Chapter 3

197 11 2
                                    

After two weeks ng paggawa ni kuya ng eksena sa canteen, eto ako ngayon, iniiwasan ng mga tao.

"Uhm, may nakaupo ba dito?" Tanong ko sa dalawang lalakeng nakaupo. Nasa library kasi ako ngayon and medyo crowded siya.

"Pwede maki-share? Wala na kase talaga akong mahanap na table." Dagdag ko.

Nagtinginan silang dalawa.

"Hindi ba 'yan yung kapatid ni Gust?" Bulong nung isa sa kasama nya. Binulong nya pa talaga? Eh naririnig ko naman. Nag-nod lang yung isa.

"Ahh ehh hindi na kami gagamit sige na upo ka na alis na kami" sabi nila at dali daling umalis ng library. See? Ganyan ako iwasan ng mga tao ngayon sa school. As if may sakit akong nakakahawa.

"Ang haba nanaman ng nguso mo" nagulat ako at tumingala para tingnan kung sino yung nagsalita.

"Karl, ikaw pala. Tapos na klase mo?" Sabi ko kay Karl.

"Walang prof. Kanina pa ako nagtetext sa'yo ah. Nasaan si Mira bakit ikaw lang mag-isa dito?" Tanong nya.

"Absent siya eh masama daw pakiramdam. Nako baka tinamad lang 'yon." Sabi ko naman.

"Hey, okay ka lang?" Sabi ni Karl. Napansin nya sigurong malungkot ako.

"Actually, hindi. Hanggang ngayon kase iniiwasan pa rin ako ng mga tao dahil sa nangyari sa canteen" sabi ko naman.

"Ano ka ba. Ano naman kung iniiwasan ka nila? Nandito naman ako, at si Mira" sabi naman ni Karl. Mabuti na lang at may kaibigan ako na kagaya nya.

"Thanks, Karlito." Sabi ko sabay ngiti. Alam ko kase na ayaw nyang tinatawag sya sa full name nya.

"Aish! Karl na lang oy maka-Karlito ka naman" sabi naman nya habag naka-pout.

"Is this seat taken?" Nagtatawanan pa kami ni Karl ng biglang may magsalita. At pag-angat ng ulo ko...

"Calix." Yeah. Si Calix at may kasama syang isang lalake.

"Magtititigan ba tayo o sasagutin mo yung tanong ko?" Sabi naman nya.

"Uhm, sorry. Pero no, it's not. And we're going na din naman." Sabi ko sa kanya then nag-ayos na ako ng mga gamit.

"Bakit parang nagmamadali ka. Hindi ka ba comfortable sa presence ko? Or pinapa-iwas ka ng kuya mo sa'kin." Sabi nya while smirking.

"Una sa lahat, hindi ako pinapa-iwas ng kuya sa kahit sinong tao sa school na 'to. Pangalawa, ayoko ng gulo Calix" sabi ko sa kanya then tumayo na ako.

"Karl, tara na." Sabi ko kay Karl but for my surprise, hinawakan nya ako sa braso para pigilang umalis.

"What?" Sabi ko sa kanya at medyo naiirita na ako.

"If this seat is not taken, ikaw? Taken ka na ba?"

-----

"ADEN????" Bumalik ako sa katinuan ng may sumigaw ng pangalan ko.

"Ano ba 'yun? Bakit ka sumisigaw?" Sabi ko kay Mira. Nandito kami ngayon sa garden ng school nagre-review for seatwork.

"Kanina pa kita kinakausap. Pero wala ka sa sarili mo. Ano problema?" Sabi nya.

"Ha? Wala ah. May iniisip lang" sagot ko naman.

"Hoy 'wag mo sabihing dahil pa rin yan sa tanong ni Calix sa'yo? Ano ka ba naman. Tatlong araw na nakalipas hindi ka pa naka move on?" Sabi nya sa'kin.

"Hindi ko lang kase alam kung bakit nya natanong yun, like, saan galing yun? At saka bakit? Pake ba nya?" Sabi ko naman.

"Alam mo sayang nga eh. Wala ako doon. Nakakainis. Hindi ko nakita kung paano ka namula hahaha should I start to ship you na ba sa kanya? Hahaha" sabi nya with matching kinikilig gestures.

"Namutla rather. Seryoso ka ba dyan? Hindi ko sya feel. Ewan. Pero may something sa kanya na ayaw ko." Sabi ko naman. Totoo naman kase. Hindi ko sya feel.

"Siguro dahil leader sya ng gang kagaya ng kuya mo?" Sabi naman ni Mira.

"Teka, bakit ka nga ba kase absent 'non?" Tanong ko sa kanya.

"Ah kase ganito yun, nag-bar kami ng pinsan ko nung gabi bago yung araw na 'yon haha ayun. Nalasheng ang beauty ko. Kaya hangover kinabukasan" sagot naman nya.

"At eto pa. may nakilala akong guy napaka gwapo! Dito rin sya sa school natin nag-aaral. Tapos ayon kwentuhan kami ng malala" dagdag pa nya.

"Alam mo ang hilig mong uminom na merong lalake ano? Mamaya kung mapaano ka. So ano namang pinag-usapan nyo? And ano pangalan niya?" Tanong ko naman.

"He is Blast. Oh 'di ba name pa lang pasabog na haha lalo na kapag nakita mo ang gwapo talaga. Nako iba talaga beauty ng bestfriend mo!" Sabi naman nya habang gandang ganda siya sa sarili niya.

"So ano nga napag-usapan nyo?" Tanong ko ulit.

"Hmm. Napag-usapan. Siguro 1hr din kami nag-usap, eh. Kaso... ay hindi ko na matandaan sis. Hayaan na natin. Makikita ko rin naman siguro sya dito sa school at kapag nangyari yun alam mo na. Rawr" sabi naman nya. May pagkaloka loka talaga 'tong babaeng 'to. After several minutes bumalik na rin kami sa classroom. And pagdating namin sa classroom may group of students na nasa harap, bale anim sila.

"Hello guys! We are the Student Council for Freshmen level, I'm Athena nga pala the Pres. of the council. Siguro nagtataka kayo kung bakit kami nandito so we're here to recruit new members for Student Council. Since Sophomore na kami this year, need na namin ng papalit sa amin" sabi nung nagsasalita. Then yung mga kasama naman nya is namimigay ng pamphlets consisting information of Student Council.

"Aden, parang masaya mag Student Council. Alam  mo yun? Sikat ka school nyo" sabi ni Mira.

"Yun nga yung hindi masaya doon, eh. Yung sikat ka" sabi ko naman sa kanya.

"So guys if you're interested please do visit our office tomorrow at 3pm. Please be guided na open ang slots from Pres hanggang sa mga level representatives. Don't be shy guys to try we'll have briefing and orientations naman if ever na makuha nyo ang position. So see you tomro babies!" Sabi ni Ms. Athena.

"Adeeen! Apply ka na! I think fit ka kase VP ka ng Student Council nung High School tayo!" Sabi naman ni Mira.

"Ayoko nga. Dagdag trabaho lang yan. Ayoko na mag extra curricular nakakapagod. Mag focus na lang ako sa study" sabi ko naman.

"Ay tingnan mo oh nakasulat sa binigay nila yung benefits ng pagiging council body ka, Wala ng PE at NSTP no need to take na!" Sabi naman nya sa'kin. Medyo napaisip din ako. Ayos din yun ha wala ng PE at NSTP knowing na ang PE hanggang 3rd year and ang NSTP hanggang 2nd year. Bawas stress na rin yun.

"Automatic 1.0 na ang grade sa PE at NSTP. Nako mag aapply ako bukas" sabi naman niya.

"Sigurado ka ba? Hindi biro maging council body ha. Alam mo ba responsibilidad mo kapag nagkataon? Kargo mo lahat ng problema ng Freshmen students" sabi ko naman sa kanya.

"Ang OA mo naman Aden, as if president naman aapplyan ko ano ba. So ano tara mag apply tayo try natin! Please?" sabi naman nya.

"Not my fortè, Mira" sagot ko naman. At dumating na ang prof namin at nagsimula na siyang magturo.

The Best of Both WorldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon