☽ Kabanata XXXIV ☾

134 41 5
                                    

Ang Ikatlo At Huling Pagkikita


Namatay si Prinsesa Tora sa araw ng kaniyang kaarawan, at sa kamay ng kaniyang sariling Ama. Wala ng mas masalimuot pa sa pagkamatay ng inosenteng bata ngunit hindi pa ito nalalaman ng Reyna.

Sa gitna ng kagubatan, sa kubo kung saan itinago ni Konswelo si Reyna Tora ay ilang araw ito nakakulong doon. Matagal natulog ang Reyna at sa kaniyang pagmulat ay si Konswelo agad ang nakita.

"Nasaan ako?" ang tanong ni Reyna Tora.

"Nandito ka sa lugar kung saan dapat kang namalagi noong una pa lamang. Hindi ba at sinabi ko na sa iyo na huwag kang lalabas?! Anong ginawa mo Tora?! Sinayang mo ang lahat at napahamak ka!" ang sagot naman ni Konswelo.

Kahit nahihirapan ay bumangon ang Reyna at kaniyang naramdaman ang pagkirot ng puso. "Ano ang nangyari sa akin? Ano ba ang aking ginagawa dito?" muling tanong ng Reyna. "Dahil sa iyong pagsaway ay muntik mo nang hindi masaliyan muli ang bukang liwayway. Alalahanin mo ang mga pangyayari, kung hindi ay pagsisisihan mo ito habang buhay" dahil sa mga sinabi ni Konswelo ay pinilit alahanin ni Reyna Tora ang lahat.

Sa kanilang pagkikita ni Roman sa kagubatan kung saan nagdudwelo sila ni Haring Ramon. Nais lamang ng Reyna na lapitan si Roman ngunit iba ang kinalabasan. Itinutok sa kaniya ni Roman ang pana at palaso, at ng kaniyang binitawan ay sa Reyna'y tumama ito.

Nagdugo ang kaniyang puso kasabay ng kaniyang pag-ibig na tuluyan ng naglaho. Muling naalala ni Reyna Tora ang lahat at sa labis na sakit ay siya'y napahawak sa kaniyang dibdib. Tumulo ang mga luha dahil sa isang iglap ang lahat ay nawala. Pinakita sa kaniya ni Konswelo ang isang tela at pinabuksan ito sa kaniya.

Naglalaman ito ng mga botelya kung nasaan ang mga emosyon niya.

"Heto.. Ibinabalik ko na sa iyo ang mga emosyon mo. Kinuha ko muli ito sa araw ng iyong pagkamatay, ngunit muli kitang binuhay dahil hindi pa tapos ang iyong misyon sa akin." ang paliwanag pa ni Konswelo.

"Sana hindi mo na ako binuhay pa, sana hinayaan mo na lamang ako na mamatay!" ang sigaw ng Reyna. "Bakit naman? Sapat na sa akin yung napahirapan kita. Unang ganti ko lamang ito kay Salandanan at Grigoryo, nasaan na sila ngayon? Ayon, malamang nasa impiyerno! Kaya huwag na huwag mo na ako susubukan pa na suwayin muli dahil mas matindi pa diyan ang iyong haharapin." ang tugon ni Konswelo.

Ang mga botelya na kaniyang ihinarap sa Reyna at naglalaman ng iba't ibang mga kulay na sumisimbolo sa iba't ibang mga damdamin. Ngunit ang kulay bughaw lamang ang wala dahil binasag muli ito ni Konswelo upang makaramdam ng sakit ang Reyna. Pisikal at emosyonal na sakit.

Pinapili ni Konswelo kung alin sa mga botelya ang nais basagin ni Reyna Tora ngunit isa lamang ang kailangang piliin niya. Sa labis na sakit na nadarama ay ang pinili ng Reyna ay ang botelya na  naglalaman ng kulay dilaw na ilaw.

"Ito ang aking pipiliin dahil ang nais ko lamang ay ang maging masaya." ang tugon ng Reyna habang umiiyak ito. "Ngunit wala kang karapatan sumaya lalo na kung sasabihin ko sa iyo ngayon ang isang masamang balita." nagtanong si Reyna Tora kung ano ang ibig sabihin nito. Umupo si Konswelo sa tabi nito at hinawakan ang mga kamay ng Reyna.

"Kahit ikaw ay sumaway sa akin ay hindi nais na masaktan ka. Noong gabi na pinatay ka ni Roman ay tinakasan niya ang kaniyang kasalanan kasama si Lusyano. At ang araw kung saan inilibing ka nila Senada ay sumugod si Roman at kaniyang pinana si Haring Ramon. Katulad mo ay tinamaan siya sa puso, ngunit para sa kaniya ay wala nang sasakit pa sa iyong paglaho." ang paliwanag ni Konswelo.

Napatigil sa pag-iyak ang Reyna at binitawan ang kamay ni Konswelo. "Si Flora? Ano ang nangyari sa aking anak? Nasaan si Prinsesa Flora?" ang nag-aalalang tanong ni Reyna Tora. Tinitigan lamang siya ni Konswelo sa kaniyang mga mata at sinabi ang mga salitang

Gasuklay Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon