Nananabik sa bawat hila nitong seda, sa pagdausdos sa malalalim na kurba
Namamawis na sa bawat sayad sa malambot na balat, ginigising ang hibang nang diwa
Lantad na ang bawat sulok ng pagkatao, dumadaing sa mga titig mo
Bayaan na ang bukas na sulok, hindi na makapaghintay sa sayang kay tagal ipinagdamot ng mundoNaglalakbay ang isip sa kalangitan sa bawat tensyong nararamdaman
Gumagalos, bumabaon, nasasaktan
Hindi mapaliwanag ligaya, walang maunawaan
Ubos na ang lakas, sunog na ang laman, hindi matigilan
Maabo. Maupos. Patuloy ang pagdarang
Ibababad sa nakakapasong init, hindi man nakaburo sa arawanInililigaw kaluluwa, inilipad sa buwang nakangiti habang tayo'y minamasdan
Wala ng kailangang tapusin, maari ng ipagkaloob sa bawat sandaling daraan
Pagkat ito na ang simula, binabati na tayo ng kaligayahan
Ganap na ang ugnayan, walang pagtutol mula sa MaykapalDahan-dahan, humihina na ang pagduyan nitong parihabang pahingahan
Tinatawag na tayo ng reyalidad na sandaling nakalimutan
Tuluyan ng patangay sa kadilimang walang kalungkutan
Ipikit mga matang mulat na sa kamunduhan
At bukas tutuntunin muli natin ang dalisay na ligaya ng walang kasawaan
BINABASA MO ANG
100 TULA: Sa Panauhin ni Kupido
PoetryOras na inilaan sa pagsulat: 13 araw at 6 na oras