"Sa isang buwang nakasama kang muli, ngiti at sayang inaasahan ko ay tila hindi bumalik kagaya ng pagbabalik mo," mga salitang binitawan ko sayo.
"Anong gusto mong sabihin, Agatha?"
"Pagod na ako..." 'yan nalang yung nasabi ko. Dahil yung puso ko ay nadudurog na.Mali ba ako? Mali ba ako na bumitaw sa relasyon na parang wala naman ng patutunguhan pa?
"Sa tuwing kasama kita, umaasa ako na babalik yung kislap na naramdaman ko." napapunas ako sa luhang pumatak sa aking mga mata.
"Pero yung tiwalang sinira mo noon, na pilit kong binubuo para sayo... Ikaw din yung unti-unting sumisira."
"Nag kulang ba ako, Alex? Nagkulang ba ako sa pagmamahal ko sayo? Nagkulang ba ako na mag tiwala sayo? O baka naman ikaw ang nagkulang na ingatan yung tiwalang binibigay ko sayo." Tinignan ko siya sa kanyang mga mata. "Tignan mo ko sa mga mata ko, tyaka mo sakin sabihin na ginawa mo ang lahat para ingatan yung puso ko."Na bigo ako, umasa ako na titingin siya. Umasa ako na magpapaliwanag siya. Pero wala akong narinig na kahit na anong salita galing sa kanya.
Nagsimula akong humakbang papalapit sa kanya at hinawakan ko yung mga pisngi niya, at pilit kong itinataas ang kanyang mukha para harapin ako. Sa pagkakataon na nakita ko ang ganyang mga mata, lalo lang humigpit ang sakit na nadarama. Pikit mata ko siyang hinalikan sa kanyang noo. At dito na nagtatapos ang lahat.