Kabanata 31

387 19 6
                                    

6 YEARS LATER

Sinuot ko na ang aking long sleeve na polo at sinuot ko na din ang aking skirt at high heels,ready na ako!

Paglabas ko ng aking kwarto namiss ko bigla ang bahay namin,nakatira na kasi ako sa isang apartment,and binibisita ko nalang minsan sila mama at papa

Dumiretso ako sa starbucks dahil dito kami magkikita ng mga kikitain ko

"Portia!",sigaw ng babae sa dulong table

Pumunta naman ako dito agad at nginitian silang dalawa

"Congratulations Mr. and Mrs. Creaze",bati ko sakanilang dalawa dahil last week ikinasal na sila

At syempre hindi pwedeng wala ako dun at ganun na din sila shina at aira

Ngayon nalang ulit kami nagkita after their wedding dahil syempre nag honeymoon sila sa Vigan.

"Kamusta?may junior na ba agad?", biro ko sakanila

"Plano palang muna", natatawang sinabi ni drake

"Saka na muna ang junior dahil ieenjoy muna namin ang buhay mag-asawa", sambit naman ni cassandra

Tinignan ko lang silang dalawa at napangiti ako,grabe ang saya saya nila sa isa't isa

"Andito na pala kayo", sambit ng babae sa likod ko

Tumalikod naman ako para tignan at tumambad sa akin si aira at kristoff habang magkaholding hands

"Andito na din pala ang ikakasal na", asar ko sakanilang dalawa

"Nako beshie maghanap ka na kasi, tatandang dalaga ka na niyan", sabay dila niya sa akin

"Hoy aira hindi pa huli ang lahat no 24 palang ako",sabay taray sakaniya

Umupo na silang dalawa ni kristoff sa tabi ko at biglang may tumabi sa right side ko at niyakap ako nito

"I miss you so much portia!",tinapik ko siya dahil ang ingay ng bunganga niya

Last week kakakita lang naming dalawa kung makayakap parang isang taon kaming di nagkita

"Oa shina ha", saway sakaniya ni aira at tinanggal ang pagkakayakap ni shina sa akin

"I miss you din aira", kindat sakaniya nito

"Thank you last week sa pag attend sa wedding namin ha", pasasalamat sa amin ni cassandra

"Wala yon no", sambit ni aira

Nagkwentuhan lang kaming lahat at bigla kong narealize na 11am na pala at kailangan ko na pumasok sa work ko kaya nagpaalam na ako sakanila

"Una na ako mga mars at pars,12am ang work ko", paalam ko sakanila

"A-ano kasi portia", tatayo na sana ako pero narinig ko ang sinabi ni shina kaya hindi muna ako tumayo

"Bakit shin?", tanong ko sakaniya

Tumingin muna siya kela aira at nagsalita

"Uuwi na ng Pilipinas si kuya estevan ngayon",sambit niya

Si estevan? uuwi na?

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko,ngayon ko nalang ulit naramdaman to pagkalipas ng anim na taon.

Oo,anim na taon.

Pagkatapos ng pangyayare noon sa playground,hindi ko na nakita pa si estevan at binalak ko mang habulin siya pero hindi ko nalang ipinagpatuloy.

Nag-college ako sa mataas na unibersidad at napagtanto kong hindi para sa akin ang pagiging Flight Attendant,nauwi ako sa pagiging Front Desk Receptionist sa isang sikat at malaking Hotel dito sa Pilipinas

Naging maayos ang pag-aaral ko noong college ako kahit na araw araw si estevan ang pumapasok sa utak ko

Anim na taon akong nagsise,anim na taon akong puno ng what ifs at pag-iisip na kung pano kaya kung pinigilan ko siya?

At ngayong uuwi na siya?, sobrang saya sa pakiramdam.

6 years ago gusto ko siya at hindi ko akalaing hanggang ngayon siya pa din ang gusto ko,akala ko kapag hindi ko na siya makikita mawawala ang damdamin ko sakaniya pero nagkamali ako.

"Ah ganun ba?makakapag bonding na kayo", tumawa ako ng peke

Anim na taon din akong nagpanggap sakanilang dalawa ni aira na nakamove on na ako kay estevan,ayoko kasing kaawaan nila ako sa desisyon kong pinagsisihan ko

Nginitian ko nalang sila at umalis na

Si cassandra at drake kasal na

Si aira at kristoff enganged na

Si shina ay mayroon na ding manliligaw Miguel ang pangalan at hindi niya pa napapakilala sa amin dahil busy sa pag-aartista

at ako?eto mag-isa nalang

Magtatrabaho at uuwi,ganun lang ang takbo ng buhay ko

Masaya naman ako pero may kulang,alam ko din mismo sa sarili ko yon.

Na ang kulang sa buhay ko ay si estevan.

Never Fall In Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon