Ikalabing pitong Kabanata

35 3 0
                                    

Lumiwanag ang paligid dahil bumalik ulit si haring araw.

Ang suot ng mga kalalakihang sumama sa prusisyon ay napalitan ng kamisong mahaba ang manggas at pantalon, habang simpleng baro't saya at belo naman sa mga babae.

Nag-panic ako dahil ultimo ang mga mosiko ay napalitan. Wala ang mga majorettes na sumasayaw at nangunguna bagkus iilang kalalakihan lang ang tumutugtog ngayon.

Ang mga santong una naming nakita ay wala na din. Tanging si Santa Nordes lang na nakapatong sa karong pinalibutan ng madaming bulaklak ang ipinaparada.

Teka, namin?

Doon ko naalala na kasama ko nga pala si Francis!

Agad akong lumingon sa kaliwa ko upang makita kung nandito din ba siya, ngunit halos mapatalon ako sa aking kinatatayuan nang ibang mukha ang aking nabungaran.

Walang Francis na nakatayo, bagkus isang lalaking mukhang foreigner ang nakangiti sa isang babaeng pilipina ang nasa gilid ko. Pinagigitnaan namin ang babae pero hindi ko pa din makita ang itsura niya.

Nasa'n ba 'ko?

Inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid. Sigurado 'kong nasa Santa Nordes pa din ako ngunit ibang-iba ang itsura.

Walang nakatayong bahay sa harap namin at mukhang nag-uumpisa pa lamang lumago ang mga puno kung kaya't kitang-kita ko ang dagat ng Norwen. Napahawak ako sa bibig ko dahil hindi ako makapaniwala.

Bumalik ba 'ko sa sinaunang Santa Nordes?

Tumalikod ako upang tignan naman ang bahay namin, at para 'kong maiiyak nang makita kong umaandar ang fountain at mukhang bagong-bago pa ang bahay. Walang mga upuan at lamesang kinakainan ng mga bisita ni Mama, bagkus isang payapang bakurang punong-puno ng samu't saring halaman ang bumungad sa'kin.

Totoo bang nakabalik ako sa nakaraan? Kung gano'y totoo nga siguro ang sinasabi ni Vicente.

Speaking of Vicente, siya ang huling taong nakita ko bago ako napunta dito. Kung kaya't lumingon ako sa lugar kung saan ko siya nakita.

Halos masamid ako sa sarili kong laway nang makitang nakatayo pa din siya. Biglang nag-iba ang ritmo ng tibok ng puso ko. Hindi ko din alam, pero sa t'wing nakikita ko ang asul niyang mga mata ay tila ba nagwawala ang buong internal organs ko sa saya.

Iba na ang suot niya, halos katulad noong una kaming magkita maliban sa kulay ng sapatos niya ngayon.

"Vicente!" sigaw ko. Siya lang ang kakilala ko dito kaya kailanganng makausap ko siya.

Nagtaka 'ko nang hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin. Wala ding lumingon man lang sa direksyon ko kahit na sumigaw ako sa gitna ng taimtim nilang pagdadasal.

Kahit ang mga katabi ko ay hindi natinag sa tinginan. Para bang hindi nila 'ko nadidinig.

Nang lumingon akong muli kay Vicente ay napansin kong sa ibang direksyon siya nakatingin. Sinundan ko 'yon hanggang umabot ang paningin ko sa dalawang tao sa tabi ko. May halong lungkot at panghihinayang ang mga tinging ipinupukol niya sa dalawa.

Para siyang si Tito Felix kung tumingin kay Mama. Puno ng pighating pilit ibinabalot ng pagmamahal.

"Ara!"

'Pag dilat ng mata ko mula sa madiing pagkakakurap ay mukha agad ni Francis ang bumungad sa'kin. Hawak niya 'ko sa magkabilang braso habang inaalog.

"Anong nangyari sayo? Bakit ka natulala?" tanong niya.

Ilang segundo pa kong tumitig dito habang pilit inaayos ang buong sistema ko. Pilit kong inaalala kung totoo ba talaga ang mga nangyari.

Nang mahimasmasan ay agad kong nilingon ang pwesto kung saan ko huling nakita si Vicente.

Tadhana Nga Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon