7:30 am
Wew! Sakto! Mabuti na lang at malapit lang ang school sa bahay ni Tita.
After flag ceremony, dinala kami ni Ian sa Faculty Room ng Elementary. Pinakilala kami ni Tita sa mga co-teachers namin, although some of them nameet na namin ni Ian sa conference/ meeting.
Ok na man ang atmosphere. Makulay ang silid. Maraming libro na para bang mini library. Air condition din kaya hindi gaano nakakastress. Nakapwesto ang table ko sa dulo ng silid malapit sa bintana. Tanaw ang malawak na campus ground ng school at katapat ang cafeteria. Makikita mo ang mga batang naghahabulan pero mas marami ang mga batang nakaupo lang at may hawak na cellphone, laptop o tablet, dutdot lang ng dutdot, mga batang panay bili ng kung anu-ano sa cafeteria pero tila hindi naman nababawasan yung pagkain, puro lang sila chikahan. Hula ko mga High School toh kasi bakas sa mukha yung kilig habang nsg chichikahan, mga crush siguro nila ang pinag uusapan nila. Dalawang table mula sa akin ay ang table ni Ian.
Nagring na ang bell. 8 am na, oras na ng klase. Nakita kong tumayo si Ian at tumingin sa akin. Ngumiti sya at nag thumbs up sign sa akin. Sabay kaming lumabas sa Faculty Room. At nag goodluck sya sa akin bago kami pumunta sa kanya kanyang room.
Grade 1 - Happiness
Yan ang advisory class ko. Infairness behave naman ang kids pagdating ko. Di na rin ako nag waste ng time at pinakilala ko ang sarili ko at sinimulan ang lesson. Ok na man so far.
Natapos din ang 1st period ko sa Grade 1. So meaning break time na. Nag aayos ako ng gamit ng biglang may nagtxt. Hindi ko na napansin kung sino dahil naka tutok ako sa message. Isang text message na nag bigay daan para mag flash back ang lahat, 3 buwan na ang nakakaraan.
Text message
"Gusto mo mag meryenda?"Etong apat na salitang nag pakilig sa akin tatlong buwan na ang nakakaraan. Ang apat na salitang damang dama ko noon.
---------------------------------
August, 2014Nasa eskwelahan ako na tinuturuan ko sa Probinsya. Break time na din, niyaya ako ni Ian na kumain pero pinauna ko sya dahil sabi ko aayusin ko muna yung room para presentable pag pasok ng susunod na teacher, kaya nauna na sya.
I was about to text Ian kung saan sya kumakain ng biglang may nagtext
"You want siopao?"
At galing yun kay Joey.
Mga dalawang linggo ko na din nakakatext si Joey mula nung ibigay ni Elyn yung number ko sakanya. Mabait sya. Mejo presko. Bad boy pero funny. At gwapo. Sikat din syang basketball player kaya kilala ko na sya, pero hindi ko alam na magiging ganito kami kaclose. Magaan ang loob ko sakanya. At pakiramdam ko ganun din sya.
Hindi ko alam kung ano ang estado namin pero feeling ko nasa level na kami ng M.U. At hindi yun malabong usapan dahil in fact nag kakaintindihan kami.
The time na nagtxt sya agad ko syang nireply ng, "why not :)", at tinext ko na rin si Ian na di na ako sasabay. "K." Yan lang an reply ni Ian, ramdam ko ang lamig ng reply nya pero hindi ko yun pinansin dahil excited at kilig much akong nagmadali papunta sa gate ng school para abangan si Joey. Dumating din naman agad sya gamit ang kanyang motor.
Malayo pa lang e natanaw ko na sya at habang papalapit sya e di ko maiwasan yung kilig at yung pump ng puso ko na ayaw paawat.
Nakangiti syang binigay ang siopao sa akin. At syempre mas malupet yung ngiti ko. Mula sa kinakatayuan namin e tanaw ko din si Ian na di mapakali sa kakatingin sa amin pero wapakels ako.
"Bakit ngiting ngiti ka? Hindi mo ba kakainin yung siopao?"
"Ha?"... Panic mode di ko alam sasabihin ko pero feeling ko may sasabihin ako. Anu nga ba yun? Hi? Hello? Baduy! Kumusta na? Korni. Anu ba? Mag isip ka Ey!
"..e mamaya na pag pasok ko sa faculty room." Ayun may nasabi din ako.
"Sige na pumasok ka na at uuwi na din ako. Para makain mo na yan."
At pinaandar nya na yung motor nya.
"Aalis ka na agad?"
"Oo, dinalhan lang kita ng pagkain. At gusto lang din kita makita :D", sabay paharurot sa motor nya.
Yun oh!!!! Sorry kung O.A ha pero grabe yung kilig na naramdaman ko. Yung ngiti ko hindi mapawi. Tinignan ko sya habang palayo sya. Iniisip ko sana mas matagal pa kaming nagkakwentuhan. Pero nevermind, tatawag naman ako saknya mamaya e.
Pumasok ako sa gate, sa faculty room na ngiting ngiti habang hawak hawak yung siopao. Para bang pulubi na binigyan ng pagkain matapos ang maghapong nganga.
"Masarap ba yung siopao?"
Isang sarcastic na tanong na mula kay Ian. Pero hindi nag patalo ang ngiti sa mukha ko. Humarap ako sakanya hawak hawak ang siopao.
"Oo ang sarap"
"Anong masarap? E hindi mo nga kinain yung siopao!"
Ayun! Nasira na ang moment dahil sa pabulyaw na sagot ni Ian. Napawi na ang ngiti ko at padabog akong nag tungo sa table ko.
"Bez naman! Nag momoment ako oh! Panira!"
"Ako pa tong panira e di ka na nga nakakain dahil sa lalaking yun!"
"Ay Bez galet?"
"Hindi!"
Sabay dampot sa mga gamit nya at labas sa faculty room. Grabe si Ian, para yun lang? I can smell selos. Pero iniisip ko na baka kasi akala nya may bago na akong Bez. Imposible na man kasi na mainlove sya sa akin.
Linagay ko yung siopao sa table. Parang gusto ko ipaframe at lagyan ng caption na Sipaowow!
Tinitigan ko lang yung siopao habang inaalala yung ngiti ni Joey. Yung buhok nya na gumagalaw pag iihip ang hangin. Yung mukha nya kapag nakayuko at tinitignan ako. Yung damit nyang mejo fit na nagiemphasize ng hunk nyang katawan. Yung...
---------------------------------
"Hoy! Bez! Daydreaming?"
Ayan nanaman si Ian panira talaga!
"Hindi ah."
That time na naalala ko yung moment na yun hindi galit amg naramdaman ko. Kundi pagkamiss. Ewan ko kung kay Joey ba o baka namiss ko lang yung moment na yun, na baka gusto ko lang maulit para maramdaman ko yung kilig na naramdaman ko that time. Na baka gusto ko lang malaman king tatamaan pa ba ako ng kilig? O baka yung siopao yung namiss ko.
BINABASA MO ANG
"One-Sided"
Teen Fiction"Naransan mo na ba ang relasyong ikaw na lang ang umaasa??? Yung ikaw na lang ang nag eefort mag text... Yung ikaw na lang yung concern at ikaw na lang ang affected.. Yung relasyong ikaw na lang yung lumalaban... Yung ikaw na lang yung may alam na k...