TGWCC VII- Snob-er

99 21 26
                                    

Tinaasan ko sila ng kilay at tiningnan ko naman kung sino ang nasa loob at inalam kung anobang dahilan ng pagdedevil smile nila.

At ayon, nahagip kaagad ng mata ko kung bakit nagkakaganyan sila. Heto na naman 'yung mabilis na kabog ng puso ko, hindi dapat ganito ang puso ko pero kusa siyang nagre-react. Paano ba turuan ang puso na huwag tumibok ng kusa, sa maling tao?

"Huy namumula ka Mau!" Cath while playfully smiling at me, I rolled my eyes.

"Iyan pala ang sinasabing uncrush ah," Sharlaine said while smiling at me.

"So freakin' fragile Mauricé," sambit naman ni Ruby habang napapatawa pa ng bahagya.

"Tigilan niyo nga ako, tao lang 'yan hindi artista." Inis na sabi ko sa kanila para hindi maipahalata ang puso kong naghaharumentado. 

Minsan talaga kahit hindi mo naman gusto ang isang tao, magugustuhan mo na lang dahil sa panunukso ng mga kaibigan mo. Syempre marupok, imbes na uncrush na nga, tinukso ka pa.

Nasabi ko na sa kanilang uncrush na iyan dahil alam kong babaero pero heto pa rin sila at panay pa rin ang tukso sa akin.

"Tapos na ba? Panalo ba si amber?" Callix asked me, smiling like an idiot.

"Hindi pa tapos, may announcement pa kasi kanina," si Cath na ang sumagot sa kaniya at napatango na lang siya.

"Tara, baba tayo tingnan natin kung sino ang mananalo." Anyaya ni Kael na walang emosyon sa mukha.

Hindi ko alam pero medyo nainis ako sa kanya. Napakabastos ng ugali, tuwing nasa paligid niya ako ay nag iiba ang timpla niya. Hindi ko naman siya gusto, siya ang may gusto sa akin pero kung maka asta napaka-bitter.

"Sige sige pero punta muna tayong canteen," sambit ni Erin at nagtayuan na silang apat. Natira naman si Andrew na tumabi kay Ruby, nakaka-bitter.

Sinundan ko naman sila ng tingin habang umaais. Ngumiti pa muna sa akin si Jack na inirapan ko naman. Kahit kailan talaga  napaka-pilyo ng lalaking 'yon.

"Huy! Kung crush mo naman kasi eh umamin kana. Hindi iyong hanggang tingin ka na lang." Tugon sa akin ni Cath ng makaalais ang apat.

"Oo tapos ang arte girl ah, tingnan ko ang kilay mo nasa taas na naman." Sabi ni Ruby sa akin habang nginuso pa ang kilay ko at kulang na lang atang umabot sa may bunbunan ko. Tinaas ko pa lalo ang kilay ko at tiningnan si Ruby. "Ibaba mo uy," nasabi niya na lang habanag nakangisi.

"Napaka-indenial mong hindi mo na sa crush si Jack pero kung maka arte ka wagas," dagdag pa niya kaya tuluyan ko na siyang tinarayan.

Kahit kailan talaga napaka-mean nila! Eh sa ayas kong masaktan at baka hindi ko lang magustuhan ang isasagot sa akin ni Jack kapag umamin ako doon. Baka mamaya, pinaglalaruan niya lang ako tapos ako pa ang dehado.

"Oo inaamin ko maarte naman talaga ako. Hindi ko kayang hindi mag-taray pero duh! Never kong gagawin ang umamin ng feelings." Sabi ko sa kanila saka bumuntong hininga. Sinandal ko ang likod sa backrest ng upuan saka pinag-krus ang braso sa may dibdib.

"Edi umamin ka din sa amin na gusto mo pa talaga si Jack. Kaya nga sinasabi namin sa gusto mo na gusto mo sila kasi kahit kailan you never confess you feelings. Ang daming sekreto ah," sambit ni Sharlaine kaya wala na akong nagawa kung hindi ay mapangiti na lang kunyari kahit sa totoo ay gusto ko ng maglaho dito sa inuupuan ko.

Napakaraming alam nila, huh? I wish I was them, not afraid of consequences when you confess. Dalawa lang naman 'yung kahihinatnan ng pag-amin, 'yun ay ang masasaktan ka dahil nareject ka at ang maging masaya ka dahil naging kayo o naging close kayo ng taong gusto mo. Pero iba ako, ayaw kong masaktan kaya mas mabuti ng huwag na lang 'yon gawin.

The Girl Who Can't Confess (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon