Siguradong nakauwi na ng Pilipinas si estevan
Ano na kayang itsura niya?
Ano kayang trabaho ang meron siya?
Kamusta kaya siya sa loob ng anim na taon sa amerika?
Buong gabi lang ako nakapikit habang iniisip ang lahat ng mga tanong na ito,halata nga ang eyebags ko kaya nilagyan ko ito ng concealer ngayon
Nagtungo na ako sa hotel na aking pinapasukan at kinamusta ko si lolo fernando at ang mga kaibigan ko sa hotel
"Oh umiyak ka ba buong gabi?", tanong sa akin ni irene
"Hindi lang talaga nakatulog ng maaga", natatawa kong sinabi sakaniya
"Uy may new guest tayo today,mga mayayaman galing ibang bansa", aniya ni scarlett
"Dapat pala kapalan ko ang lipstick ko ngayon,para man lang makakuha ng boyfriend na amoy ibang bansa no", sambit naman ni gwen
"Ambisyosa may girfriend yon,balita ko 2 years na sila ng babae at isa siya sa anak ng mayayaman sa ibang bansa", sambit ni scarlett
"Sino nanaman yang pinagchichismisan niyo ang aga aga?",pangk-kj ko sakanila
"Nako portia ang ganda ganda mong babae,nagtataka ako bakit wala ka pa ding nobyo", sambit ni irene
"Nako 24 palang ako!hindi pa huli ang lahat", sabi ko habang nagaasikaso ng mga calls
"2020 na girl! kahit sino nalang diyan ganern!", singit ni gwen
"Edi sa huli masasaktan lang din ako? wag nalang no", sambit ko
Tumango naman si gwen dahil sangayon din siya sa sinabi ko at nagulat nalang ako ng magsalita siya
"Ayan na ba sila?",tanong niya
"Oo nga,napakagwapo at napakaganda nila pareho", sambit ni irene
Tinignan ko naman kung asan sila nakatingin at nalaglag ang panga ko sa aking nakita.
Napahawak ako sa aking bibig dahil sa sobrang gulat
Putsa.
"A-ahh need muna magbanyo,switch gwen",paalam ko sakanila dahil baka tumulala lang ako dun
Tumakbo na ako papalayo sa Front Desk at sinulyapan siya
Ang laki na ng pinagbago niya,ang dating estevan na kilala ko laging hawak ang cellphone niya at nanunuod lang sa isang tabi,napakasungit at tahimik lang sa madaming tao
Pero ngayon masaya siyang nakikipagusap sa mga lalaking kasama niya at napaka pormal ng kaniyang kasuotan habang may nakahawak sa kaniyang braso
Girlfriend?
Ito ba ang narinig ko kanina?
Hindi ako makapaniwala
May girlfriend na pala siya.
Ang sakit sakit,sa loob ng anim na taon siya lang ang laman ng puso ko
Bakit bigla siyang nagkaroon ng iba?
Putsa naman oh
Totoo ba talaga ang pagmamahal niya sa akin?
Sinusulyapan ko lang sila sa malayo at pumunta sila sa Front Desk at inasikaso naman siya nila gwen at nagtungo na sila sa elevator
Sa dinami dami ng hotel na pupuntahan nila,bakit dito pa?
Sinulyapan ko lang sila habang sumasara ang elevator
Masaya siya,kitang kita sa kaniyang mukha na sobrang saya niya
Nakalimutan na ba niya ako?
Estevan ako to si portia,wala na ba ako sayo?
Hindi ko nalang namalayan na umiiyak na ako dito sa likod ng pader na sinasandalan ko,hindi ko kayang pigilan ang sakit
Dumiretso akong cr para ayusin ang make up ko na nasira sa aking pag-iyak,tinignan ko ang aking sarili sa salamin at umiyak ulit
"Ang tanga tanga mo", sambit ko sa aking sarili
Bakit nga ba hindi ko naisip na makakahanap siya ng iba sa ibang bansa?
Nag-suffer ako ng ilang taon at hindi man lang ako nakamove on,bakit siya naka move on na?
Ang daya estevan,ang daya daya mo
Pinupukpok ko lang ang aking dibdib sa sobrang sakit ng nararamdaman ko
Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa hindi ko na namalayan sobrang pula na ng mata ko
Hindi ako pwede lumabas ng ganito kaya itinigil ko na muna ang pagiyak ko dahil may trabaho pa ako
Pinakalma ko ang aking sarili bago lumabas ng pinto ng banyo
Susubukan ko pa ding alamin estevan,hinding hindi na ako papayag na mawala ka ulit sakin
Susubukan kong tanungin siya kung meron na bang iba,magmamakaawa ako kung maaari dahil hindi ko ata kayang makita siyang hawak ng iba
Estevan,sabihin mo lang na ako pa din ang gusto mo
Mananatili ako.
BINABASA MO ANG
Never Fall In Love Again
Teen FictionNagkaroon ng first love ang isang babaeng "no boyfriend since birth" at akala niya ay pang habang buhay na niyang magiging kasintahan ito, ngunit sa paglipas ng panahon ay unti-unti niyang matutuklasan ang katotohanan, kaya't labis siyang nasaktan a...