PROLOGUE

0 0 0
                                    

Ang mapag isa ay sobrang hirap lalo na't wala kang maalala sa iyong nakaraan . Wlang maalala kahit ano maliban nalang sa aking pangngalan at edad.

Ngunit ganun talaga ang buhay ni kailan man ay hindi magiging perpekto. Hindi puro saya lang,dapat mo ring makaranas ng hirap para ikaw ay mas maging matatag pa.

Sa ngayon nandito ako sa canteen ng aming paaralan,di para kumain kundi para tumbay lang. Wala naman kasi akong pera pambili kaya ayon tambay nalang muna.

Nag iisip ako kung anong trabaho amg pwede kung pasukan yung di na kailangan nang mga bio bio-data na yan. Kasi hindi pa ako nakakaalala,hindi ko pa alam kung sino ba talaga ako,kung kailan yung birthday ko o kung sino man yung tunay kong mga magulang.

Kinupkop lang ako ni Lola meding,isang matandang ubod ng bait. Inalagaan nya ako na para bang tunay nya akong anak.Ngunit di nag laon ay pumanaw din si Lola meding na siguro ang naging sanhi ay ang kanyang sobrang katandaan na. Di ko alam kung meron ba siyang sakit dahil kahit minsan ay di naman kami pumunta ng ospital.

Kaya yun nga nangangailangan ako ng trabaho para may pantostos. Subalit anong trabaho naman kaya ang pwede kong pasukan?

Nang wala akong  maisip ay tumayo nalang ako para lumabas ng canteen at maglakad-lakad, di ko namalayang malayo layo na pala ang aking nalakad. Napunta ako sa likod ng building ng paaralan namin--and private itong paaralan na ito,well scholar kasi ako.

Nakayuko akong nalalakad nang biglang nabundol ako sa isang matigas na bagay. Tumingala ako para makita kung ano o sino ito.

Hindi na ako nagulat ng makita ko na naman itong lalaking ito kasama yung tatlong nyang barkada, dalawang lalaki at isang babae. Wala itong ibang ginagawa kundi sundan at inisin ako.

Tinitigan ako nung lalaking nakabangga ko tapos bigla nalang itong tumawa."well..well..well..HAHAHA What a coincidence" lumingon pa ito sa mga barkada nya pero binalik din kagad sakin ang kanyang tingin.

"Ano na namang kailangan mo?" Aniya na nakatitig lang sa kanya.

"HAHAHA wla naman akong kailangan sayo miss-" tumingin pa  sa ito sa I.D ko at binasa yung buong pangalan ko."khalifa Domingo. Gusto ko lang sabihin na ang ganda ng name mo. HAHAHA"tapos tumawa naman ito. Nabaliw na ata.

Tsk! "Ganun talaga Mr.Colminarez, di na yun nakakagulat dahil maganda din naman yung may ari ng pangalan" sabay irap sa kanya. Niligpasan ko nalang siya at ang mga kaibigan nya na panay lang tawa. Mga magkakaibigang baliw,tsk.

Ako nga po pala si Khalifa Domingo,19 years old and a senior high school student. Halina't simulan nating subaybayan ang aking kwento.

Opposite AttractsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon