Cassy POV'swtf nalang sa lahat ba ng naisip nila yung nerdy achuchu pa! Wala pa naman akong kaalam alam sa mga ginagamit ng mga nerd, pwede si Hazey magturo samin kaso hindi naman sya totally na nerd, nag papanggap lang ganon. Si Macey naman di naman sya nerd sadyang tipid lang den sa laway kagaya ni Yssa. Nakakainis ayaw ko! Pero kailangan namin gawin alam kong labag naman sa kalooban ni Yssa pero tinanggap nya dahil nakasalalay dito ang matagal na naming pinagpagudan na Posisyon. Kaya kahit anong hirap pa yan gagawin namin basta wag lang mawala yung posisyon namin at mas lalong ayaw namin makuha ng Card of Death, gagamitin lang nila yun sa kasamaan. Kahit pumapatay kami ginagamit namin yun sa mabuti di lang kami yung patay ng patay dahil sa gusto namin, well ibahin nyo kami.
Nandito kami ngayon sa mall, unang bibilhin school supplies "Mag hiwalay hiwalay muna tayo den magkita nalang tayo sa labas okay?" sabi ko sa kanila tumango nalang sila. Agad ko na mang hinap kung san nakalagay yung mga notebooks, gusto ko kasi yung notebook ko may mga quotes na design ang arte lang,Inabot din ng ilang oras bago ako natapos, tapos na din ang iba si Macey hinihintay nalang namin si Mae mukhang nag hahanap pa sya ng gamit na may design ni pikachu. Masyado syang adik na adik don pati kwarto nya punong puno ng stuff toy ni pikachu kulang nalang pati ilaw nya hugis pikachu.
"woo grabe kala ko iniwan nyo na kuu" sabi nya samin, sabi na eh pikachu nanaman nakaka umay na, "Pikachu nanaman? Dika naba nag sasawa dyan?" Tanong sa kanya ni Hazey, kung ako sana yung tinanong sawang sawa na ko, baso plato, toothbrush, towel, bathrobe, upuan nya, mga damit nya, spoon&folk, pati case ng cellphone nya pikachu di ko nakaya, sakit sa mata.
"Hinding hindi ako mag sasawa sa pikachu ang kyout kaya nya, mamaya pala dadating yung night stand na Pikachu, na binili ko! Excited nako makita mamaya, bilisan na natin" sigaw nya samin, just wow nalang
"Punta na tayo sa EO para mag pasukat ng salamin" sabi ni Macey, at agad din kaming sumunod sa kanyaHazey POV's
Natapos na kaming bumili ng mga Nerdy stuff's, kapagod lalo na sa pag lalagay ng brace sa ngipin namin. Ang saket saket parang feeling ko mag susugat yung labi ko, tapos kanina nag lalaway ako diko masabi yung feeling pero kadiri, parang nauulol na aso lang. Di rin ako nakapag salita ng maayos, kundi lang talaga to tungkol sa posisyon di ko to gagawin. Mahalagang mahalaga samin yung posisyon na yun dugo at pawis ang ginawa namin makamit lang namin yun. Ang laking pagod ang tiniis namin para lang don, pati pamilya namin iniwan namin para lang sa puwesto na yun. Tapos basta basta nalang kukunin ng mga Card of Death na yun! Matagal na din namin silang katungali sa puwesto na yun, At ngayon mukhang nag hanap pa sila ng kakampi nila para makuha lang samin ang posisyon, Pero hindi namin ganon ganon lang ibibigay yun lalo na si Yssa, siguro may pina-plano na yung babaeng yun. Pansin ko kasi kanina pa sya tahimik simula nung sinabi samin ni Madam A na magpanggap kami na nerd.
(Tok! Tok! tok! *)
"Hazey baba kana kain na tayo" sigaw sakin Macey, kaya Dali dali akong bumaba. Naabutan ko naman sa kusina si Cassy mukhang sya ang nagluto ngayon, ganto kami araw araw, simula nung umalis kami sa mga pamilya namin. Naging Independent na kami at pinagmamalaki ko yun wala kaming yaya dito kami lang na 5 kaya mas lalo kong minamahal silang apat, parang mga kapatid ko kahit wala ako nun.
"Oy may chika ako sainyo, kanina diba dinala dito yung in order ko?" Tanong samin ni Mae, yeah pikachu na night stand anong bago kay Mae. "Oh ano naman?" Pag tataray sa kanya ni Cassy, alam ko na mang na medyo ayaw nya kay Mae, naiinis kasi sya sa pagiging addict ni Mae sa pikachu stuff.
"Meron na kasi tayong kapitbahay nakita ko sila kanina" Sigaw ni Mae mukhang excited sya ah. Kung ako hindi ayaw kong may kapitbahay lalo na
"Ano naman kung may kapitbahay tayo Mae? kaya iwas iwasan mo yang pag puputak mo pag maga ha? Baka kasi sugurin na tayo dito" kalmang sabi ni Yssa, yeah tama si Yssa ang aga aga putak sya ng putak tapos idadamay nya pa ko, kasi daw diko sya sinasama pag nag pa-party ako, duh ayaw ko nga ang hirap pa naman nyang iuwe pag lasing na sya. Ayokong maging baby sitter.
"hehehe peace promise kong dinako mag iingay" cross my heart nya pang sabi "lalo na chixx yung kapitbahay naten hihi" umaariba na kalandian ni mae
"wala pa bang balita sa GW?" Pang basag ng katahimikan ni Macey, oo nga isang buwan na rin nang hindi kami pumupunta dun, na mimiss ko na lumaban "Wala pa, tahimik na rin ang Card of Death, malamang may binabalak na naman sila" sabi ni Cassy
"I'm done kayo na bahala dyan, pag katapos mag pahinga na kayo bukas gagawin na natin ang mission, goodluck to us and good night girls." Pagpapaalam ni Yssa, yeah good luck talaga satin mapapasabak kami sa matinding labanan, ano kaya mangyayari samin? kung sa mga napapanood ko ang mga nerd binubully tapos bukas ganon mangyayari samin?
YOU ARE READING
We Are The Gangster Queen
ФанфикI'm The Gangster Queen, the Queen of Death in Gangster World. We were undefeated, but there was a gang that always wanted us to drop to rank 2, The 'Card of Death.' That is the name of their organization. There are millions of people in the world, b...