Tapos ka na bang kumain?

8 0 0
                                    

A/N: BASAHIN MUNA sobrang maraming errors po ito. So kung may lahi kang perfectionist... exit kana bes. AT ang sobrang corny nito HAHA.

~~~

Alam mo yong feeling na naguguluhan ka sa feelings mo para sa isang tao? Kasi ngayon, yan ang nasa isip ko.

Assuming na kung assuming basta ganito kasi ang nangyari kanina sa school, Nasa Computer Laboratory kami non tapos bandang mga 1pm yun.

Nilapitan ako ni Jack one of my friend sa circle of friends ko basta ganun. Tapos kinausap niya ako, kami lang dalawa. Kasi yung kaklase kung iba malayo sa amin medyo malaki-laki kasi itong Com Lab namin.

Tapos ayon, kinakabahan ako hindi ko alam kung bakit. Basta hindi ako mapakali. Yung puso ko grabe parang bombang malapit ng sumabog sa kaba.

Marami siyang sinasabi sa akin tapos nakatingin pa siya sa akin straight sa mga mata ko. Tapos alam niyo nakakahiya hindi ko alam kung anong gagawin ko kasi never pa siyang lumapit sa akin para kausapin ako ng ganito, kahit nasa isang barkadahan lang kami madalang lang kasi niya akong kausapin kasi kung kakausapin man niya ako kapag marami lang kami at sobrang ikli lang ng conversation namin.

So ayon na a-awkward ako sa situation namin, Tapos tumawa lang ako ang eng, eng, ko ng mga oras na yon para akong ewan. Pero ang mas nakakagulat, OO! Nagulat talaga ako tanungin ba naman akong Tapos na ba akong kumain? Syempre ang tagal nag process sa utak ko yung tanong niya.

Kasi sobrang out of the blue yung tanong niya. Pero ito na nga, Sinagot ko lang siya ng OO tapos na akong kumain. Nahihiya pa akong sabihin yan ahh at hindi pa ako makatingin sa kanya. Nahihiya ako sobra, feel ko namumula yung mukha ko that time. Ahhhhh!!!!!! Ang gaga ko ter!

Tapos non, dumating yong JOWA ko, Oo bes may jowa ako. Tapos bigla ba naman umalis si Jack pagkakita niya sa jowa ko walang paalam-alam bes tumalikod agad siya syempre na shock ako. Sabi ko sa sarili ko that time aww ok haha parang tanga lang.

Pero alam niyo kung anong point ko dito? Kasi naguguluhan ako bakit ganon yong reaksyon ko nang kausapin niya ako e diba, F R I E N D S nga kami so dapat natural lang yung tanungin niya akong Tapos na ba akong kumain diba?

Pero alam niyo yung problema ako eh! Ako yung may problema, bakit big deal sa akin yun dahil ba sa madalang niya lang akong kausapin o nabigla lang ako? Pero bakit ang bilis ng pintig ng puso ko sa mga oras na iyon? For Goddamn sake may boyfriend ako pero bakit ganito yong nararamdaman ko?

Nang dahil sa encounter na yun namin ni Jack parang nalilito na ako, king inang puso to! Nang dahil sa nangyari madalas ko nang napapansin na palaging nakatingin sa akin si Jack. Yung bang pasulyap-sulyap na tingin. Sige tawagin niyo na akong assuming mga bes pero hindi lang naman sa isang pagkakataon nangyari ang ganitong pasulyap-sulyap niya eh!

Nang dahil diyan kay Jack eh! Nagkakasala na ako sa jowa ko. Kasi king inang puso to! Kinilig ba naman ako sa mga small gestures na yun ni Jack.

Oh! baka minumura niyo na ako diyan kasi parang ang assuming ko na masyado at malandi na ako kasi naman may boyfriend na ako.

Oh! Sige nga, kayo nga nasa posisyon ko syempre hindi madali lahat ng ito sa akin. Ang hirap kayang tanggapin na parang gusto ko na rin si Jack pero kinakabahan din ako baka kasi infatuation lang itong nararamdaman ko sa kanya.

Pero may isang pagkakataon na nahuli ko na talaga siyang naka-stare sa akin OO bes! STARE na grabe! Lume level-up na.

Naglalaro kasi ako ng chess non, tapos alam mo na ang saya kaya mag laro ng chess pag may sayad din ang kalaro mo HAHA sobrang daming tawa ko non bes mga wampyb Haha basta ayon tapos pag-angat ko ng tingin sa harapan bes, I-imagine niyo na lang na ang crush niyo nakatutok sa inyo, sige nga paano kayo mag-rereact (oh diba kinilig kayo sa imagine niyo) tapos parang nagulat pa siya noon na nakatingin na din ako sa kanya. Yung mukha niya parang nabigla siya hindi ko maipaliwanag basta ang epic nang reaction niya haha.

Tapos ka na bang kumain? (ONE SHOT)Where stories live. Discover now