CHAPTER 46

813 27 0
                                    

CASSANDRA POV

Patuloy ko lang linalantakan ang mga prutas na hinain sa akin, sa ngayon minabuti kong mag pahinga sa rest house sa mundo ng mga tao, mabuti na lamang at kumuha na si mama ng mga kasambahay na makakasama namin.

"Bukas na ang pulang buwan, tiyak kukuha si Mateo ng babae para mag alis ng init sa kanyamg katawan." Nabitawan ko ang aking kutsara sa sinabi ni Vroco at ang nakakainis pa, sadyang nag paparinig sa akin ang may saltik na hari.

Akala ko noong isang araw magaganap ang pulang buwan? ngunit bukas na pala ito lilitaw.
Gusto kong patamaan ng kidlat ang hari, masyado itong matabil at walang preno ang bunganga.

"Nag hahanap na po ako ng birhen na babae Alpha." -(Rocco) Pakiramdam ko nawalan na ako ng gana dahil sa sinabi ng beta ng Sapphiro, bullshit buntis na ako lahat-lahat tapos tutuhog pa siya ng iba!

"Tiyak mag eenjoy ang babaeng mapipili natin at kung babas-basan ng Diyosa ng buwan ang pakikipag talik ng Hari ay possibleng mag karoon ng pangalawang kabiyak ang Al-"

"Could you please shut all your fucking mouth!" Hindi ko man intensyon, pero kumawala ang kulog sa kalangitan dahil sa aking emosyon, mas lalo pa akong nainis ng sabay-sabay ngumisi sa akin ang mga matatandang lobo.

Bakit ba kasi nandito sa pamamahay ko ang mga ito?

Mula sa nakakainis na Aura ni Vroco at ang beta nito na tahimik ngunit nasa loob ang kulo. Maging ang Beta ng Astrid ay hindi palagay ang aking loob dito dahil tila itong may lahing demonyo. Isama pa ang hari ng Spade na pawang may sariling mundo. Mabuti na lamang at magkasundo kami ng batang hari at kung tatanungin niyo naman kung nasaan si Luric ay siguradong abala ito sa kanyang tungkulin.

"May problema po ba Mahal na Reyna?" Hindi ko alam kumbakit ang init ng ulo ko sa beta ng Astrid at parang gusto ko itong bigwasan dahil sa nakakainis na ngisi na nakapaskil sa kanyang labi. Halatang nangaasar ang mga ito. Ano ako magseselos? No way! Wala akong dapat ikaselos.

"Bakit kayo nandito? At kung nag hahanap kayo ng makakatalik para sa Hari ng Trigus bakit hindi na lang ang Asawa nito! Mabuti pa't umalis na kayo sa aking pamamahay, gusto ko ng magpahinga." Matabang ko na saad at pabalang kong tinapon ang table napkin at tumayo.

"We're just checking you out." -Vroco

"Nakokonsensya sila." - tamad na bulong ni Cresscent at walang paalam ito na umalis.

"Gusto lang namin malaman kung mabuti na ang iyong lagay mahal na Reyna." -Rocco

"Pinalayas ni Mateo ang kanyang Huwad na asawa at Anak." Napatigil ako sa sinabi ni Aster, kinuha nito ang tira kong mansanas sa plato at siya na ang umubos.

"What...?" Hindi makapaniwala kong saad sa mga ito.

"Shut up Aster!" Gigil na tumingin ako sa Hari ng Sapphiro. At bakit nito pinipigilan ang Beta?

"Mahal na Reyna nag bake po ako ng cookies, tiyak na magugustuhan ito ng inyong mga anak." Napabaling ako kay Skyler at nang nasamyo kuna ang ginawa nitong cookies ay para akong aso na nag laway, hindi naman ako ganito mag lihi kay Selvhirra.

"A-kin na." Tipid kong sagot at inabot ko ang lalagyan ng cookies.

"Bakit kayo mag hahanap ng babae para kay Lolo kung nandiyan naman po si Reyna Cassandra." Napulunok ako sa sinabi ng batang hari at umiwas ng tingin sa mga ito. Tama! nandito naman kasi ako-  what the hell?! Ano bibigay ka nanaman agad Amore? Inis ko na sermon sa aking sarili.

"Mukhang ayaw pumayag ng Reyna na ligawan si Mateo." Seryosong saad ni Vroco. Ba't ko liligawan ang asong iyon? Matapos akong gawing kabit at kung ano-anong masasakit na salita ng mag ina nito ang binato sa akin, isama pa na pinag kaisahan ako ng Trigus!

"I wonder, karamihan sa mga nag tatalik sa oras ng  pulang buwan ay binibiyayaan ng anak. Mukhang swerte ang makakatalik ni Marcus dahil possible itong hirangin bilang bagong reyna dahil sa gagawin nilang ritwal." Kumuyom ang aking kamao at tumingin kay beta Rocco ng matalim.

"Ano ba talaga ang gusto niyong palabasin?! My house is not your meeting place. Wala akong paki alam kahit ilang babae pa ang dadalihin niyo kay Marcus! We're done." Pinilit kong maging mahinahanon, masama ang tingin sa akin ng Beta ng Astrid habang napapasabunot ang dalawang taga Sapphiro sa kanilang buhok.

"Let's go."- Vroco.
Mabilis tumayo ang mga ito at nag lakad palabas ngunit tumigil sa pinto ang Hari at tumingin muli sa akin.

"Damn! Ang tigas nga! Hindi ka talaga mag preprisinta Cassandra?" Iritado na ang mukha nito ngunit ngumisi lamang ako kay Vroco na mas lalo nitong kina-inis.

"Hindi ako manliligaw, hindi ako mang-aakit at lalong hindi ako mang-gagahasa at higit sa lahat wala akong balak na habulin si Marcus." Seryoso kong saad sa mga ito at tinalikuran sila.

"He loves you so much My Queen." Humarap ako sa naka-nguso na si Skyler, napabuntong hininga ako.

"Umalis na kayo, kailangan kong magpahinga." Yung lamang ang aking sinabi bago tuluyang talikuran ang mga ito.

Nang masigurong wala na ang mga bwisita ay mabilis akong bumalik sa aking pwesto kanina at nag palakad lakad ako sa sala habang kumakain ng cookies. Bwisit kasi!

"Kanina pa po kami nahihilo sa pagiging aligaga niyo mahal na Reyna." Napahinto ako sa sinabi ni Krisha.

"Alam niyo naman ang plano diba..." nahihiya kong saad na kinangisi ng limang babae.

"Pasensya na gustuhin ko mang sumama ngunit pinapabalik na po ako ni Lady Lauren dahil isa po ako sa napili para hanapin ang bagong lagusan ng Tvastri." Marahan akong napa-upo at pinikit ang aking mga mata. Hanggang ngayon ay hindi pa rin kami tumitigil sa pag hahanap kay Farrah, umaasa ako na mahahanap namin ang aking kapatid.

"Ganun ba Clara, kamusta ang mga tauhan natin ang nag hahanap sa aking anak?" Pag tatanong niya sa mga ito.

"Nag pabigay na po kami ng pakiki-isa sa iba't ibang lugar upang mahanap ang prinsesa, isinang'guni na rin po namin sa mga konseho ang paghahanap." Napabuntong hininga ako at pilit kinakalma ang aking sarili. Kahit papaano ay gumaan ang aking pakiramdam.

"Bakit hindi niyo po tinanggap ang mungkahe ng mga hari, mahal na reyna?" Dinilat ko ang aking mata at handa ko na sanang sagutin si Vivian ng bumungad sa amin si Lauren- ang aking tiya,  hinagod ako nito ng tingin hanggang tumigil ang paningin nito sa aking sinapupunan.

"Heto ang mga nais mo Cassandra maging ang damit at kapa ay nandiyan na rin." Namula ang aking mukha habang walang emosyong nakatingin sa akin ito.

"S-alamat..." nauutal kong saad dito.

"Mag-iingat ka, alalahanin mo't buntis ka, maghinayhinay ka na lamang sa iyong mga kilos." Lauren

"Nakausap na po namin si Beta Luric, siya na daw po ang bahala sa lahat."

Owned by the Alpha of TrigusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon