Chapter 7: I like You

408 13 2
                                    

GELLA POV

" Gella?!" Gulat din na sambit ni  Cedric pagkakita niya sa akin.

" You know her? REx' maid?" tanong ni Joshua kay Cedric.

Kainis rin ang Joshua King na to eh no?! Bat niya sinabing yaya? Secretary kaya ako!

" She's not a maid." sambit ni Asungot.

(@____@) Wahhh! For the first time in forever na pinagtanggol ako ni Asungot! May himala palang talaga.

" Oh? Then what?" tanong ni Joshua na nakangiti sa amin ni Asungot.

Parang hindi ko gusto ang takbo ng utak nitong si Joshua eh.

Bigla akong inakbayan ni Asungot.

" She's a butler,secretary, ugly clown, a waiter and entertainer, Feeder" sagot ni asungot.

(-_____-) ay.. Mas nakakainis pala ang job description ko sa kay asungot eh no.. balik na ako sa saying na walang himala.

Tinignan ko siya ng masama talaga.

" Oh.... Also my kissing partner." dagdag nito.

(0_____0) What?! Sinabi niya yun?! Nandilat talaga ang mga mata ko at tinignan ang reaksyon ni Cedric. Ano na lang ang iisipin niya sa sinabi ng asungot na to?!

"Ahehehehehehe...Nakakatawa naman yung joke mo. Hahahaha." sabi ko at nagkunwaring natawa.

"  I'm not telling any joke but you are laughing" confuse na sabi nito.

Kainis rin tong isang to no. Ayaw sakyan ang sabi ko. Pinapahamak niya ako lalo.

" Anyway, how did you know her?" tanong ni Joshua King kay Cedric na halatang nagulat sa isang job description ko na kissing partner  (;____;).

"She's the sister of my classmate." sagot ni Cedric.

"Small world eh.." saad ni King at ngumiti sa akin.

Tipid na ngiti ang binigay ni Cedric sa kanya.

" Hey Secretary! Feed me." sabi ni Asungot at tsaka tinuro na ang inorder niyang pagkain.

Tinignan ko kung ano reaksyon ni Cedric. Tahimik lang itong umupo at saka binuksan ang laptop.

Ano kaya ang iniisip ni Cedric... Sana hindi siya ma turn off.

Hai.. Ang gwapo ni Cedric. Yung buhok niya ay dark brown at wavy pa. Maputi, matangkad,matangos ang ilong at manipis ang labi. He has a strong jaw and mesmerizing brown eyes... I wish he could see me as a girl and not as his friend's sister.

Naku.. Mukhang masama na ang tingin ni Cedric sa akin... Eto naman kasing si Asungot eh.

Nang mapatingin ako kay Asungot ay seryoso itong tumingin sa akin.

As in nakapalumbaba pa nga siya sa sobrang seryoso.

Ano na naman ba ang problema ng isang to.

"B-Bakit?!" tanong ko sa kanya.

" Froze! My Secretary likes you.she just cant take her eyes from  looking at you for almost 5 minutes and 4 seconds...and that fact makes me jealous.  " biglang anunsyo ni Asungot.

(0___0)

Napaangat ng ulo si Joshua at ni Cedric sa anunsyo ni Asungot.

Ay peste! Oo magko- Confess ako kay Cedric pero hindi sa ganitong paraan. Sobrang layo nito sa pinapangarap kong confession ko kay Cedric.

"nAhehehehehehe... Huwag niyong pansinin si Asungot.. Este si kamahalan.... Oh eto na ang pagkain kamahalan. Say ah." sabi ko at saka sinubuan si Asungot ng kanin. Nanginginig pa ako sa sobrang pagka tense....

Say I Love You and You are DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon