Chapter 69

64 1 0
                                    

The Graduation

Yongsun POV

After the MC announced her name, Yongsun stared at the crowd for too long, before giving out her speech.

Yongsun could tell... na namumukaan siya ng mga iilang estudyante dito. Hindi dahil may title siya sa forbes, kundi dahil sa videong kumalat sa internet.

Mapanghusgang mata, nakangising mga tao. Ito ang iilang bumungad kay Yongsun after niyang umakyat ng stage.

Nang ibigay sakanya ang microphone ay medyo nanginginig ang mga kamay nitong nakahawak dito habang patuloy na nakatayo sa gitna, para magsimulang sabihin ang kanyang inspirational speech.

Mga matang patuloy na nakabantay at nakatitig sakanya ng diretso. On those sea of faces, bigla niyang naalala na isa nga pala sa mga taong iyon ay si Byul. Kahit pinanghihinaan ng loob ay nagkaroon siya ng lakas para magsalita at maging matatag sa kanyang kinatatayuan.

"Alam ko.. Hindi ko deserve na tumayo ngayon sa harapan niyo para magbigay inspirational speech. Kasi.. sino ba naman ako diba? In terms of reputation and image siguro.. eh sirang sira na ako sa lahat ng tao. I'm not a good role model and not a good influencer also. But you know what? I believe, if you want to be a successful entrepreneur someday. First step, don't be like me. Before, I was full of hatred and always wanted to stand out, to be on top. At ayun yung naging dahilan kung bakit nagawa ko yung mga bagay na hindi ko naman dapat ginawa in the first place. Alam kong mali yung ginawa ko at matagal ko nang pinagsisihan ang lahat ng 'yon. But I'm aware na some people won't forgive me for this, so I'll have to accept na... not everyone will like me and will understand my past, my whole situation. Lahat ng bagay may rason. At lahat ng pagkakamali ay kailangan pagsisihan." pinutol bigla ni Yongsun ang kanyang sasabihin para humarap sa mga parents ni Lia na kasalukuyang nakaupo sa stage.

"As much as.. ganun nga akong tao. Kayong lahat, kayong lahat na nandito ngayon. Mga fresh graduate na magsisimula palang at nagbabalak na sumugal sa mundo ng business... meron lang akong isang bagay na kailangang sabihin sainyo." Still looking at Lia's parents, ngumiti naman ito ng malapad na labis na pinagtaka ng dalawa.

She looked straight, diretso sa direksyon nila. Na puno ng tapang at tatag na harapin ang dalawang taong sumaksak sakanya patalikod at naging dahilan kung bakit kumalat ang videong iyon.

Ang mismong coworkers at business partners niya.

"Na hindi lahat ng tao ay magiging totoo sayo. At magiging tapat, dahil yung iba... ay hinihintay ka lang bumagsak." madiin niyang pagkakasabi atsaka lumingon ulit sa audience para muling magsalita. "Iwasan niyo yung mga taong ganon."

Huling sambit ni Yongsun bago niya ibalik ang mic at tuluyang lisanin ang stage.

Byul's Parents

Byul POV

Pagkatapos ng ceremony ay kanya kanyang sinalubong ng mga estudyante ang kanilang mga pamilya na naghihintay sakanila at mabilis na tumakbo naman si Byul nang makita niya ang kanyang ama atsaka niyakap ito ng mahigpit.

"Pa? Dumating kayo." naiiyak sa tuwang pagkakasabi ni Byul habang patuloy na nakayakap.

"Oo naman, anak. Proud kami ng pamilya mo sa iyo." yumakap naman ito pabalik at maingat na tinapik ang kanyang likod.

Pagkatapos yakapin ang ama ay lumipat ito sakanyang ina para yakapin din ito ng mahigpit. "Ma, pasensya na cum laude lang." malungkot na sambit ni Byul.

Tumawa naman ito ng mahina atsaka tumango, senyales na masaya parin ito kung ano man ang nakuha ng kanyang anak. "Ok lang yun, nak. Ano ka ba, sobrang proud parin kami sayo." tugon ng kanyang ina.

Habang nakayakap, kasabay ng pag angat ng kanyang ng ulo ay naaninag niya ang nakatayong si Ryujin sa likod nila.

Mabilis na sinenyasan ito ni Byul para lumipat sakanila.

"Uy, si ate Ryujin yun ah?" wika ng kanyang nakababatang kapatid, nang makilala ang babaeng naglalakad papalapit sakanila.

Kahit medyo kinakabahan at nagiisip ng paraan kung paano ito ipapakilala ni Byul sakanyang pamilya. Agad na nag bow naman si Ryujin sa mga magulang ni Byul, nang makarating ito.

"Ma, pa. Uhmm. Si Ryujin po... girlfriend ko. Matagal ko nang girlfriend." mabilis at diretsong pagpapakilala ni Byul kay Ryujin sa mismong harap ng mga magulang niya.

Natigilan naman ang mga ito at nagkatinginan saglit bago tignan si Byul atsaka lumipat ang tingin kay Ryujin. "Kung saan ka masaya, anak. Masaya narin kami para sayo." nakangiting tugon ng kanyang ina, na tumingin naman sakanyang asawa na tila naguguluhan parin.

"Mahal niyo ang isa't isa?" nagtatakang tanong ng ama ni Byul.

Parehas na tumango ang dalawa at agad na inabot ni Byul ang mga kamay ni Ryujin para hawakan ito sa harap ng kanyang mga magulang.

Nang makita ito ng ama ni Byul ay kusang ngumiti ito sa dalawa. Natutuwang nagkatinginan naman sila Byul at Ryujin, knowing na parehas na itong natanggap ng parents ni Byul.

Habang patuloy na nakaharap sa mga magulang ni Byul, bigla namang nagsalita ulit ang nakababatang kapatid ni Byul atsaka pasigaw na may tinawag na pangalan.

"Ms. Kim!" sigaw nito, na parehas nagpalingon sa dalawa.

Pagkalingon ni Byul ay nataranta naman ito nang makitang papalapit si Yongsun sa direksyon nila.

"Ma, pa. Ito si Ms. Kim. Yung tumulong kay ate sa OJT niya. Siya rin mismo yung CEO ng company. Tsaka siya rin yung tumulong kay ate sa ibang finances niya sa school. Kaya hindi nahirapan si ate makagraduate." pagpapakilala ng nakababatang kapatid ni Byul kay Yongsun sa parents nila.

Isa isang natigilan naman sila Byul, Ryujin at ang mga magulang niya. Nang lumipad ang tingin ni Byul kay Ryujin ay hindi maipinta ang mukha nito na nakatingin kay Yongsun.

"Ahh.. Ms. Kim? Maraming salamat ho. Hulog kayo ng langit." biglang sambit ng nanay ni Byul at agad na inabot na ang mga kamay ni Yongsun para paulit ulit na pasalamatan.

Sunod naman na nagpasalamat ang tatay ni Byul na paulit ulit na tumango para magbigay galang at mag pasalamat.

Habang ang dalawa ay nananatiling tahimik, na puno ng tensyon at kaba.
"Love.." biglang tawag niya kay Ryujin.

Sa tingin ni Byul ay nagsisimula na itong ma out of place at magselos dahil napuno ng papuri si Yongsun galing sa mga magulang ni Byul, at may malaking nagawa at naitulong kay Byul kumpara sakanya.

"Ay, Ms. Kim. Ang swerte ho ng magiging partner niyo in life. Kasi napakabuti niyo hong tao at hindi kami naniniwala sa mga kumakalat na masamang balita sainyo. Naway marami pa ho kayong matulungan."
sunod sunod na papuring bigay ng ina ni Byul kay Yongsun.

Dahil malapit si Ryujin kay Byul ay rinig na rinig ni Byul ang malalim na paghinga ni Ryujin, na sa tingin niya malapit na itong mainis.

Muli ay nagsalita ang kapatid ni Byul na mas lalong nagbigay tensyon sakanilang tatlo. "Ate Byul, naimpake ko na nga pala yung mga gamit mo. Lilipat ka na ba talaga dun sa nakita nating apartment for rent? Agad agad? Sama daw sila mama. Hatid ka nila."

"Love? Nakahanap ka na? Pwede narin ako magimpake later. Sabihan ko nalang sila Yeji mamaya na ipaalam ako." mabilis na tugon ni Ryujin na nagpatigil bigla kay Byul.

Kahit nakatingin kay Ryujin ay ramdam ni Byul ang mga seryosong titig ni Yongsun dahil sa sinabi ni Ryujin at ng kapatid niya.

Inaamin ni Byul na nasaktan siya sa puntong iyon dahil nasasaktan siya para kay Yongsun.

"Love.. sige hinta--" hindi na natapos pa ni Byul ang sasabihin nang bigla namang sumabat si Yongsun.

"Uhh. Mr. Moon and Mrs. Moon? Mauna na ho ako. May flight pa ho ako mamaya. Masaya ho akong nakilala ko kayo bago ako umalis ng bansa." tumango muna ito atsaka ngumiti sa kapatid ni Byul bago tuluyang umalis.

Tila napako naman si Byul sa kinatatayuan niya na parang binagsakan ng langit at lupa.

Stripped (Moonsun AU) (Stripped Series #1) [UNDER EDITORIAL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon