A Vampire's Slave 5

20 3 0
                                    

Chapter Five

Bayan

Nang makapasok na ako sa bahay ni aleng Bella ay inikot ko muna ang aking paningin sa loob bago umupo.Maganda at Simple lang sa loob.

Ahh salamat nga po ulit aleng Bella sa pagpapatuloy niyo dito sa akin. pagpapasalamat ko kay aleng Bella

Walang anuman hija.sabi niya
Nga pala bakit napadpad ka dito?

Naghahanap po kasi ako ng trabaho.sagot ko naman sa tanong niya.

Habang naghahanda si aleng Bella at ang kanyang mga anak ng pagkain sa lamesa ay pinagmasdan ko sila ng mabuti.Simple lang ang pamumuhay nila pero makikita mong masaya sila.Naputol ang pag iisip ko ng magsalita si aleng Bella.

Halika na hija para makain na tayo at makapagpahinga na.alok sa akin ni aleng Bella kaya tumayo na ako at pumunta sa hapag kainan.

Nagsimula na kaming kumain at ang ulam ay sinigang na baboy.Hmmnn sarap.

Ate Zein saan pong lugar kayo galing?tanong sa akin ni Niko yung batang lalaki.Nalaman kulang kanina ang pangalan niya ng tawagin siya ni aleng Bella.

Sa malayo ehh.sagot ko sa tanong niya

May lugar po bang malayo ang pangalan.curious naman niyang tanong kaya natawa ako ng kunti

Ahh haahaha wala, basta malayo.natatawang sagot ko sa tanong niya

Pagpasensiya mo na si Niko hija pala tanong talaga yan ehh.sabat ni aleng bella

Hahahha ok lang po. sabi ko na lang kay aleng Bella.

Pagkatapos naming kumain ay tinulungan kong magligpit ng pinagkainan at maghugas ng plato si Ella.Siya yung batang babae na anak din ni aleng Bella.Hindi pa sana ako papatulungin ni aleng Bella dahil bisita niya raw ako pero tumanggi ako dahil nakakahiya naman kung hindi ako tutulong nuh.Ako pa nga tong nakikituloy ako pa tong parang señorita.hhahahaha(wala namang nakakatawa ah*irap*-Dyosang author)(Kanina ka pa author ha.Nakakarami ka na sa akin-ako)(Eh ano naman ngayon?*rolled eyes-Dyosang author)(Haystt.Ang maldita talaga ni author,wag niyo na nga lang pansinin-ako)
*Back to te story*
Natapos na rin naming hugasan ni Ella ang mga plato kaya umupo muna ako.Nang makita ko si aleng Bella na palabas ng kwarto niya ay nagtanong ako.

Aleng Bella pwede po ba na sumama ako sa bayan bukas?gusto ko kasing tumulong sa pagtitinda niyo.tanong ko kay aleng Bella

Sige hija, kung yan ang gusto mo.sagot naman ni aleng Bella
Nakahanda na pala ang kwarto mo.Magpahinga ka na at maaga pa tayo bukas.dagdag na sabi ni aleng Bella

Salamat po.sagot ko at tumango lang siya.Pumasok na ako sa sinasabi niyang magiging kwarto ko at natulog na.
😪😪😪😴😴😴

●●●●●

K I N A B U K A S A N

Maaga akong nagising tulad ng sabi ni aleng Bella.Paglabas ko sa kwarto ay nakita ko agad si aleng Bella na naghahanda ng mga gulay at prutas na kanyang ititinda.Nang mapansin niya ako ay inalok niya ako ng kape.

Uminom ka muna ng kape hija. alok niya sa akin.

Ahh sige po.sagot ko naman

Pinagtimpla niya ako ng kape pagkatapos ay ibinigay sakin kaya nagpasalamat ako.Salamat po.Nang matapos ko ng inumin ang kape ay naghanda na agad ako para makaalis na kami.

Tapos na akong maghanda at lumabas na ng kwarto.Nadatnan ko si aleng Bella na hinihintay ako.Nakakahiya naman ako pa ang hinintay.sabi ko sa isip ko.

Tara na po.sabi ko na lang at tinulungan si aleng Bella sa kanyang mga dala.Paglabas namin ng bahay ay medyo madilim pa.Anong oras na kaya?tanong ko sa isipan ko.Mga ilang minuto rin kami naglakad bago narating ang bayan.Ang dami ng nagtitinda kahit maaga pa.Ganito ba talaga dito?

Tinulungan ko na lang si aleng Bella na ayusin ang mga paninda niya dahil may bibili na.Pagkatapos ay pinagmasdan ko ang mga tao sa bayan.Ganun pa rin pag nag uusap parang nagbubulungan lang.Paminsan minsan rin ay ako ang nag eentertain ng bumibili pag nasa loob ng stall si aleng Bella.Hindi rin naman nagtatanong ang mga bumibili sa akin kung bagong salta ba ako dito pero mas mabuti na yun.At sa pagsapit ng hapon ay iniligpit na namin ang mga paninda at umuwi na.

**********
DHrinrin



A Vampire's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon