Chapter 1

35 8 3
                                    

" T-trix…" bakas ang panghihina sa boses ng isang lalaki na hindi ko makilala dahil malabo ang kaniyang mukha. Tinatawag niya ang pangalan ko.

"Bakit mo ako iiwan?" I stare on his eyes while crying.

"I'm not ready for this Chris, p-please I'm begging you" Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya.

"Leave me alone, Trix" kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya at tinignan siya.

Tumalikod siya at nagsimulang humakbang. Unti-unting siyang naglaho sa dilim at nag-iba ang paligid. Napunta ako sa isang bahay na napakalaki.

Panaginip lang ito...

May nakita akong maliit na kahon. Kinuha ko ito at binuksan. May laman itong sulat. Bubuksan ko na sana ang sulat ngunit biglang may humampas sa ulo ko ng matigas na bagay, dahilan ng pagkatumba ko.

"I told you to leave me but you're here again!" Sinampal niya ako ng malakas at---

"Trixie Rei Salazar!"

Nagising ako mula sa pagkakatulog. Tumunghay ako at pinunasan ang pawis sa aking noo. Hays nakatulog nanaman ako sa room.

"Why are you sleeping in my class?!" Sigaw ng aking guro na si Ms. Trinidad. Tumingin ako sa paligid at nagsimulang magbulungan ang mga kakalse ko, yung iba naman ay nagtatawanan.

"I'm sorry, Ma'am. May problema po kasi sa bahay kagabi kaya kulang ako sa tulo--"

"That's your everyday excuse"

"If you will do this again, Ipapaguidance na kita. Are we clear Ms. Salazar?" napayuko ako dahil sa kahihiyan.

"Y-yes Ma'am" Pagkatapos kong sabihin 'yon ay bumalik ako ng upo sa aking upuan. Bumalik din si Ms. Trinidad sa pag-di-discuss ng lesson.

Kahit kailan talaga ay strikta itong teacher na 'to. Palibhasa'y wala pang asawa at anak. Hmp!

Kinalabit ako ng aking seatmate slash classmate slash kaibigan na si Kaira. Kainis din itong bruhang 'to eh. Hindi manlang ako ginising. Pangatlong beses na akong nakatulog sa klase ni Ms. Trinidad at hindi lang sa klase niya kundi sa klase din ng iba naming guro.

"Hmm?" Tanging 'hmm' lang ang naisagot ko baka kasi pag initan ako ni Ma'am kapag nahuli pa niya akong maingay.

"Anong problema niyo sa bahay niyo?" Pabulong na tanong ni Kaira.

Napaisip ako kung sasabihin ko ba sa kaniya ang personal problem ko. Si Kaira Reyes ang kaisa-isang kaibigan ko dito sa section namin. Close na close kami niyan at ang mga personal problem niya ay sinasabi niya sa akin so sasabihin ko na rin sa kaniya.

"Mamaya ko na sasabihin" kinuha ko mula sa aking bag ang ballpen na binili ko kanina sa tapat ng school. Binuklat ko ang likodg aking notebook at sinulat ang pangalan na 'Chris' .

"Get one whole sheet of pad paper. Write you name, section and the date today. We will be having a quiz. Sa mga hindi nakinig walang maisasagot sa mga tanong" sabi ni Ms. Trinidad.

'Waaaah quiz nanaman?!'

'Huy, pahingi ng papel!'

'Tupang ina hindi ako nakinig,
pakopya ah'

FORELSKET(On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon