Maaga pa lang ay nagpasya na akong pumasok sa trabaho hindi upang magpaka buting empleyado kundi ipasa ang resignation letter ko. Last night, dahil sa nangyari nagpasya akong humanap nalang ng ibang trabaho para naman hindi na ako naiistress dahil kay Eduard. Pakiramdam ko kasi hindi nya ako patatahimikin,hindi naman sa feelingera ako pero pakiramdam ko ay may ibang agenda ang pagbalik nya dito. Siguro gusto nyang asarin ako at ipamuka sa akin na masaya na sya ngayon. Ako rin no! Wala akong jowa pero masaya ako at naka moved on na sa kanya. Kala nya naman!. Sa totoo lang nainis talaga ako kagabi kasi feeling close siya. Hindi nya manlang naisip na mag ex kami at parang hindi nya ako tinaguan para lang lubayan ko siya. I mean sabi ko nga naka moved on na ko pero diba syempre ang awkward naman kung babalik ka tapos makikipag usap ka sa taong nilalayuan mo dati diba? Kaya ayon sobrang nabwisit talaga ko kagabi at kahit boss ko siya ay nakapag salita ako ng ganoon. Mas mabuti nga talagang magresign na ako.
"Nandyan na ba si sir?" Tanong ko Kay Dianne na nag aayos ng mga papeles.
"Oh Brina.l, a--wala pa si sir eh" nag aalinlangan nyan sagot. Napabuntong hininga ako nang makita ang reaksyon nya . Awkward talaga para sa mga empleyado pagdating sa aking kilos. Parang ang laking issue ng itinanong ko sa kanya. Kailangan ko na talagang magresign!
"Pakibigay nalang ito sa kanya" sabay abot ko ng envelope na may lamang resignation letter. Nanlaki naman ang mata ni Dianne ng malaman kung ano ang iniabot ko sa kanya. Nginitian ko nalang siya at umalis na roon para makapagsimula na sa trabaho. Kailangan ko nang tapusin ang mga bagay bagay na kailangan kong tapusin para maayos ang pag alis ko sa kompanyang ito.
Mga alas dies ng umaga nang biglang bumukas ang office namin. Sabay sabay kaming napalingon sa taong pumasok.
"What is this Brina?!" Galit na tanong ni Eduard. Napakunot ang noo at tumingin sa resignation letter na ibinigay ko sa kanya.
"Resignation letter sir" casual na sabi ko habang nakataas ang kilay. Mukha ba yung report?
"I know! Why do you want to resign?" Naiinis na tanong nito. Mas lalong napataas ang kilay ko. Lahat ng mga ka officemates ko ay nakatingin na sa amin. At sa tingin ko yung mga taga ibang department din ay nakaka usyoso dahil sa lakas ng boses nya.
" Sir, kaharap nyo lang po ako, huwag po kayong sumigaw dahil naririnig ko po kayo. Magreresign po ako kasi gusto ko na pong umalis at maghanap ng ibang mapagttratrabahuhan. " Kalmado kong sagot. Parang mas lalo naman siyang nainis pero tumingin sa paligid namin at nagbago ang ekspresyon ng mukha.
"Give me a valid reason Brina. Baka nakakalimutan mo ikaw Ang head ng finance. Mahalaga ang posisyon mo para magresign nalang ng basta basta" naiinis na sabi nito pero hindi na nakasigaw. Nahiya yata sa mga nanunuod sa amin.
"I'm sorry sir but it's personal" final na sabi ko. Ayokong magexplain sa kanya no. Basta gusto ko nang magresign.
" I'm your boss, and I require you to tell me the reason of your resignation" naiinis pa ring sabi nito.
Napabuntong hininga nalang ako. " Sir, naisip ko kasi na mag abroad nalang para mas malaki ang kita." Sabi ko nalang though wala naman talaga akong balak mag abroad, nasabi ko lang para hindi na humaba. Nahihiya na rin ako sa mga nakikinig sa amin. Nanlaki naman ang mata niya nang marinig yung sinabi ko. Parang bigla siyang nagpanic. Problema ng mamang to??
" No! You can't resign, I won't allow you" matigas na sabi nito. Napakunot lalo ang noo ko.
"At bakit po sir??" Naiinis na tanong ko. Kung normal lang siguro kaming mag amo ay hindi ko siya makakausap sa ganitong tono pero kahit boss ko siya. Wala akong pake! At tsaka dapat nga matuwa pa siya e! Ayaw nya nun malalayo ako sa kanya.
" Hindi ka pwedeng magresign. Kailangan ka ng company, Lalo na ngayong maraming kailangan akong reviewhin tungkol sa financial ng kompanya."
"Then after I pass the reports" I said, giving solution to his problem
" Not until makahanap kami ng kapalit mo" pagkatapos ay tumalikod na ito at umalis. Nakakunot pa rin ang noo ko. Medyo nakakainis yung lalaking iyon. Nagkibit balikat nalang siya. Dapat makahanap na ng papalit sa kanya.
"Phew!!" Si Rose, nagpunas pa ito ng noo na parang pinagpawisan siya dahil sa nangyari.
"Wow grabe ma'am Brina intense!" Natatawang sabi nito. Alam naman ng mga officemates nya na naka moved on na siya kay Eduard, yung mga taga ibang department lang ang ayaw siyang tigilan.nagkibit balikat nalang siya ka Rose.
" naku ma'am baka balak kang balikan ni Sir kaya ayaw kang paalisin aruuuuu!" Tukso ni Anabelle. Naki ayon naman ang iba pa sa kanya at sabay sabay akong tinukso. Natawa nalang ako sa kanila
" Ano ba kayo! Parang hindi nyo nasaksihan yung ginawa niyang paglayo sa akin noon no. Tama naman siya, kailangan ng dahilan ng pag alis. Kailangan makahanap na ng papalit sa akin" natatawa kong sagot
" Pero ma'am totoo po ba? Bakit biglaan naman po" malungkot na tanong ni Anabelle. Nagkibit balikat ako
" ayoko lang ng gulo. Pakiramdam ko, sa pagdating nya magugulo lang buhay ko"
"Kala ko ba mam naka moved on ka na?" Natawa ulit ako sa tanong ni Rose.
" Oo naman no. Ang ibig kong sabihin, baka mag ka issue na naman. Alam mo naman yung mga ibang empleyado diba. " Sabi ko nalang
"Naku ma'am huwag mong pinapansin yung mga yun, inggit lang yun sayo noh kasi naging boyfriend mo si sir, sila hindi!"
" Kayo talaga, maganda nang umiwas sa gulo. Hayyss magtrabaho na nga tayo" final na sabi ko. Hindi naman na sila nagpilit pa at bumalik na sa kanya kanyang gawain.
Lunch time na nang sunduin ako ni Susi para kumain sa Cafeteria, nauna na sila Rose.
" Ghorl baka gusto mo namang kumain" sabi ni Susi nang pumasok siya sa office namin.
" Ou na wait lang sandali nalang. " Isinaved ko na yung ginagawa ko at mukang papatay na sa gutom si Susi.
Nang makapasok kami sa Cafeteria ay may narinig na kami agad ni Susi tungkol sa akin.
Uy alam nyo ba pinagreresign daw ni sir, naku sigurado dahil si sir Eduard na ang boss, mapapa alis na siya rito.
Napataas naman ako ng kilay. Nagkatinginan kami ni Susi, nakataas din pala yung kilay nya. Sasagap nalang ng balita mali pa! Hindi nalang namin pinansin ni Susi yung mga chismackers at naghanap na kami ng table para makakain na kami.
Nang pagtungtong ng alas singco ng hapon ay isa isa na silang nagpaalam. Nagpaiwan pa ako at di pa tapos ang ginagawa, Maya maya ay dumaan na rin si Susi para magpaalam na mauuna na siya dahil may kailangang daanan.
Saktong alas sais nang nagpasya akong umuwi. Nagulat naman ako nang pagtayo ko sa swivel chair ko ay may biglang yumakap sa akin.
"huwag ka nang magresign please" Bulong nya sa tainga ko.
Ano raw?
Note: unedited
BINABASA MO ANG
Now That You're Here Again
RomanceSi Brina ang klase ng Babae na naniniwala sa mga lucky charm, horosecopes at mga hula hula, Her long time boyfriend Eduard Pete Dela Vega broke up with her because of that, nagsawa na raw ito sa kanya at sa kawirduhan nya kaya naghanap ito ng iba...