Aleighia Haizely Vernnan
Congratulation Aleighia! Grabe summa cum laude ka. Sabi na ikaw talaga ang makakakuha non" Sabay yakap sakin ng bestfriend ko na si Jazmine.
Sa wakas kasi ang makakagraduate na kami. Tapos na ang hirap ng pagiging College namin at panibagong pagsubok na naman dahil pagkatapos nito trabaho naman.
Nandito kami ni Jazmine sa cafeteria ng school namin. Kumakain dahil oras na ng lunch ngayon.
Si Jazmine ang bestfriend ko. Almost 4 years na rin dahil nitong college ko lang sya nakilala. Mabait naman sya at masiyahin. Pala party din tong si Jaz. Madalas sya pa ang nagyayayang mag bar. Tinuturuan nya pa akong mag lasing hahaha. Masaya syang kasama kaya nagkasundo agad kami.
"Congrats din satin Jaz! Grabe Im so happy about this. We're finally graduating. Thanks god! Sobrang satisfying sa feeling. For sure matutuwa sila Mommy at Daddy sa balita ko na to." Tumatawang sagot ko habang nakatitig pa rin sa text ng adviser namin na nagsasabi na ako nga ang summa cum laude.
"Aleighia night out naman tayo mamaya celebration narin natin, Im sure tito will agree about this! Tsaka kasama mo naman ako."
"Im gonna try, Mommy would surely throw a grand dinner if she found out that her only daughter is summa cum laude. Alam mo naman yun"
Gusto ko na nga sabihin sa kanila thru call pero gusto ko sa personal ko sabihin. Excited na kasi ako na malaman nila.
Naglalakad na kami ngayon pabalik sa klase tapos na kaming mag lunch netong si Jazmine. Patapos na rin yung lunch time kaya habang mas maaga pa bumalik na kami.
Pagkabalik namin sa room namin biglang nag ring yung cellphone ko tumatawag yung boyfriend ko na si Alex.
Matagal ko na din syang boyfriend. Mag 4 years na rin kami. Friend kasi sya si Jazmine. Sya ang nagpakilala sa amin. Sweet sya at caring. Sya ang first ever boyfriend ko.
"Babe! I have a good news for you. Im the summa cum laude!" masayang sabi ko sakanya.
"Awww sabi ko sayo babe, kaya mo yan ikaw pa ba ikaw yata ang the best sa lahat. Im so happy for you. You deserves it babe I love you"
"I love you too babe. Btw kamusta ka? Kumain ka na ba? Huwag kang magpapalipas ng gutom. Alam mo yan magagalit ako" paninigurado kong tanong sakanya. Magkaiba kasi kami ng university na pinapasukan kaya ganito kami. Minsan lang kami nagsasabay mag lunch. Ngayon ay masyado ng busy kaya hindi na besides graduating na kaming dalawa.
"Yes po babe kumain na ako. Alam ko naman yun tsaka naaalala ko yung naka simangot mong mukha kaya di ko na nakakalimutan kumain"
" Yan very good naman pala yung babe ko eh. Im gonna end this call now our teacher is here na" Pinatay ko na ang tawag at nakinig na lang. 3 hours pa naman tong subject na to. Pero magaling naman magturo si Miss at hindi boring kaya sulit yung oras. Isa din sya sa mga favorite teacher ko. Marami rin akong natututunan sakanya.
Habang nasa kalagitnaan ng klase biglang nag ring yung cellphone ko. Napatingin silang lahat sakin.
"Miss can I get this call? It's from my Mom maybe it's important." Pagpapaalam ko kay Miss na naka tingin na rin sakin.
"Okay lang Ms. Mariano. Baka excited lang ang Mommy mo dahil sa nalamang ikaw ang summa cum laude." Habang tumatawa pa. Naririnig ko pa si Miss na nagkukwento about sakin na kung may anak daw sya ganon din daw siguro ang gagawin nya.
Wala kasing anak si Miss. May asawa sya pero di sila nabiyayaan ng anak kaya ganon na lang din sya kalapit saamin. Tinuturing nya kaming sarili nyang anak.
Lumabas na ako para sagutin yung tawag. Nakakapag taka dahil hindi naman ako tinatawagan ni Mommy ng ganitong oras dahil alam nyang may class ako.
"Hello Mom?"
"Hello this is your Tita Karissa. Ginamit ko ang cellphone ng Mommy mo dahil kailangan mo tong malaman. Haize ang daddy mo" Umiiyak na sabi ng tita Karissa ko.
"Tita what happened to dad? Is he alright? What happened? Naiiyak na rin na tanong ko.
"Haize y- your Dad i- is dead" Iyak ni Tita.
Hindi ako makapaniwala. Para akong napagbagsakan nang langit. Napaupo ako sa sahig dahil nasa labas ako ng room namin dahil naghihina ang tuhod ko. Hindi ko na rin mapigilang umiyak.
"Tita m- ma- maayos pa naman si daddy kanina. W- what happened? He's not dead right? Your joking tita right? Take it back! He's not dead!"
"K- kanina tumawag ang Mommy mo samin. Humahagulgol at sinugod ang Daddy mo sa hospital. Kami ang una nyang tinawagan dahil alam nyang nasa class ka pa at hindi sya nakapag isip pa" Pagpapaliwanag ni tita Karissa habang umiiyak pa rin.
I don't know what to think humahagulgol na din ako dito sa corridor. Ayokong maniwala. Hindi ko alam bakit nangyari yun. Gusto kong isipin na biro lamang iyon pero bakit naman magbibiro ng ganoon si tita and she knows it's not a good joke.
"Pumunta ka na dito. Kailangan ka ng Mommy mo pinasundo na kita kay Tito CJ mo"
Hindi ako makatayo pero agad na rin akong pumunta sa room. Nagulat sila dahil luhaan ako.
"Miss can i go? It's emergency" Nagmamadaling sabi ko kasabay ng pagkuha ng mga gamit ko at ipinasok sa bag.
"What happened Ms. Mariano? Why are you crying?"
"Miss I can't explain right now im sorry, im in a hurry this is so important"
Tinatawag pa ako ni Jazmine pero tumakbo na ako ng mabilis habang umiiyak pa rin. I have a lot in my my right now.
I thought sila ang magugulat sa balita ko pero baliktad ako ang nasurpresa, masamang balita pa.
BINABASA MO ANG
Salty Tears
Genç KurguI've never felt this pain before. Fighting the battle against the world and specially yourself. Im just feeling empty. ... Spread the love. Pray and keep those faith up. I can do all things through god who strengthens me. - Philippians 4:13