Chapter 50Stained Specification
Sapo-sapo ko ang noo nang makabalik sa cubicle ko. I feel so guilty for causing many mistake and troubles to the employees. Halos mag-iisang linggo na ako rito at araw-araw, nakakagawa ako ng kapalpakan palagi.
Aside from my first mistake to Madame because I passed the papers late, pinagalitan din ako ng isang employee noong pinunasan ko ng basang pamunas ang table niya kaya nabasa iyong inilapag niyang papers. Tapos inutusan akong magtype no'ng data na hindi ko masyadong maitindihan at nakaligtaan ko pang isave.
Nakadelete din ako ng 24GB na files sa PC ko. Nakatulak din ng empleyado noong muntik na akong matapilok sa sariling chair ko. Naibuhos ko ang dala kong tubig sa isa pang employee noong muntik na niya akong mahuling nagbabasa ng mga papel niya sa table. At nakipag-away din ako sa isang malditang employee na akala mo employer dahil utos ng utos sa akin.
At ngayon naman, nagkasala ulit ako kay Sir Limbaco nang nagkamali ako sa pag-stapler at na-ruin ko 'yong mga papers. Puro talaga palpak. Naiiyak ako sa gulong nagawa ko. Mabuti na lang at kahit mukhang nakarating na 'yon kay Lucas ay hindi naman niya ako pinagalitan o ano. Hindi nga lang kinakausap dahil mukhang ayaw na niyang ma-stress pa ulit sa mga sumbong tungkol sa akin.
"Get me coffee," biglang utos ni Sir Limbaco na hindi ko namalayang nasa tapat ko na pala.
Muntik pa akong mapatalon. His face looks very grumpy kaya tumango agad ako.
"Yes, Sir."
Mabilis akong kumuha ng kape sa pantry. Hindi naman ako nagrereklamo kung ganito ang mga inuutos sa akin. Mas mabuti ng ganito kaysa naman sa pagta-trabahuin nila ako ng mga trabaho nilang wala naman akong alam.
Pagkatapos makakuha ng kape'y naglakad agad ako papunta sa table ni Sir Limbaco. I saw him turned to me and went I was about to put the coffee on his table, bigla siyang tumitig sa boobs ko.
I jumped hard dahilan kaya naibuhos ko ang kape sa table niya. Napamura siya at mabilis na napatayo. My mouth dropped and I cursed myself hardly. Bumaling siya sa akin at galit na galit na tiningnan ako.
"What the fuck did you do?!" sobrang lakas ng mura niya na napapatingin sa amin ang mga empleyado.
Natulala ako. The coffee started staining on his papers kaya nataranta ako.
"May galit ka ba sa akin, ha?! This is already your second attempt of ruining everything on my table! Wala ka bang alam gawin kundi ang manggulo?"
Hindi ko na pinatulan ang sigaw niya at inabala na lang ang sarili sa pag-aayos ng mga papel niya sa mesa. Nang makita niyang namansyahan iyon ay mas lalo siyang nagalit sa akin!
"The fuck?! Look what did you do to my papers!!!"
Napaigtad ako sa sigaw niya. "I'm sorry, Sir."
"Sorry ka ng sorry! Rinding-rindi na ako sa'yo! May magagawa ba 'yang sorry mo sa mga nasira mong papeles ko?!"
Nagtagis ang bagang ko. Punyeta niya! Kung hindi lang siya sakim sa boobs ko, hindi ko naman matatapon ang kape! Mabuti nga hindi ko sa kanya tinapon, e! Walanghiya! Siya pa ang may ganang magalit!
"I'm really sorry, Sir."
"Paano ngayon 'yan, ha?! Punyeta, kailangan ko ang mga papel na 'yan ngayon!" Nasapo niya ang noo niya at galit na napapikit. "Leave! Bumalik ka na sa table mo at manahimik ka na lang doon dahil mas lalo mo lang kaming ginugulo rito!"
Tumango ako at nagtungo na sa aking cubicle. Kinuha ko ang bag ko at dire-diretsong naglakad papuntang elevator, binalewala ang mapanghusgang tingin ng mga empleyado sa akin.
BINABASA MO ANG
Rains of Love (Celebrity Series #3)
RomanceBeing a phenomenal actress is what Shaireen Marquez dreaming ever since. Lahat ay nakakaya niyang gawin sa ngalan ng pag-aartista. It become her fashion, her dreams, her hope and lastly, her love. But then, when Lucas rains her nothing but a genuine...