I'M STILL IN LOVE WITH MY EX

18 0 0
                                    

I'M STILL IN LOVE WITH MY EX

"Huwag kang matakot dahil parte ng pagmamahal ang masaktan. Ang katakutan mo ay yung pagsisihan mong hindi mo sinunod ang puso mo dahil nanaig ang takot sa iyo."

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

I am fan of reading any kind of love story. Gusto ko rin maranasan ang tinatawag nilang kilig at saya nang dahil sa pagmamahal. First year highschool palang ako ay patay na patay na ako kay Romeo, kaklase ko siya at class President siya namin. Matalino, matangkad, hindi kapayatan yung tama lang at sobrang Gwapo ang ganda ng mga ngiti niya kaya hindi ko siya kayang pakawalan. Lahat ginawa ko para mapansin niya ako, palaging akong nagrereport sa klase, suki din ako sa recitation, sumasali rin ako sa mga extra curricular activites at higit sa lahat sumali ako sa Cheerdance na sobrang hate ko dahil pinagsusuot kami ng maiksing palda at naiirita ako pag nae-expose ang binti ko pero dahil sa kanya ginawa ko.


Second year highschool ay naging magkaklase kami ulit and guess what? Napansin niya rin ako finally! Niligawan niya ako... I think 1 week? and 2days? 3 days? Basta niligawan niya ako at sinagot ko siya agad! Syempre matagal ko na siyang gusto papatagalin ko pa ba ang panliligaw? Relasyon dapat ang pinapatagal hindi panliligaw. Umabot kami nang three months at akala ko siya na talaga. Pangalan pa lang namin bagay na bagay na. He's my Romeo and I am her Juliet... pero katulad ng Romeo and Juliet story namatay_hindi kami pero ang pagmamahalan nam_ako lang pala ang nagmahal kasi niloko niya lang ako pinaikot sa mga palad niya. Pinaglaruan niya ako, ginawa niya akong bola dapat pala nag-ingat ako sa pagkagusto sa isang basketball player nakalimutan ko ang galing pala nilang maglaro. Sobrang galing na napahanga ako.


Third year highschool tinigil ko na ang pagbabasa ng kahit anong love story. Simula ng nagmahal ako at nasaktan itinigil ko na ang paniniwala na totoo ang mga nasa libro dahil niloloko ko lang pala ang sarili ko gaya ng panloloko sa akin ng taong minahal ko. Ang nasa libro ay gawa lamang ng tao dahil gusto nilang maranasan ang mga ganoong pagmamahal na wala sa totoong mundo. Umalis na rin ako sa cheerdancing dahil hindi ko naman talaga ito gusto, inayawan ko na rin ang lahat ng extra curicullar activities at naging inactive na rin ako sa reporting at recitations bumabawi nalamang ako sa exams, quizzes, projects at performances. Naging ilap ako sa mga lalaki at sa mga kaibigan ko. Nagbago ako. Ang dating masiyahin, palangiti, madaldal at mapagmahal na Juliet ay napalitan nang isang salitang tahimik. Wala ni isa ang lumalapit na sa akin na ginusto ko naman. Aral, Aklat, Asignatura, marka at graduation lamang ang nasa isip ko. Room, Library, Canteen at bahay lang ang mga kinaya na puntahan ng mga paa ko. Nakikita ko pa rin ang lalaking sumira sa akin dahil magkaklase parin kami pero nagpanggap lamang ako na hindi ko ito kilala at nagpasawalang-bahala.


Forth year highschool at hindi ko na siya kaklase dahil lumipat daw ito ng ibang paaralan na walang kahit na sino ang nakakaalam ng dahilan. Hindi ako nasaktan dahil limot ko na ang nararamdaman ko para sa kanya at ang tanging naiwan na lamang ay galit. Galit dahil ginawa niya akong iba at ngayon nahihirapan na akong ibalik ang dati sa lahat. Sinubukan akong lapitan ulit ng mga kaibigan ko and this time hindi ko na sila pinalayo. I try my best to bring back the old me pero sobrang hirap lang talaga. Paminsan-minsan ay natutunan ko na rin ulit ngumiti, napapadaldal na rin ako dahil sa kanila at napapasama na rin ako sa mga gala nila na sobrang na miss ko. Sobrang laki ng pagpapasalamat ko sa mga kaibigan ko dahil kahit ganoon ang nangyari na napalayo ako sa kanila ay hindi sila nagalit sa akin at inintindi nila ako. Isa lamang daw akong biktima ng pagmamahal at wala akong kasalanan doon nagmahal lamang ako at ang problema lang ay sa maling tao pero ang importante naman daw ay natuto ako.


I'M STILL IN LOVE WITH MY EXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon