Chapter 8

1.6K 52 18
                                    


Chapter 8

"Fayre! Hurry up!"

Nagmamadali masyado! Akala mo tatakbuhan siya ng mga kabayo. Psh. I looked at the mirror and surveyed my whole outfit. I am wearing a black fitted long sleeves and paired with a white pants. Nagsuot din ako ng belt and ng black over the knee boots.

Dapat ay magcucurl pa ako slight ng hair para wavy naman siya tingnan pero nagmamadali nga si Levi so hindi ko na ginawa! Straight tuloy siya ngayon kaya nagsuot lang ako ng black headband.

I opened the door and nagulat ako na nandoon si Levi at mukha nanaman siyang badtrip.

"Ang tagal mo," He said habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa.

"I'm here na nga eh! Let's go na!" I said excitedly. At last! Akala ko ay buong summer akong mabubulok sa hacienda.

Hinila ko si Levi pababa at nakita ko agad si Tanya sa lounge na nagbabasa ng magazine. Tumingin siya sa amin ni Levi at bumaba pa ang tingin niya sa braso ko na nakasukbit kay Levi.

She smiled. "Let's go?"

Nauna kami ni Levi maglakad habang nasa likod namin si Tanya. Levi was pulling his arms from me pero hindi ako pumayag. It was my way of irritating Tanya.

We stopped in front of a jeep wrangler. Humiwalay na sa akin si Levi para umikot sa driver's seat. I noticed Tanya walking straight to the passenger seat kaya mabilis akong naglakad para unahan siya at hawakan ang handle 'non and opened it immediately, causing her to stumble dahil nasanggi ko siya

"Oh. Are you alright?" I smiled sweetly. Her face was not the angel-like face that she was showing earlier. She had this face that was ready to pull my hair anytime.

"Yeah. I'm absolutely fine," she said in a stern voice before opening the door of the backseat. I flipped my hair before going in.

Hindi naman ganoon katagal ang byahe. Nakarating agad kami sa super laki and lawak na lupain. I was amazed by the scenery that I want to take a picture of it pero naalala ko wala nga pala akong phone! Ugh. I miss my phone!

"Ang init!" Tanya said habang naglalakad kami papuntang rancho, I think? Nauunang maglakad si Tanya and Levi.

Tumigil bigla si Levi at hinubad 'yong denim jacket niya. Napasimangot ako nang pasimpleng tumingin sa akin si Tanya, but I was surprised when Levi came to me and placed his denim jacket above my head.

"Ano 'to??" I asked cluelessly, not taking the denim jacket above my head.

"Alam kong kanina ka pa naiinitan. Ikaw pa, eh ang arte mo sa lahat ng bagay," Levi said at tumalikod na. I saw Tanya's shocked face. Akala niya ata sa kaniya ibibigay 'yong jacket!

I smirked at her and continued to walk. Nilagpasan ko siya at sumunod na kay Levi. Minutes later, I saw a huge barn house from afar.

"Wow! Iyon na ba 'yong horse barn niyo, Lev?" I rolled my eyes when I heard Tanya's question.

"Hindi. Baka bahay mo 'yan?— Is it, though?" I can't help but to answer her stupid question. Common sense naman!

"Why are you so rude to me ba ha? Did I do something wrong?" She asked while smiling, she even patted my shoulder. Ew!? Ang fake ng everything!

"Well, for your information, I'm rude to fake people. Oh, like you?— Yes. Like you." I smiled sweetly at her but she acted like she was hurt dahil sa sinabi ko!

"Fayre, ano ba? That's enough. Don't be rude to her. Wala naman siyang ginagawa sayo. Kanina ka pa," Sabi ni Levi na nilingon kaming dalawa. I rolled my eyes at him. Ako nanaman mali!

How Autumn Ended Summer (Seven Rings Series #1) - COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon