2

2 0 0
                                    

I stare at the white ceiling. Madaling araw na pero 'di pa din ako makatulog. Sumasakit na naman kase ang ulo ko at ang mga tahi ko. Normal naman daw sakin na pagsaktan ng ulo kase dalawang linggo pa lang naman ang nakakalipas matapos ang operasyon. Limang na araw na rin simula ng magising ako. Good thing, nagising at nakasurvive pa ako.

Napakacrucial daw kase ng ginawang operation sa akin tapos kinaya ko pa magbypass. Habang inilalagay ang heart ng donor ko, pinagtuunan naman nila ng pansin ang isang surgery sa akin. Two Main Organs at a time. Biruin nyo, kinakaya ko yon?!

Konti na lang talaga maniniwala na ako na matagal mamatay ang isang masamang damo. Walanjo!

Maya-maya pa'y nakaramdam ako ng pagkabagot. Ganito na lang ba palagi ang gagawin ko? Humiga buong araw hanggang sa madischarge ako? Sure na kayo? Sure na talaga? As in? Final na 'to?

Literal na bored na ako kaya nag-isip na lang ako maaaring gawin ngayong madaling araw. Nang wala akong maisip na mapagkaka-aabalahan ay no choice ako kundi manood ng tv kahit wala naman akong alam sa mga palabas ngayon since madaling araw na nga.

At kahit pinagbawalan akong magkikilos kase sa sariwa pa ang mga tahi ko ay bumangon pa din ako para abutin ang remote na nasa sofa sa may kanan ko. Bahagya pa ngang sumakit ang dibdib at ulo ko. Nabigla siguro dahil sa pagbangon ko pero wala muna akong pakialam. Bored na bored na ako at gusto kong malibang! Kainis!

Nang maabot ko na ang remote ay agad kong pinindot ang power button. Mabuti na lang iniwan ng huling nanood na nakasakaksak ang tv kaya 'di na ako mag-aabala pang tumayo para isaksak iyon. Walanjo! Pagbangon pa nga lang dinadaingan ko na, pagtayo pa kaya!?

Bakit ba kase ang dami kong naging sakit? Pwede naman kase author na i-distribute mo ng ayos yung mga sakit, hindi yung sa akin mo na binihos lahat. Kawawa naman yung sunod na bida mo, 'di man lang mahihirapan. Charr. Pero walanjo kung hindi dahil sa donor ko, hindi na muli akong makakahawak ng remote.

Teka, Sino kayang donor ko? Ang bait nya naman para bigyan ako ng pangalawang buhay! Siguro crush na crush ako non kaya kahit buhay nya kaya niyang ibigay sa akin. Napatawa ako sa mga kalokohan ko. Grabe na 'to pati ba naman yung lalaki ko na donor iniisip ko may crush sa akin? Ayy baka kase bakla sya, yon yun.

Nagtingin-tingin ako sa mga channels. Hindi ako nakuntento sa mga palabas doon kaya pinili ko na lang na manood ng movie ngunit nadismaya lang ako sa nakita ko. Hindi ako pamilyar sa mga title kaya kahit nakakadismaya na wala akong alam sa mga movies na nandoon ay nagrandom pick na lang ako. No choice ako e kesa naman sa mamatay ako dito dahil pagkabored. Yare tayo dyan!

Nagsimula ang palabas. At first, I thought the movie will be boring but I'm wrong! Simula pa lang pero ang ganda na agad ng mga pangyayari. Ang sexy pa nung bidang babae.

Habang nasa kalagitnaan ako ng panonood ng movie ay nakaramdam ako ng gutom. Walanjo
naman! Kung kelan naman nasa intense part na ako saka pa nagpapansin 'tong tiyan ko. Minsan talaga gusto ko ng makipagsuntukan sa tiyan ko, napakabilis magutom e.

Pinause ko ang pinapanood ko at muli akong dahan-dahan na bumangon at naglakad papunta sa mini kitchen.

"Sht!" Napadaing ako ng nakaramdam ng sakit. Mas masakit pa ata 'to sa break up, orb. Legit.

I searched for some food to eat. Binuksan ko ang fridge. Gladly, may mga stock ako ng pagkain. Kinuha ko ang isang tupperware ng ginataan at inilagay sa microwave na katabi lang ng fridge. Chineck ko ang rice cooker. Buti na lang may kanin pa. Wrong timing naman kase ng pagkagutom ko.

A Solemnly Given PledgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon