Chapter 19 - [Flashback]

589 20 7
                                    

Sampung minuto bago mag alas-singko ng umaga ay gising na si Ella. Siguro nga ay dala ng excitement kaya mas nauna pa siya nagising sa kaniyang alarm clock. At dahil sa parehong oras lang naman din siya gigising ay hindi na siya nagtangkang umidlip pa, sa halip ay dumiretso na siya sa banyo para maligo. Gigisingin na lang niya si Marie kapag tapos na siya maligo para ito naman ang susunod.

Gaya ng sabi ng kanilang Ninang ay dapat bago mag alas-sais ng umaga ay nakaligo na sila at nakaayos dahil ganoong oras ay ang agahan nilang mga kasambahay tuwing araw ng sabado at linggo. Dahil pagsapit ng alas-siyete o alas-otso ay ang agahan naman ng Pamilya Hendelson.

Hindi pa malinaw sa kanila kung ano ang kabuuang set-up sa bahay. Dahil nahihiya rin naman sila magtanong ni Marie ay naisip nilang magkaibigan na kusang magmasid na lang sa mga nangyayari at ishare sa isa't isa kung ano ang mga malalaman nila para mas madali nila magamay kung paano mag-aadjust. Basta sa ngayon, ang alam nila ay tuwing Sabado at Linggo ay ang araw ng uwi ng mga ito sa Hacienda para magpahinga at magkaroon ng family bonding.

At dahil ito ang unang araw na makikita nila ni Marie ang buong pamilya ay sinigurado ni Ella na kailangan maganda at presentable siya. First impression lasts daw, so dapat sobrang ganda ko para isipin ng mga bata na nakakita sila ng dyosa na bumaba sa ulap.

Pagkatapos maligo ay ginising na niya si Marie at bumangon na rin ito at naligo. May kalahating oras pa para mag-ayos kaya nagbihis na siya at nag-blower ng buhok para mas mabilis matuyo iyon. Nagdalawang isip pa nga siya kung itatali o ilulugay ang buhok pero naisip niyang sundin ang huli. Naglagay lang din siya ng kaunting liptintnat cheektint para naman hindi siya mukhang kagigising lang. "Dapat natural na ganda lang para masarap sa mata." Aniya sa sarili sabay kindat.

Nang makapag-ayos ng sarili ay nagpaalam na siya kay Marie na mauunang pumunta sa kusina para tumulong doon. Pagdating sa kusin ay naabutan na niya sa kusina sina Ate Becka at Manang Elsa na nagluluto.

"Good Morning po." Masigla niyang bati sa mga ito.

"Good morning, Sexy." Masayang bati ni Ate Becka na busy sa iniluluto nito. Mula pa kahapon ay binigyan na sila ng nickname nito. Si Marie ay si ganda, at siya naman si Sexy.

"Good morning din sayo, nak." Bati naman ng kanilang Ninang na busy sa paghihiwa ng iba pang iluluto. "Nasaan na si Marie?" Tanong nito ng mapansin na hindi niya kasunod anh kaibigan.

"Nag-aayos na po. Susunod na dito." Imporma ni Ella. "Ang aga niyo naman po ata nagising, Nang? Hindi ko na kayo naabutan sa kama paggising ko. Hindi ko nga din po ata narinig yung alarm niyo?" Tanong niya rito ng maupo sa isa sa mga bakanteng silya sa kitchen table.

"Aba'y wag ka na magtaka, ganyan talaga yan si Ate Elsa, kala mo multong ligaw yan! Minsan nga alas-tres y media gising na yan at kumikilos na dito sa kusina." Natatawang asar ni Ate Becka kay Nang Elsa tungkol sa habit nito.

"Kusa na gumigising ang katawan ko ng alas kwatro y media kahit walang alarm." Tugon nito na napapangiti pa, "Pagtanda mo rito, tignan mo masasanay ka na din." Anito ng bumaling sa kaniya.

Habang pinagmamasdan ni Ella ang kaniyang Ninang ay di niya iwasan ang mamangha sa dedikasyon nito sa trabaho. Talagang minahal na nito ang trabaho nito kaya't hindi na mukhang trabaho para dito ang ginagawa kundi isang normal na pamumuhay. Ayon sa kwento ng Nanay niya ay swerteng napasok raw si Nang Elsa sa pamilya Hendelson ng minsan nitong tulungan si Donya Cassarina mula sa isang aksidente at tinanaw na utang na loob iyon ng Donya kaya tinulungan nito ang kanilang Ninang sa pagkakaroon ng trabaho.

"Baka po may maitutulong ako, ano pa po bang kailangan gawin?" Pagkukusang alok ni Ella ng tulong para naman di siya mukhang tamad na naghihintay lang ng kanilang agahan.

One That Got Away (Playboy Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon