Out
"Sigurado ka talaga ron, Ellie?" natatawang tanong ni Macy.
"Oo nga,"
Celebration ngayon ng 101st Loyalty Day sa PCAST. Kahapon bago umuwi ay pinatawag ako sa office ni Mr. Manzano na head ng logistics para sa event. Marami raw kasing namangha sa public speaking skills ko nung orientation kaya't inimbitahan akong mag-host sa program para mamaya.
"Seryoso ka ba?"
Hindi na maipinta ang mukha niya.
Napairap na ko. "Parantanga naman eh. Ulit-ulit."
"Pero baket kasi? I mean- baket? Baket, Ellie, baket?"
Hinarap ko ang nakalukot na mukha niya.
"Anong baket?" kunot-noong tanong ko. "Anong masama? Tsaka di ba nga sabi ko nalaman na rin naman kasi ng bestfriend niya? Sooner or later siguradong malalaman niya na rin. Mas mabuti nang sakin mismo manggaling kesa sa iba pa,"
Naka-awang ang labi na napamaang siya sakin.
"Unbelievable.." she shook her head. "Iba ka girl,"
Lumukot ang mukha ko. "Bakit ba? Di ba nga sayo na rin naman nanggaling na sulitin na natin habang may pagkakataon?"
"Oo nga-" natatawang simula niya. "Pero hindi ko naman inakalang ibang klase ka girl, na as in-"
Ni hindi niya na kayang ituloy ang sasabihin. My brows furrowed in confusion.
"Wala namang mali sa gagawin ko ah?" litong tanong ko.
"Okay, okay.." she said in defeat. "Hindi naman kita pipigilan. Well, good luck na lang, I guess?" natatawa nang sabi niya.
Half day lang ang pasok ngayon dahil sa event. Wala na kaming klase sa hapon. Lunch break na kaya't nakatambay na lang ang lahat at naghihintay na sumapit ang tamang oras para pumunta sa amphitheater.
"Oh siya, nag-aaya na yung mga kaklase ko." aniya nang tumunog ang cellphone.
Bumaling siya sakin nang may ngisi. "Best of luck!"
Napailing na lang ako sa nakakalokong ngiti niya bago kami naghiwalay para bumalik na sa kanya-kanyang silid.
Maingay at magulo ang classroom pagpasok ko. Mukhang naghahanda na rin ang lahat para bumaba.
"Tara na?" aya ni Yael.
Tumango ako at kinuha na rin ang mahahalagang gamit lang.
Kumpleto ang buong X1 na nagsilabasan. Walang nangahas na umuwi na at i-ditch ang event dahil may attendance doon. Mamarkahan daw na absent sa mga afternoon classes ang hindi pupunta.
Hindi pa puno ang amphitheater pagdating namin ngunit marami-rami na rin ang naroon.
"San ka?" tanong ni Yael.
"Dun na ko sa may stage pinapadiretso eh. Sige," paalam ko.
Kumaway na rin siya kaya't nagtungo na ko sa unahan. Pagdating ko sa backstage ay sumalubong sakin ang ilang staff.
Nilapitan pa ko ni Mr. Manzano para bigyan ng cue cards. Hindi na sana kailangan noon dahil nakabisado ko naman na kagabi ang binigay na script pero ayos na rin siguro kung may hawak akong ganito para sigurado.
BINABASA MO ANG
Every Flight Counts
RomanceSIS (Social Issue Series) #3: Gender Inequality Men and women in the 21st Century still aren't able to totally get free from the socially defined roles. They are expected to act in certain ways just because they are male and female. Lalake ka raw ka...