Kabanata 9

40.1K 2.1K 741
                                    

Quiver





"Ano, kumusta ka naman jan?"


Kitang-kita ko sa screen ang paglabas ni Uncle sa bahay at ang pag-angat niya pa sa cellphone para lang makasagap ng signal.


Napangiti naman ako.


"Okay na okay, Uncle! Sobrang saya ko po dun sa pinuntahan naming forum kahapon!"


"Yun ba yung kinukwento mo na isa ka sa napiling ipadala ng eskwelahan mo?" namamanghang tanong niya.


"Opo! Wait, may ipapakita 'ko sa inyo," sabi ko at binitbit ang cellphone habang kinukuha ang jacket.


"Binigyan pa kami nito oh! Tignan niyo naman, Uncle may logo pa yan ng All Asia tapos ilan lang kaming meron niyan!" pambibida ko.


"Pa, si Ellie yan?"


Bigla kong narinig ang boses ni Nash mula sa kabilang linya. Tumagilid ang ulo ni Uncle para harapin ito at sagutin. Hindi nagtagal ay sumulpot na rin ito sa screen.


"Hoy Ellie!" malaki ang ngisi ni Nash na sumingit sa video call at bahagyang namamangha pa.


"Ano? Miss mo na pinaka mabait mong pinsan?" asar ko.


"Wish mo lang! Kapag ba naging piloto ka na, makakasakay kami nang libre sa eroplano?" taas-kilay na hamon niya.


"Depende sa trato mo sakin," ganti ko.


Bigla siyang nagkunwari na lumambot ang ekspresyon. "Ay nako, pinsan, sinasabi ko talaga sayo pag-uwi mo rito handa akong maging utusan at alila mo!"


Napahalakhak ako. "Joke lang walang ganun baliw!"


Agad na nagbago ang ekspresyon niya.


"Oh, oh, tama na yan at papasok pa yang pinsan mo." singit ni Uncle habang binabawi ang telepono kay Nash.


"Okay lang, Uncle, maaga pa naman," sabi ko dahil may 30 minutes pa naman ako bago umalis.


"Kelan ka nga pala makakauwi?"


"Wag na, wag nang pauwiin yan!" sabat ni Nash.


Binatukan siya ni Uncle. Binelatan ko siya bago bumaling kay Uncle.


"Sa sembreak po sigurado yun. O kaya pag nagka-holiday,"


Tumango-tango siya. "Oh siya, oh siya. Mag-iingat palagi, Ellie ha. Yung mga paalala ko sayo laging tatandaan,"


Inabot pa ng ilang minuto ang mga munting paalala ni Uncle bago natapos ang tawag. Hinanda ko na rin ang gamit para makaalis na.


Ang boarding house namin ay kahilera lang mismo ng katapat na kalsada ng PCAST kaya't wala pang sampung minuto ay nakakarating na ko sa mismong classroom.


Nagulat ako nang pagpasok ay naabutan na roon si Yael.


"Aga ah!"


Umangat ang tingin niya mula sa ginagawa.


"Daming assignments eh," ngisi niya.


"Oh? Buti pala excused kami kahapon," sabi ko.


Napabaling siya sakin. "Kumusta pala?"


Gumuhit ang ngiti sa labi ko at magiliw na kinwento ang mga nangyari. Mula sa pinakamaliit hanggang pinakamalaking detalye ay animated na ikunwento ko sa kanya. Halos tumigil na siya sa ginagawa kung hindi ko pa sinabihan na ituloy niya lang habang nagsasalita ako.


Every Flight CountsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon