Love 56

195 5 0
                                    


Chapter 56

Elvira's Exhibit

Dahil nakapagtrabaho na naman ako ng kaunti as designer sa tulong ni Reign, sinimulan ko na rin ang paghahanap ng condo at apartment online. It's also good to see personal posters kaya sinubukan ko ring tingnan ang mga parerentahan roon.

Nabayaran ko na rin ng buo ang utang ko sa dating condo dahil sa natirang pera noon at sa kinita ko sa ibinentang mga gamit kay Reign. Nabawasan ang problema ko kaya masaya ako talaga.

I found one in the internet. It's a good for two condo unit. Hindi iyon ganoon kalaki pero maganda at kayang-kaya kung hulog-hulugan. I was smiling when I personally message the owner about me paying a visit for it. Napatalon ako nang pumayag siyang ipareserve muna iyon hangga't hindi ko pa nabibisita.

"Shaireen? Are you ready?" Reign knocked on my room's door.

"Huh?" Nakadapa pa ako at prenteng nakatihaya sa kama. "Why do I need to be ready?"

"Sinasabi ko na nga bang nakalimutan mo. Walanghiya ka talaga. We'll be going to Elvira's exhibit, you witch."

"Oh my gosh!" Napatayo agad ako at dali-daling pumasok sa banyo. "I'm sorry I forgot! I'll get ready now!"

"Okay. Dalian mo!"

Napabilis tuloy ang ligo ko sa hiya. I almost forgot it's already Friday. Nag-ayos agad ako pagkatapos maligo. Wearing a light green sleeveless shirt but with neck single lace paired with terno light green long and loosy pants, I went out in the room looking presentable.

I just put light make up to my face, lipstick and I curled the tip of my hair more. Hinayaan kong bumagsak iyon lampas sa dibdib ko.

Bumaba ako sa sala at nakitang handa na rin ang dalawa. Reign is wearing sky blue dress with big black belt while Jeb looked hot with his white button down shirt, sleeve were long, only folded in his elbows, three buttons are open and it was inserted to his brown pants with showing black belt.

Nadatnan kong nag-uusap ang dalawa habang tumatawa si Reign. Jeb is smirking at her while caressing her waist. Umirap ako at halos itulak silang dalawa.

"Hey, I'm ready na!" pangdidisturbo ko at umikot pa sa harapan nila.

Nalaglag ang panga ni Reign habang nakangising sinuyod naman ako ng tingin ni Jebriel. I stand proudly in front of them.

"What do you think?" I asked them.

"You look ecstatically magnificent." Reign muttered.

Nagtaas ako ng noo at nagpagpag pa kunyari ng sleeve ko, nagmamayabang.

Tumawa si Jeb at binara ako. "Bagay ka kung sa bahay ka na lang,"

Nilingon ko siya. "Bakit ipagdadamot ko ako? Ikaw lang may karapatang sumaya?"

Umiling sa amin si Reign at niyaya na akong umalis. Ngumiti ako sa kanya at masayang kumapit sa kanyang braso. Nakakapit siya sa braso ni Jeb kaya nagmumukha talaga akong photo bummer sa kanilang dalawa.

Maliban sa pagiging designer at paghahanap ng condo, pinagkakaabalahan ko rin ngayon ang pagtulong kay Jebriel sa balak niyang proposal kay Reign. Nae-excite tuloy ako sa kanila. Wala talaga kasing ideya si Reign. Gusto ko tuloy pagtawanan.

But I'm happy for them. Really happy.

Nang makarating kami sa hall na pinagdadausan ng exhibit, halos nalula ako sa mga bibigating bisitang nandoon. Mostly are well known artist, businessmen, engineers, professionals, and celebrities.

Parang gusto ko pang mahiya habang naglalakad kami papasok doon. The gallery was full of displayed paintings, pero iyong nasa frontline na ipinokus sa event ay ang apat na paintings na inilabas ni Elvira. It looks so good and breath taking. Kasalukuyan itong dinadayo at tinitingnan ng mga bisita.

Rains of Love (Celebrity Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon