Untold Story

2 1 0
                                    

     Paguwi ko sa mansion galing sa villa ni Marie ay kinapa ko agad sa bulsa ko ang susi na nakita niya kanina, alam kong susi 'to ng treasure box ni Lola. Nakita ko yun kanina pero hindi ko ginalaw dahil nakalock naman, and luckily, Marie found the key.

Binuksan ko ang treasure box at bumungad sa akin ang napaka daming letters at pictures ni Lola kasama si Lola Mariela, meron din yung silang apat at meron din nung per couple. They all looked so happy, nakakalungkot na sinira ni Lolo Oliver ang kasiyahang meron sila. Na binura ni Lolo Oliver ang mga ngiti sa labi nila.

Isa-isa kong inilabas ang mga letters na hindi naman nabuksan, naluma na ang mga papel na envelope dahil sa matagal na ang mga ito.

Naagaw ang pansin ko ng envelope na hindi pa ganun kaluma, nang tingnan ko ang date ay yun ang huling araw ni Lola Mary.

Kinuha ko yun at naupo sa single sofa na inupuan ni Marie kanina, binuksan ko ang sulat at sinimulang basahin.

"Sa'yo na magbabasa nito, sana ikaw ang apo kong si Christopher Castillo III o ang apo ng matalik kong kaibigan na si Ivana Marie Pascual.

     Lahat ng hiwalay na sulat ay ang mga sulat na ninais kong ibigay sa kaibigan ko— na kahit kailangan ay hindi ko nagawa, tuwing may gusto akong sabihin na hindi ko maisaboses dahil wala sa tabi ko ang kaibigan ko na laging nakikinig sa akin ay isinulat ko na lang.

Pero ang totoong gusto kong sabihin sa huling sulat na 'to ay ang lahat-lahat.

Napilitan kami ni Christopher na sumunod sa gusto ng Ama niya na magpakasal dahil sa tinakot niya kami na ipapapatay ang dalawang mahalagang tao sa amin— ang matalik na kaibigan at kasintahan namin. Iyak ako ng iyak nun, sinubukan kong humingi ng tulong sa mga magulang ko pero hawak din pala sila sa leeg ni Don Oliver. Nung una ay nagmatigas kami ni Christopher, pero pinatuyan ng Don na seryoso siyang ipapapatay niya ang mga mahalagang tao sa buhay namin sa pamamagitan ng pagtatalaga ng mga tao na aaligid sa kanila.

Natakot ako nun para sa matalik kong kaibigan at sa nobyo ko, handa na ako nun na gawin ang lahat para sa kaligtasan nilang dalawa. Hinihintay ko na lang ang magiging desisyon ni Christopher, at hindi nagtagal ay tulad ko, pinili niya na lang rin na magpakasal para sa kaligtasan ng nobya at matalik niyang kaibigan. Kaya ang ipinakalat na balita ng Don Oliver ay naging totoo, ang pagpapakasal namin.

May mga panahon nung naikasal na kami ay palihim akong nagpupunta sa bahay na iniregalo namin kay Mariela at tatanawin siya sa malayo, nasasaktan ako kapag nakikita ang lungkot at sakit na bakas sa mukha niya dahil sa balitang ikinasal na kami. Masaya ako at hindi siya pinapabayaan ng mahal kong si Timoteo, pero nagseselos rin dahil gusto kong ako ang nasa tabi ng kaibigan ko. Dahil gusto ko ako ang nasa tabi ng nobyo ko, pero hindi pwede, hindi na pwede.

Nagalit si Christopher kay Don Oliver nang malaman niya na hindi pa rin nawawala ang mga nakaaligid sa kanilang dalawa, hiningian kami ng Don ng kapalit— at yun ang magkaanak. Iyak na naman ako ng iyak dahil dun, dahil kapag nagkataon ay wala na talaga, wala na.

Pero dahil kailangan naming mag-sacrifice, sabay kaming nagpakalasing ni Christopher— nakakatawa pero yun ang totoong ginawa namin. Nakabuo kami, at agad yung ipinamalita sa buong baryo. Natyempo na nung nalaman yun ni Mariela ay tulad ng dati sinilip ko ulit siya, nagulat pa nga ako dahil nakasabay ko pala si Christopher sa pagsilip kay Mariela.

Nadoble ang sakit na makikita sa kaniya, kahit sa mahal kong si Timoteo ay kitang doble rin ang sakit. Pero nagpapakatatag siya dahil sa kaibigan naming si Mariela. Mas lumalim ang pagkakaibigan nilang dalawa, dahil sa lahat ng pagsubok na sabay nilang hinaharap.

In The Waves Of Love (One Shot) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon