Part 1

10 0 0
                                    

"Good morning Ma'am Selene! pinapatanong po nung client natin na si Soon-to-be Mrs. Velasquez kung nasunod raw po ba 'yung mga design at arrangement na gusto n'ya."  Pambungad na bati ng kanyang sekretarya.

"Oo kamo. Lahat ng gusto nya ay makikita nya sa kanyang kasal." Nakangiting tinugon ng dalaga sa kanyang sekretarya. Habang abalang nilalapag ang mga sketch ng  wedding gowns na kanyang pinagpuyatan kagabi.

Siya si Selene Cresendo. Isang kilalang Wedding Planner. Hindi lamang kilala, ngunit ito ay in-demand pa. Halos lahat ng mga kilala nya sa larangan ay s'ya ang nirerekomenda dahil sa mga successful na kasal na kanyang inorganisa. Ang husay nito sa pag aayos at pag didisenyo ng mga wedding gowns ay talaga namang hinahangaan. Sa edad na 23 ay unti-unti na n'yang nakakamit ang kanyang mga pangarap.

Itinuon na ng dalaga ang kanyang mata sa papeles na nakalatag sa kanyang lamesa. Busy sya ngayong araw at ayaw magpadistorbo dahil sa mga ire-review n'yang mga design at output. Ganito lamang ang takbo ng kanyang buhay. Bahay-Opisina lamang ang kanyang pinaroroonan. May mga kaibigan naman sya ngunit kapag ito ay bibisita sa kanya'y hindi n'ya rin naman maharap ng husto dahil sa pagiginh workaholic n'ya.

Sa katunayan ngayong linggo'y may out of town ang mga kaibigan n'ya kasama dapat s'ya ngunit tinanggihan n'ya ito tila walang puwang sa kanya ang salitang 'Unwind' paminsan-minsan. Mas gugustuhin pa nitong maging abala sa pagde-design at pagdu-drawing ng mga wedding gowns kesa magsaya at mapapagod lamang s'ya.

Margo Calling...

Sinipat n'ya lamang ito ng tingin at itinuloy ang kanyang ginagawa. Sa kanyang isip ay panigurado na mangungulit lamang itong sumama s'ya gayong ayaw n'ya naman talaga.
Naka-10 missed calls ang kanyang kaibigan at may isang text message at binuksan n'ya ito..

"Girl, ano ayaw mo ba talagang sumama? Sayang naman at nakabili na akong ticket para sayo. :("

Napakamot na lamang s'ya ng ulo at sinimulang tawagan ang kanyang kaibigan na si Margo. Sayang nga naman kase talaga ang ticket na iyon, para kase sa kanya ang pera ay hindi dapat inaaksaya lalo't dugo't pawis ang ipinuhunan mo rito.

"Hello!! Sasama kana ba?"

Masayang tanong ng kanyang kaibigan. At sinagot nya lamang ito ng napakatipid na 'Oo' kasabay ay pagpatay nito sa cellphone.

Baka nga kailangan mo na talaga, Selene na mag-unwind. Deserve mo naman siguro. Tugon ng dalaga sa kanyang sarili.


--
Napakaigsi hahaha. Lame amp!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 05, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Tayo Pa Rin Pala Where stories live. Discover now