Cassandra's PoV
"Wala pa rin ba kayong balita sa aking anak!" Nakayuko lamang ang mga inutusan kong encantadia, ilang araw na ang nakalipas at malapit na ang pulang buwan na possibleng ikapahamak ni Selvhirra ngunit hindi ko pa rin ito mahanap.
"Mahal na Reyna, wala na pong bakas ang prinsesa, maging ang kalikasan ay nanatiling tahimik, wala nang makapag tuturo sa amin." Binalot ng lungkot ang aking puso, pakiramdam ko pinag kakaitan ako ng lahat. Mahirap ba na makasama ko ang aking anak?
"Hanggang ngayon ay hindi ko pa muling nakakausap ang Alpha ng Spade, malaya nga tayong nakakagalaw sa kanyang teritoryo ngunit wala itong balak na mag-abot ng tulong." Maging ang panahon ay tila sinasabayan ang aking kalungkutan dahil ilang araw mg makulimlim dito isama pa ang malakas na kidlat at ulan sa nag daang gabi dahil sa aking pag tangis.
Araw araw para akong pinapatay ng lungkot mula ng piliin kong kumalas sa aking Kabiyak, ngunit anong magagawa ko? May sarili itong laban na dapat kaharapin at kailangan nitong panindigan ang bunga ng pag tataksil nito.
"Balita ko po ay nabalik na kay Haring Marcus ang Trono mahal na reyna." Tumaas ang aking kilay, pinilit kong umakto na walang pakialam. Kahit gusto ko itong makita.
"Anong kinalaman nito?" Nanguuyam na tanong ko sa kasamahan ni Clara na kinayuko ng babae.
"Mag kaibigan po ang Alpha ng Spade at Trigus, marahil ay tinutulungan nito si Haring Marcus na mahanap ang inyong anak." Napahilot ako ng aking sentido.
Kailangan maunahan ko ang mga Alpha, hindi ako papayag."Bukas na bukas ay tutungo tayo sa Palasyo ni Haring Cresscent, halos linibot na natin ang buong Spade ngunit wala pa ring bakas ng aking anak. Pakiramdam ko may mali na nangyayari."
Lumipas ang ilang oras at ramdam ko na ang pagod, nakapag tataka na hindi maabot ng aking kapangyarihan ang kinaroroonan ni Selvhirra, pakiramdam ko ay may pumipigil sa amin.
"Mahal na Reyna ilang linggo na po kayong walang pahinga at masyado niyo na'pong inaabuso ang inyong kapangyarihan-" hindi na natapos ni Krisha ang sasabihin nito ng makaramdam ako ng hilo at tila babaliktad ang aking sikmura.
Napakapit ako sa puno at duon tuluyang nag labas ng suka habang tila nag didilim ang aking paningin.
"Mahal na Reyna..." ramdam ko ang pag haplos nito sa aking likod at ang pag alalay nito sa akin. Tuluyan ng bumaksak ang aking masaganang luha, hindi ko na inisip na isa akong reyna sa harapan ng limang sundalong Encantanda.
"Kailangan natin hanapin ang aking anak..." napaluhod ako, ramdam ko ang aking panghihina, para akong inuubusan ng lakas.
Masyado kong nagamit ang aking kapangyarihan sa labanan na naganap sa pagitan namin ni Harum at ngayon sa pag hahanap ko kay Selvhirra."Mahal na reyna!" Lumapit sa akin si Clara at pilit ako nitong ginagamot ngunit wala itong epekto.
"Kailangan na po nating mag pahinga malalim na po ang gabi at hindi pa natin masyadong kabisado ang Spade, makakasama po lamang." Tumango na lamang ako.
Maaga pa lamang ay nag handa na kami upang pumunta sa palasyo ng Spade ang Welter City.
"Ayos na po ba ang inyong pakiramdam?" Tumango lamang ako kay Vivian habang lulan kami ng sasakyan.
Nag papasalamat ako at nagkaruon ako ng tapat na alagad sa pagkatao ng limang babae na aking kasama. Nakaramdam nanaman ako ng hilo at parang babaliktad ang aking sikmura kasabay ng panghihina.
"Ang iba pong Encantada at Encantado ay sinisimulan nang pasukin ang Hilagang bahagi ng Spade, napag alaman po namin na nakatira duon ang tribo tribong manglukulam kaya nag iingat po kami sa aming mga kilos." Napatango ako kay Clara habang pilit kong kinakalma ang aking sarili.
BINABASA MO ANG
Owned by the Alpha of Trigus
WerewolfPrevious title: Raped by the Alpha of Trigus "It was you who own me from the very beginning Alpha. Isang pangyayari ang bumago sa buhay ni Cassandra, matapos siyang sapilitang nakipagtalik sa isang estranghero na may kakaibang anyo kapalit ng kali...