para naman tinamaan ng kidlat si Jhan 'nang marinig ang sinabi sakanya ni Jhen, Hindi niya ito matanggap kaya kumuha siya ng hanger at ibinato ito kay Jhen.

"Uy! Ano yan? Wagkang maoffend ang kapal ng mukha mo, ikaw pa itong may ganang maoffend? Samantalang sinuot mo 'yang magandang Dress diba dapat 'yang damit ang maoffend? Ayan pumangit na tuloy dahil sinuot mo" malungkot na sabi ni Jhen kay Jhan.

Sinimangutan lang ito ni Jhan at nagsukat pa ng ibang Damit na nakita niya, nang biglang may nag message sakanya na kinataas ng panty niya akala niyo kilay noh? Panty talaga kasi maluwang panty nyan lagi nawawalan ng galter.

Binuksan niya ito at nakitang message yun ni Vanilla, si Vanilla isa sa mga kaklase nila na kulang-kulang, kulang sa bakuna.

Vansot:

Jhanak, pumasok kana bukas, ok? Grabe si malo pinagsigawan na malandi ka raw at inaakit mo daw 'yung Boyfriend niyang mas malaki pa ang butas ng ilong kesa sa ulo niya.

Nagngingitngit naman sa galit si Jhan habang binabasa ang pinadalang mensahe sakanya ni Vanilla, umusok ang ilong niya na may kasamang uhog na siyang pagtapon ng damit ni Jhen sakanya.

"Ambaboy mo talaga, baboy kana nga pati pa ugali mo" pagtataray ni Jhen sakanya.

Jhan:

Talaga? Ang tapang talaga ng malo-syang na yan kapag wala ako dyan, tingnan natin bukas kung hanggang saan ang tapang niya.

Pagkatapos niyang magreply nag angat ito ng tingin sa kakambal na si Jhen dahil ito ay tahimik lang habang pinagmamasdan siya.

"Ano? " tanong nito kay Jhen

"Bakit?" sagot naman sakanya ng kakambal.

"Saan?" Jhan

"Paano?" Jhen

"Kailan?" Jhan

"Huh?" Jhen

"Heh?" Jhan

"Hih"Jhen

"Hoh" Jhan

At nagpatuloy ang walang kwentang usapan nila.

Kinabukasan naghahanda na sila papasok sa school, gaya ng dati mabagal na naman ang kilos ni Jhen kaya laging naiinis si Jhan sakanya, sobrang bagal nito kumilos habang kumakain sila parang pinag iisipan pa kung isusubo na ba niya o hindi pa.

"Ano ba yan! Bilisan mo naman ang kilos ma-le-late na tayo nito!" Naiinis na sabi ni Jhan.

"Tumigil ka nga dyan ang ingay ingay mo hindi ka naman maganda" pairap na sagot ni Jhen habang nginunguya ang kanin niya.

"Haynaku! Nakakainis ka talaga" Inis parin na reklamo ni Jhan.

"Mas nakakainis ka, isipin mo buong buhay ko mukha mo lang nakikita ko? Parusa yun, parusa! Kung nagmamadali ka 'di maglakad ka" Naiirita ng sabi ni Jhen.

"At bakit naman ako maglalakad? Masakit ang paa ko kahapon napagod ako sa pagshoshopping noh!" sigunda ni Jhan.

"Gamitin mo 'yang mukha mo sa paglalakad" Jhen

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 03, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Give Your Story A TitleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon