Makalipas ang anim na araw mula ng makuha ang balita mula sa kanilang Ninang Elsa ay ito na nga at nangyari na ang gustong-gusto ni Ella. Natupad na ang isa sa mga pangarap niya na makarating sa Tagaytay na dating naririnig lang niya sa mga balita at napapanood sa mga palabas sa TV. Ngunit higit sa lahat, natupad na rin ang unang hakbang para sa inaasahan niyang malaking oportunidad na higit na babago sa buhay nila ng best friend na si Marie.
Noong una ay inaasahan nina Ella at Marie na mahirap na paliwanagan ang kinakailangan para pumayag ang mga magulang nila ni Marie. Pero kasalungat niyon ang nangyari. Dahil nga ng magpaalam silang dalawa para hingin ang permiso ng mga ito ay pumayag agad ang mga Nanay at Tatay nila. Kaya sa loob lang ng ilang araw ay naiayos na agad ang kanilang pagbyahe para makapunta sa papasukang trabaho.
Ang buong akala din ni Ella ay sa isang malaking bahay sa Maynila sila magtatrabaha. Iyon bang klase ng mga mayayaman na nakatira sa isang pribado na subdivision na napapanood niya sa mga pinoy teleserye, pero hindi pala. Sa Tagaytay pala sila magtutungo at wala naman din silang reklamo tungkol doon. Ang mas higit nilang ikinasorpresa ni Marie ay ibang-iba pala ang klase ng yaman na sinasabi ng Ninang Elsa nila kumpara sa akala nila. Dahil ang lugar na pagtatrabahuhan nila ay hindi lang basta mayaman kundi talagang mayaman na mayaman na mayaman. Tipong mas malaki pa nga ata ang buong Hacienda na nasa harapan nila ngayon kumpara sa kanilang kinalakahing bayan sa probinsya ng Palawan.
"Grabe, ito na ba talaga yun?" Hindi makapaniwalang reaksyon ni Ella habang nasa sila labas ng gate ng Hacienda Cassarina. "Hindi ba tayo naliligaw?"
"Hindi. Ito yung address na ibinigay ni Nang Elsa, oh?" Ipinakita pa sa kaniya ni Marie ang hawak nitong litrato ng gate na ibinigay ng kanilang Ninang kung saan doon ay nakasulat din ang address. "Sabi din nung taxi na nasakyan natin diba, ito na raw yun."
Dahil naunang nagbalik ang kanilang Ninang Elsa ay pinadalhan na lamang sila nito ng pambili ng ticket at pamasahe. Dapat kasi ay kasabay nila ito ngunit pinabalik ito agad dahil raw napaaga ang alis ng dalawang kasambahay na papalitan nila.
Kahit anong diin ng pikit at kusot ng mata ang gawin ni Ella ay talagang napatunayan niya na hindi ito panaginip o ilusyon lang. Ang malaking gate na nasa harapan nila na may nakasulat pang Hacienda Cassarina sa ibabaw na arko ay ang nagpapatunay na nasa tamang lugar nga sila.
"Excuse me mga Miss, anong kailangan niyo?" Tanong ng isa sa dalawang lalaking guard na sumilip mula sa guard house.
"Kuya boss gwapings, good morning po, tatanong lang sana namin kung ito na ba talaga yung Hacienda Cassarina? Hindi kasi kami sure kung tama ba napuntahan namin o naliligaw kami." pagpapa-cute at pambobola ni Ella para makuha agad ang loob ng security guard.
At nagtagumpay nga siya dahil nginitian sila nito, "Oo, ito nga. Tama ang napuntahan niyo. Ano nga pala ang kailangan niyo dito mga Miss na magaganda?"
"Kami po yung mga bagong kasambahay po." Magalang na imporma naman ni Marie. As always, very dalagang pinay sa hinhin at galang ang kilos nito kumpara sa kaniya.
Kita sa mukha ng dalawang lalaking security guard ang pagdududa ng pasadahan sila nito ng tingin mula ulo hanggang paa. "Sigurado ba kayo na kasambahay mga talaga kayo?" May paghihinala sa tono ng pananalita nito habang nakatitig sa kanilang dalawa.
"Oo naman kuya pogi." Tugon ni Ella na may sweet na ngiti sa labi. "Mukha ba kaming nagsisinungaling?"
"Nagtataka lang ako parang ang ganda niyo naman ata para maging kasambahay?" Mabilis nitong tugon.
"Hala, si Kuya naman mapagbiro ng totoo..." Kunwari ay pa-humble niyang emote pero ang totoo ay nagdidiwang ang tenga niya ng marinig ang komplimentong iyon mula sa security guard. Oh, well... Sabi ko na nga ba Dyosa talaga ang tingin sa akin ng mga tao kahit saan ako mapunta. Haha!
BINABASA MO ANG
One That Got Away (Playboy Series #4)
Romance(Tragic Romance) Trace is a rich young businessman and a well-known playboy. At hindi niya iyon itatanggi, in fact, nagagawa pa nga niya pagsabayin ang mga babaeng nilalandi niya. And Ella is just another innocent victim of Trace's game. Dahil ang...