Chapter XII

86 40 44
                                    

Nahirapan ang mga police na iusad ang kanilang imbestigasyon, hanggang sa umabot na ito ng isang linggo. Hinihintay kasi nilang ninipis ang isang makapal na hamog na bumalot sa Alverde. Ang ilan naniniwala na mayroong divine intervention dahil saka lang daw ito lumitaw pagkatapos ng insidente. Tila kinumutan nito ang Remedios at sinubukan itong patulugin, ang paligid naging mas tahimik.

Subalit anong pruweba pa ba ang hinahanap nila? Malinaw na lumabas sa kanilang interrogation at test na nakainom ang tatlong mama. Gumuhit na ang buong eksena sa mga isip namin: Nahagilap nila ang laman ng cabinet; napilitan at pinagbigyan nina Charlotte at James ang hiling nilang uminom ng kahit isang bote; dahil sa pagkalango ay nakaisip ang mga ito nang masama; ang kutsilyo ang unang nakita ni James na maaari nitong gamitin para protektahan ang kani-kanilang sarili; tumakbo sila papasok ng gubat upang makatakas; at nang makahabol ang mga ito sa kanila ay napilitan gumamit si James ng dahas.

"Kayo ba ang nag-alok sa mga 'to na uminom?" tanong ng isang magaspang at malalim na boses, ipinalagay ko ay ang interrogator.

"We were still in our right minds at that time, and offering them something intoxicating was just unreasonable," boses ni James. "We've told you this already. I'm under the impression that you believe them more than you believe us."

"Teka lang, Mr. Ranario, parang pinapalabas mo na kaming mga police ng Remedios ay hindi patas. Pero lilinawin namin sa'yo, wala kaming kinikilingan. Sa batas at katotohanan lang kami pumapanig." Bahagya akong napapikit sa nilikhang tunog ng pagtulak ng metal na upuan. "Sinasabi namin 'to sa'yo dahil hindi pa rin malinaw kung ba't kayo napadpad sa gubat."

"Dahil sinubukan naming lumayo sa kanila."

"Kung ako ang nasa pwesto mo, bata, maging maingat ako sa tono at pananalita ko."

"Pasensya, pero walang silbi 'yang pananakot niyo, Officer Frias. Ako na man po ang magtanong—kung maaari—ganito niyo ba tratuhin ang mga biktima ng isang karumal-dumal na krimen?"

"Sa paraan ng pagsasalita niyo ay parang hindi kayo na-trauma sa nangyari. Mukhang nasisiyahan pa kayo."

"Nagawa nilang agawin ang kutsilyo. Nasaksak nila kami ng tatlong beses, isa na roon ay kritikal at malubha. Muntik nilang gahasain si Lottie. At any rate, why should I be amused?" Saglit na katahimikan. "The reason why I'm still in my tranquil self is because I'm taking my medications."

"Pansin ko nga. Maaari ko bang malaman kung anong medikasyon ito?"

"Benzodiazepine, though I'm afraid I couldn't describe it to you in much simpler words that you can understand. Pati ba ito ay kailangan niyong malaman? We're straying away from the main point here."

"Nakakatulong ang impormasyon na 'to, Mr. Ranario, dahil kailangan din naming malaman ang pag-iisip ng lahat ng taong sangkot sa insidente. Salamat, kaso dapat niyong malaman na dahil rito, nadagdagan na rin ang mga dahilan para magsuspetya kami sa inyo."

"Malinaw na kami ang mga biktima rito, Officer."

"Hindi ba kataka-taka na kaunti lang ang mga nakita naming fingerprint ng mga mama sa kutsilyong ginamit mong pangdepensa?"

"Theoretically, fingerprints are pretty much easy to remove. And what would you expect from the situation? Most of the time we're grappling to get our hands on the knife."

"Pero para sa isang binatang kagaya mo, hanga ako sa'yo. Nagawa mong makipagbuno sa tatlong taong mas malaki pa ang katawan kaysa sa'yo. Mukhang hindi 'to ang unang gulong napasakun mo."

"I now refuse to engage in this conversation. I know where you're getting at."

"Hindi ka naman mabiro, bata. Masyado kang seryoso. Pinupuri lang kita."

ReverieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon