T H I R D P E R S O N' S P O V
Nang magmulat ang mata ni Doctor Flores ay mabilis siyang napabangon. Tinignan niya ang magulong paligid at napagtanto na wala na si Mikishie.
"Hindi.. hindi.. hindi!" Sinabunutan niya ang kaniyang sarili sa inis. "Anong gagawin ko?!" Natutuliro niyang saad.
Nakarinig naman siya ng tunog ng kotse mula sa labas. Sinilip niya ito sa bintana at dali-daling binalot ng tensiyon ng makita si Kevin Zamora na dire-diretsong pumasok sa kaniyang bahay.
"FLORES!"
Lumapit siya sa pinto para isara iyon ngunit huli na dahil nakita na siya ni Kevin at pinaputok agad ang baril sa kaniya.
"Ack!" Natumba siya sa sahig ng matamaan ng bala sa balikat. Magaling itong siyang umasinta, sumalang ba naman siya sa gun training magpasa-hanggang ngayon.
Dali-dali siyang lumapit sa doctor at tinutukan ito ng baril.
"Nasaan siya?" Malamig nitong tanong.
"H..hindi ko alam! Z..Zamora maawa ka!"
"Nasaan siya?!" Kinasa niya ang baril na mas lalong dumadag sa tensyon ng doctor.
"H..hindi ko alam! Tumakas siya! Tinakasan niya ako!"
"Wag kang magsisinungaling!"
"T..totoo! S..si yohan! kasama niya si Yohan! T..tinakas siya ng binatang yon!" Utal-utal na ang pagbigkas nito ng mga salita dahil sa kaba.
"Saan sila pumunta?"
"H..hindi ko alam! Isasama ko sana si Miki papuntang America, pero tinakasan nila ako! hindi ko alam kung saan sila pupunta! Maniwala ka!" Harang ng kaniyang kamay ang mukha niya sa takot, umaasa na maprotektahan ang sarili niya.
Ilang segundo siyang nitong tinitigan ni Kevin. Malalamig na ang pawis ng doctor dahil sa kaba, konting kibot lang ng baril nito ay patay siya.
"You betrayed me Doctor Flores" sabi nito at hinigpitan ang hawak sa kaniyang baril. "YOU'RE A TRAITOR!" galit na galit nitong wika.
"M..maawa ka Zamora! M..may anak pa ako! Pakiusap!" Lumuhod ito sa harap niya at nagmamakaawang pagbigyan ang kaniyang buhay.
"You shouldn't let her alive" naiiling nitong saad. Sinipa siya ni Kevin at tinalikuran siya upang umalis.
Kinuha agad ng doctor ang syringe na nagkalat doon, mabilis siyang tumayo at sinugod si Kevin mula sa likod.
"Boss!" Sigaw ni Derek.
Ngunit naalarma si Kevin sa sigaw ni Derek at muling lumingon tsaka binaril ng maraming beses ang doctor bago pa siya abutan nito.
Lumapasay sa sahig ang duguang doctor. Napailing si Kevin sa pagkadismaya.
"Sayang ang matalinong utak niya"wika nito bago lisanin ang bahay.
"Saan tayo Boss?" Tanong ni Derek ng makasakay sila sa kotse.
"Sa mansion ni Anderson"
=====
Nang nakarating si Jude sa mansion ng mga Zamora ay dumeretso agad siya sa cctv room. Walang tao roon kaya malaya niyang nakalikot ang nga footage.
"This one" nakita niyang file at pinanood iyon saglit, nang makumpirma ay agad niya iyong sinave sa kaniyang flashdrive.
"Jude? What are you doing here? Akala ko nasa kwarto ka at nagpapahinga? Nasaan si Summer?"
"I'm already okay" sagot nito.
"Teka ano yan? Para saan yan?" Nagtatakang tanong nito.
Bumuntong hininga siya at tinignan ang kaniyang Auntie.
BINABASA MO ANG
✔Live Your Life And Love Me
Genel KurguOne day, I woke up inside the body of a stranger. And that's when I started to live as another person. === This is written in Filipino COMPLETED AND UNEDITED Photo not mine. Credit to the rightful owner. Source from Pinterest. Dec282019-May102020 #1...