Chapter 14

122 4 0
                                    

Lumipas ng lumipas ang araw wala na silang balita kay Greg, at mahirap naman ang mga araw na dumadaan sa kanya pero di niya pwedeng balewalain ang kanyang pagaaral, she's nineteen years old, at dapat ay makapagtapos siya ng pag aaral kahit anong mangyari. Kung si Greg ang kinukumusta ng kanilang kaibigan ay parating tipid ang kanyang sagot.

Isang araw pagdating niya siya bahay ay laking tuwa niya ng makita ang sasakyan ng detective na nagsusubaybay kay Greg, pero bakit mukhang dumalaw pa ito sa bahay nila Greg, as usual wala ang kanyang mama.

Tuwang tuwa siyang pumasok sa pintuan at agad dumiretso sa library for sure ay nakikipagusap ito sa lolo or papa ni Greg, pagpasok niya ay walang tao sa library pero may envelope na medyo bukas sa study table, hindi niya alam kung tungkol ba ito kay Greg o sa negosyo.

Out of curiousity ay binuksan niya ito at un ang napakalaki niyang pagkakamali, kahit nanginginig ang mga kamay at tiningnan niya pa rin ang lahat ng nasa loob ng envelope. Nang makita niya lahat ay binaba niya ito sa mesa at nanghihinang umupo sa upuan malapit sa kanya. Umaagos ang kanyang mga luha na pakiramdam niya ay wala ng mas sasakit pa sa kanyang mga Nakita.

Iba't ibang larawan ni Greg sa America, ang iba ay mukhang nasa club at nakikipag inuman, smoking at ang pinakamasakit ay ang may katabi itong iba't ibang babae, kayakap at ang iba ay kahalikan, di siya makapaniwalang magagawa ni Greg ang mga nasa larawan.

Sa itsura ay nag iba na din ang itsura ni Greg, he's now having a short hair at pati style ay nag iba na rin.
Mukhang iniba ni Greg ang lifestyle niya. A luxurious one at lalong nagmukha itong may awtoridad.

Umiyak siya ng umiyak, hindi niya napigilan ang sarili, She doesn't know kung deserve niya ba lahat ng nangyayari. Is it too much for her? .

Tumayo at lumapit sa bintana ng library ng dumating ang papa ni Greg.

" I guess you already saw it?" sabi nito at tumayo malapit sa kanya, nakatanaw din sa labas ng bintana.

Tumango tango siya at patuloy na lumuluha.

" I don't know how to tell you, mukhang masyado siyang nasaktan sa mga nangyari, I'm sorry iha, this is the first time na nagrebelde siya ng ganito, We tried to contact him but he didn't answer." paliwanag nito.

Kung susundan niya ba ito sa America ay magbabago ang lahat? Kung ano ano ang sumasagi sa isip niya, kung matutuwa ba si Greg na makita siya?, mayayakap niya ba ulit ito? at higit sa lahat makikinig ba ito sa kanya, kung ano ano na nasa isip niya.

Tumango lamang siya at nagpaalam sa papa ni Greg para magpahinga. Wala siyang masabi, maybe she really doesn't know Greg well. Nasa kwarto na siya at tiningnan niya ang kanyang dalawang sing sing na sout sa daliri, ang engagement ring niya at ang kanilang wedding ring. Saka nagpasya.

Tinanggal niya ang mga eto at nilagay sa kanyang coin purse. Nang gabing iyon ay nagmukmuk lamang siya sa kwarto at nanganagako sa sarili na ibabaon niya na sa limot ang lahat, ang pagmamahal nila ni Greg. Di siya makatulog pero di na rin siya makaiyak.

Greg's POV
Hindi niya alam kung babalikan ba si Lucia, hanggang ngayon ay may galit pa rin siya dito kaya mas ginusto niyang lumayo kesa may magawa pang masama. Pareho silang nasaktan pero mas masakit na minahal ka ng babaeng gusto mo dahil may kelangan ito sayo. At un ang hindi niya mapapatawad.

Nang gabing iyon ay hindi din siya nakatulog kaya lumabas siya, nasa party siya pero ang isip niya ay lutang. Yumakap sa kanya kanina si Joanne pero di siya pumalag dahil sanay na siya kung gaano kaliberal ang mga babae sa Amerika. Alam niyang pwede niyang makakusap agad si Lucia kung tatawag siya sa kanyang papa pero ayaw na niyang makiusap muna sa mga ito.

Pinilit niyang ibahin ang nasa isip, gusto niya kalimutang nag sakit na ginawa ni Lucia sa kanya, sa panggamit nito sa kanya at pagsabwat ng kanyang papa at lolo.

Pakiramdam niya ay binili nila si Lucia para sa kanya at puamayag naman si Lucia ng hindi ito pinagtatapat sa kanya. Kasama niya si Brad, pero di niyo alam na nagasawa na siya bukod sa Intimate ang kanilang kasal ay malayong kamag anak ito. Pero lahat ng kanyang mga kaibigan ay nagandahan kay Lucia ng makita nila ito sa kanyang cellphone. Sinabi niya na lamang na isang babaeng naging karelasyon niya. Lahat ng mga eto ay gustong makilala si Lucia pero sabi niyang hindi niya ito gaanong kilala, nadisappoint man ang mga eto ay hindi naman na nagtanong, tinuloy nila na kanilang party.

Nakilala niya si Prince at doon nagsimula ang kanyang pagbabago, sabay sila ni Prince na nagplano para sa kanilang pangarap. Taga pagmana si Prince ng isang kumpanya at dahil may alam din siya sa business an nakipagtulungan siya dito. Nakipagbusiness partner siya sa kumpanya ni Prince at nagtratrabho siya bilang assistant ni Prince. Mas lumago ang kumpanya ni Prince ganon din ang stocks niya sa kompanya.

Unbroken PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon