issabelle's POV
masakit ang ulo ko.
masakit ang lalamunan ko.
masakit ang katawan ko.
ano bang nangyari?
minulat ko ang aking mga mata. bumungad sa akin ang kulay asul na bubong.
kung kulay asul to eh di wala ako sa ospital.
ginala ko yung paningin ko sa buong paligid. familiar siya, saan ko na ba kasi to nakita?
sinubukan kong umupo (A/N: nakahiga si issabelle sa isang kama na nasa gitna ng kwarto)
"easy" lumapit sa akin si miguel at tinulungan akong umupo.
"nasaan ako?"
"nasa bahay kita issabelle" seryosong sabi sa akin ni miguel
inabutan niya ako ng tasa" inumin mo" utos niya
"ano to?" nandidiring tanong ko. iba kasi yung kulay nung liquid sa loob eh. sinasabi rin sa akin ng utak ko na hindi to tubig,kape or coke.
nakatingin lang sa akin si miguel. yung hitsura nya seryoso.
inamoy ko yung binigay niya sa akin. wala naman amoy.tapos tinignan ko ulit si miguel"kapag ako namatay pag ini---"
"hindi ka mamamatay diyan issabelle. inumin mo na yang binigay ko."
"oo na, ito naman hindi mabiro" so ayun ininom ko na yung binigay sa akin ni miguel and to my surprise masarap sya at dahil sa masarap siya tapos masakit yung lalamunan ko naubos ko siya agad.
"oh ano mamamatay ka na ba?" tanong sa akin ni miguel. umiling ako still sinisimot ko yung nasa tasa, ano ba to bakit ang sarap?
"penge pa. :)" tapos tinapat ko yung baso sa mukha niya.
tinapik-tapik niya yung ulo ko na parang aso tapos kinuha niya yung tasa "bawal na, tataba ka niyan" tapos nginitian ako yung mapangasar na ngiti "okay ka na?"
BINABASA MO ANG
Alternate Universe (complete)
Novela Juvenilmeet issabelle, a girl living a boring and invisible life. but her life changed because of a dream. a dream in where she met... the blackstars. they are not your ordinary teenagers. they have extraordinary powers. issabelle is one of them... but s...