Kabanata 6

10 0 0
                                    

Eli's POV

Hapon na ng maisipan naming umuwi. Kahahatid lang sakin ni Oliver dito sa bahay ni Ninang. Nandito ako ngayon sa kwarto ko, iniisip parin yung nangyari kanina.

First kiss ko yon' naglalaro sa isip ko.

Halos ng mangyari nga y ung aksidenteng kiss namin hindi ko na siya kinibo. Pakiramdam ko pareho kaming na-awkward-an sa sitwasyon kaya minabuti ko ng mag-pahatid na lang dito. Hindi rin naman na ako makakapag-concentrate sa trabaho ko kung sa ZB Hotel pa ako mag-papahatid.

"Naman kasi Eli eh!!!" Kausap ko sa sarili ko sabay higa at takip ng unan sa mukha ko.

Gabi na ng magising ako. 9 pm na pagtingin ko sa oras.

"Naku Di pa pala ako nakasaing" bulong ko sa sarili saka nag-mamadaling lumabas ng kwarto.

I'm sure nandito na si Ninang kanina pa dahil mga 8:30 pm ang uwi namin pag-gabi eh.

Di ko pa pala alam ang sasabihin ko sa kanya kung bakit ako bigla nawala sa ZB Hotel.

Kukuha pa lang ako ng kaldero ng nag-salita si Ninang.

"Nakasaing na ako" sabi niya. Humarap naman ako sa kanya.

"Ako na lang po mag-luluto ng ulam" sabi ko.

"Nakaluto na rin ako" sabi niya. "Hinihintay lang talaga kitang magising para sabay na tayo kumain" sabi niya at umupo na. Bigla naman akong nahiya.

Dapat hindi ako nahiga kanina eh, hindi sana ako nakatulog.

"Pasensya na po" sabi ko na lang at dumiretso na rin sa upuan. Nag-dasal muna kami saglit bago kumain.

"Bakit ka nga pala biglang nawala kanina??" Tanong ni Ninang habang kumakain kami. Napahinto naman ako saglit sa pag-kain at tumingin sa kanya.

"Sabi ng staff sa baba may bumisita daw sayo" napatingin siya sakin ng sinasabi niya yon. "Lalaki daw??" hinto niya. Di naman ako nakasagot. "Sabi pa niya kaibigan mo raw at paalam nito kakausapin ka lang daw niya pero di ka na bumalik" dugtong pa niya.

"E kasi po" ano ba?? Sasabihin ko ba??

"Sorry po Ninang" simula ko. "Sa totoo po kaibigan ko po talaga yon, bago kong kaibigan nakilala ko din po siya sa Hotel" sabi ko. "May pinuntahan lang po kami saglit kanina, pero huwag po kayong mag-alala at mabait naman po yung kaibigan ko"

"Mag-iingat ka Eli, dito sa maynila maraming masasama, ayaw ko lang na may mangyari masama sayo, kargado kita" Paalala ni Ninang.

"Opo alam ko naman po yon, huwag po kayong mag-alala ipapakilala ko rin po sa inyo si Oliver" sabi ko. Tumango naman si Ninang.

Pag-katapos naming kumain ay nag-urong na ako. Pag-katapos ay pumunta na ako sa kwarto at nag-shower saglit.

"Eli anak" tawag ni Ninang. Pumasok siya sa kwarto ko. "Yung bag mo nga pala" sabi niya at abot sakin nito. "Buti bago ako umalis nakita ko yan, naiwan mo kanina" dugtong niya.

"Thank you po Ninang" sabi ko. Umalis naman na siya.

Kasalukuyan akong nag-papatuyo ng buhok ng biglang nag-ring ang phone ko. Kinuha ko yon sa bag.

Unknown number...

Ang nakalagay.

"Wrong number" isip ko at saka pinatay yon. Hindi naman pwedeng si Nanay yon dahil hindi yon nag-papalit ng number. Si Ninang kasama ko naman siya. Si Angie at Angeline mga walang cellphone yung mga yon.

Nag-patuloy ako sa pag-papatuyo ng buhok ko ng mag-ring ulit ito.

From: Unknown number....parin, pinatay ko ulit to pero tawag parin ng tawag.

"Sino ba to" bulong ko. Sa pag-kakatanda ko wala namang ganitong number sa cellphone ko. Nang tumawag ulit siya kung sino man siya ay sinagot ko na din.

Makulit eh'

"Hello sino to???" Sabi ko.

"Si Oliver" sabi ng kabilang linya. Nagulat naman ako.

"Teka panong-"

"Nakita ko lang sa I.D mo" sagot niya.

"Pwede ba tayong mag-usap??" Bigla niyang tanong. Napatahimik naman ako. Bigla ko tuloy naalala yung kanina.

"Nandito ako sa labas ng bahay niyo" sabi pa niya. Bigla naman akong napatayo at sinilip siya sa bintana sa sala.

Nakatayo siya habang nakasandal sa kotse niya.

"Nakita mo na ba ako"??? Tanong niya pero di parin ako sumasagot. "Pwede ba kitang makausap??" Ilang saglit lang ay lumabas na rin ako ng bahay. Nagulat pa nga siya ng makita niya ako, akala niya siguro di ako lalabas.

Pumunta ako sa tabi niya pero di ko parin siya kinikibo.

"Sorry" basag niya sa katahimikan. Nakayuko lang ako.

"Hindi ko sinasadya yung kanina" dugtong niya. "Sana Di ka magalit sakin" sabi niya.

"Hindi naman ako galit dahil sa nangyari kanina" sabi ko at napatingin sa kanya.

"First kiss eh, kaya ganito ang reaksyon ko, pasensya na ha"

"I know" sabi niya. "Naiintindihan ko"  sabi ulit niya. Dumaan na naman ang katahimikan sa pagitan namin, gusto ko na sanang basagin eh kaso Di ko alam ang sasabihin ko.

"Bukas" nagulat kami ng bigla kaming sabay na nag-salita. "Pwede ka ba??" Sabay ulit namin. Natahimik na naman tuloy kami. Gusto ko lang naman siya ayain sana na ma-meet si Ninang para makilala na rin siya at Di na mag-alala sa akin.

Sabado naman bukas.

"Sige ikaw na muna" sabi ko.

"No Ikaw na muna" sabi din niya. Nag-kahiyaan pa.

"Gusto ko sanang ayain ka bukas dito para ipakilala ka ng personal kay Ninang" sabi ko at natigilan naman siya. "Ayoko lang na mag-alala siya sa akin katulad kanina" sabi ko. "Pwede ka ba??" Tanong ko.

"Sure wala naman akong lakad bukas eh" sabi niya. Napatango naman ako.

"So ano bukas na lang??"

"Sige" sabi niya bago pumasok sa kotse. Papasok na sana ako ng bigla ulit siyang nag-salita.

"Goodnight" sabi niya. Humarap naman ako sa kanya.

"Goodnight din" sabi ko bago siya umalis.

Nang makaalis na siya bigla naman akong napangiti ng walang dahilan. Hanggang sa pag-tulog ko, ewan ko pero si Oliver lang ang naiisip ko.

Till my heartache's endTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon