CHAPTER 16: TOO MUCH

932 24 1
                                    

Estrella's POV
Nagmamadali akong magbihis pagkaligo ko. Yung suot kong pang opisina kahapon ay inulit ko dahil sigurado ako na makikita nila papá ang suot ko. Tiyak na magtataka 'yon kung saan ako galing at kung bakit iba na ang suot kong damit kaya naman pinili ko na lang na ulitin ang suot ko kahapon.

Natapat pa namang linggo ngayon kaya walang pasok at sigurado ako na nasa bahay si Esperanza at papá. Ngayon pa lang nararamdaman ko na pagtutulungan nila ako mamaya pag-uwi ko.

Nagmamadali kong isinuot ang heels ko ng may tumawag sa akin. Low battery na nga ang cellphone ko dahil sa mga missed calls ni papá at Esperanza. Halatang kagabi pa nila ako hinahanap.

Paano ba naman ako makakauwi kagabi kung nakaposas ako. Saka ilang beses din may nangyari sa amin ni Zack kaya pagod na pagod ako kagabi saka nahihirapan akong maglakad kanina. Buti nga ngayon ay medyo ayos-ayos na akong maglakad. Lalong maghihinala ang mga tao sa bahay namin kung uuwi akong paika-ika.

Nang makita ko na si Lance ang tumatawag ay sinagot ko ito. "H-Hello Lance..."

"Where the hell are you Estrella?! Saan ka ba nagpunta? Hindi ko alam na wala ka pala sa inyo. Your father is a very wise man. Hinuli niya ako kung kasama kita." Nanlaki ang mata ko.

"A-Anong sinabi niya sayo?" Kinakabahan kong tanong.

"Nung una nangamusta siya pero may hinala na ako na may iba pa siyang dahilan kaya siya tumawag sa akin. Tapos bigla na lang niya sinabi na gusto niyang marinig ang boses mo mula sa tawag na ikinagulo ng isip ko. Kakausapin ka raw niya kaya ibigay ko ang tawag sayo. Doon ko napagtanto na wala ka sa inyo at para pagtakpan ka ay kung ano-ano ng katwiran ang inisip ko at sinabi ko na lang tulog ka na kahit na hindi naman talaga kita kasama kagabi. Tapos non binaba na niya ang tawag kaya akala ko ay ayos na." Huminga ito ng malalim.

"Tsk. Tinawagan niya pala si mommy pagkatapos at sinabi ni mommy na wala ka rito. Hindi naman kita matawagan kagabi siguro ay dahil tinatawagan ka rin nila kaya hindi makasingit ang calls ko." Nanghihinang sabi nito.

"Don't worry Lance. Haharapin ko si papá ng mag-isa. Ayoko ng madamay ka pa sa kalokohan ko. Hayaan mo ng magalit si papá sa akin at huwag na sayo. Kailangan good image ka sa kanya para hindi ka mahirapan kay Esperanza." Paliwanag ko.

"Mukhang magkakagulo mamaya sa bahay niyo pag-uwi mo pero love life ko pa rin ang iniisip mo. Nasaan ka ba kasi?!" Inis na sabi nito.

Mabilis akong lumabas sa kwarto at mabilis na bumaba sa hagdan kahit na may kataasan ang takong ko. "DON'T HURRY ESTRELLA! YOU MIGHT FALL!" Sigaw ni Zack sa kung saan na narinig ni Lance sa kabilang linya.

"Hindi mo na kailangan sagutin. Mukhang alam ko na kung nasaan ka. Hindi na ako magtatanong kung anong nangyari. Basta kung may kailangan ka nandito lang ako."

"Thank you best friend."

"Take care Estrella. Umuwi ka na ngayon."

"Opo." Ibinaba ko na ang tawag at saka nagmamadali akong pumunta sa harap ni Zack.

"Sa ProBuild mo na lang ako ibaba. Naiwan ko yung kotse ko roon sa parking area." Sabi ko sa kanya.

Nakakunot nuo lang siya at nakahalukipkip bago ako tinalikuran. "Kumain muna tayo bago ka umuwi."

"I need to go home now Zack. Please!" Pagmamakaawa ko.

"Nope. Kumain ka muna. Hindi kita pauuwiin hanggat hindi ka kumakain." Wala na akong nagawa kung hindi sumunod sa kanya sa kainan.

Lalo lang magtatagal kung magtatalo pa kami saka isa pa ay sigurado ako na hindi rin naman ako makakakain sa bahay pag-uwi dahil galit ang aabutan ko pag-uwi. Nagutom din ako sa nangyari kagabi kaya kailangan na kailangan ko talaga ng agahan ngayon. Mabilis ang bawat subo ko dahil nagmamadali ako. Kailangan ko ng makauwi.

Only To You (R-18 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon