Chapter One
Bahay Ampunan
Hinihingal na ako sa kakatakbo dahil may parang humahabol sa akin ngunit wala akong makita.
Huminto muna ako para naman makabawi sa panghinga ngunit pagharap ko ay may nakita akong halimaw.
Hindi.Bampira ito dahil mapupula ang kanyang mga mata at may dalawang matutulis na pangil.
Nakatingin ito sa aking leeg na tila uhaw na uhaw na makatikim ng dugo ng tao.
At dahil sa aking takot ay hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan.
Ang bango ng iyong dugo sabi sa akin ng bampira at sa isang iglap lang ay hawak niya na ang aking leeg at akmang susunggaban na ako kaya sumigaw ako.Tulong!! tulong!!...ngunit walang man lang nakarinig.
Hoy!!!gising
Zein gising na binabangungot ka namanMay naramdaman akong yumayugyog sa aking balikat at tumatapik sa malulusog kong pisngi kaya napadilat ang aking magagandang mata.
Hoy ano naman ba ang masamang napanaginipan mo? tanong ng kaibigan kong si Jaina
Tungkol naman sa bampira.Ewan ko ba kung bakit palagi ko na lang napapaginipan yun.Simula nung nag 18 ako yun na palagi ang panaginip ko. sagot ko sa tanong ni Jaina
Ikaw Jai naniniwala ka ba sa mga bampira? tanong ko sa kanya
Hindi kasi sa mga movies lang naman natin sila nakikita mga kathang isip lang naman sila. sagot naman niya
Bakit mo naman na tanong Zein? tanong naman niya
Kasi parang totoo yung panaginip ko.Ang weird. sagot ko naman sa kanya
Baka dala lang yan ng mga pinapanoud mo mahilig ka pa naman sa mga horror. sabi naman ni Jai
Siguro nga sabi ko na lang
Pagkatapos ng pag uusap namin ni Jai
nauna na siyang lumabas sa kwarto.
Bumangon na ako at niligpit ang mga kumot na ginamit ko dahil tutulong pa ako kay Sister Rose at kay Jai sa pag aasikaso sa mga bata.Dito na kasi ako sa bahay ampunan lumaki.Sabi sa akin ni Sister Rose ay sanggol pa lang daw ako ng iwan ako sa may pintuan.Si Jaina naman ay iniwan din ng kanyang mga magulang tulad ko.Siya ang naging bestfriend ko dito magkasing edad lang kami ni Jaina siya rin ang sinasabihan ko ng mga weird kong panaginip.
Si Sister Rose naman ay mabait para ko narin siyang ina.Mabait siya sa lahat ng bata sa bahay ampunan.Tinutulungan namin ni Jaina si Sister Rose na magturo sa mga bata.At kaya nagtagal ako rito ay dahil ayokong magpa ampon.Masaya na ako dito kasama si Jai at Sister Rose sila na kasi ang naging pamilya ko.**********
DHrinrin
BINABASA MO ANG
A Vampire's Slave
VampirosSa pag alis niya sa bahay ampunan na kaniyang kinalakihan upang hanapin ang kanyang mga magulang ay mapupunta siya sa isang matagong bayan kung saan magkahalong tao't bampira ang nakatira. Ano kaya ang mangyayari sa kanya? Mahahanap niya ba ang kan...